POISON FLAVORED JUICE

5 0 0
                                    

♠️ANDROMEDA'S POV♠️

"Bebs! Wag nalang kaya tayong pumasok? Masakit talaga ulo ko" nakapaout na pakiusap ni Bebs. Halos silang lahat walang ganang pumasok sa unang klase dahil nga sabog sila. Di kinaya ang inumin kagabi.

"Amuse me and I'll give you an SC(Spade Chance) at gamitin niyo para di tayo pumasok pero hangga't wala kayong SC ay papasok kayo, papasok tayo" sabi ko habang nakasmirk at sila naman ay halos bumigay na ang entire existance nila.

"Peste!" 

Biglaan nalang bumukas ang pintuan papuntang back garden ng malakas at iniluwa si Odette na mukhang sabog na sabog.

Nakagising na pala siya, si Odette kasi ang pinakaweak pagdating sa alak tapos minsan naman ay kahit ano nalang ang ginagawa niya at kahit saan siya napapadpad. Pero bumabalik rin naman pagka-umaga.

"Maligo na kayo kung ayaw niyong ako ang magligo sa inyo. And trust me, you don't want to experience that" sabi ko ng may halong banta ang boses.

Agad naman silang nagsitakbuhan sa kanya-kanya nilang banyo na nasa kwarto  nila. Tapos na kong mag ayos magmula nang magising ako sa tulog ko and obviously naman ay ako lang ang nagising ng maayos.

Kinuha ko ang isang pack ng kitkat sa may ref at sinimulang lamunin ang ito. Napatayo ako sa bintana at nahagip ng paningin ko ang Regalia Supreme na nasa labas ng gate namin. Si Iana naman ay kumakaway para mapansin ko at tulad niya naman ay ganun din ang ginawa ng kasama niya except for Silver.

Nang maubos ko ang kitkat ay kinuha ko ang chuckie sa ref at ininom. Lumabas ako sa Mansion at nilapitan ang gate na saksakan ng layo mula sa front door ng bahay.

"Good Morning, Alas" bati ni Bea sa akin. Ang haggard nilang tignan except ni Silver. HAHAHA. Pareho sila ng ekspresyon sa makuha ng mga kasama ko.

"Come in" sabi ko habang iniinum ang chuckie ko gamit ng straw nito. Sinunod naman nila ako sa pagpunta sa loob ng Mansion.

Ah. Nakalimutan kong ipalinis ang living room. Lahat ng boteng ininum ko ay ay nasa couch, ilan na ba na nainum ko kagabi? 7? 10 bottles?

"What happened here?" Manghang tanong ni Lhoyd nang makita ang boteng nakakalat na galing sa iba't ibang brand ng alak.

"We were drinking" si Star ang sumagot habang bumaba ng hagdan. 

"Ay hindi pala, kami naging sabog. Si Alas lang pala ang natirang matino na umiinom" Dagdag pa niyang sabi at tinalian ang buhok nito.

"Alina kayo, sabay tayo pumunta sa cafeteria para magbreakfast" pag-aya naman ni Jamie.

"Doon kayo sa kusina umupo, kakain pa kami at sabay nalang kayo samin" sabi ni Star at sinenyasan silang tumuloy sa Dining area.

Baby sis proceeded to put the food on the table at isa-isa namang nagsipagdatingan ang barkada namin mula sa kani-kanilang kwarto.

"Mukhang sabog din kayo ah?" Natatawang sabi ni Ren sa grupo nina Silver.

"Oh? Kayo rin?" Asar naman pabalik ni Jamie. Nagsiupuan na ang lahat at kakain na sana ang Regalia Supreme nang mapansin nila na on standby lang sina Bebs.

"What are we waiting for?" Tanong ni Lhoyd at sinamaan siya ng tingin ni Nara at tinuro ako gamit ng kaniya ulo. Agad naman niyang nagets at naghintay.

"Alright" sabi ko at nagsikainan na sina Nara at nagdadalawang isip pa sina Silver kung kakain na ba sila.

"Ano pang hinihintay niyo? Kain na!" Sambit ni Bebs sa kanila kaya't kumain narin sila.

Natapos na ang Regalia Supreme na kumain at natatapos narin sina Bebs. Iinum na sana si Odette ng juice nang biglang tinitigan niya ako. Napasmirk lamang ako.

"Sinong gumawa ng juice ng Regalia Supreme?" Tanong niya kay Star habang nakatingin sa baso niya.

"Ako, bakit?" Sagot naman ni Star.

"Oh, I guess tayo lang ang nilagyan?" Patawang sabi ni Odette at naguguluhan ang mga mukha ng Regalia Supreme.

"It's poisoned, isn't it?" Sabi ni RM in a of-course-it-is-tone. At naibuga naman nina Jamie, Iana at Silver ang juice nila.

"I'm sorry what?" Gulat na tanong ng Iana habang pinunasan ang sarili niya.

"Wag kayong mag-alala, di kayo kasali sa ganitong bagay" sabi naman ni Sean.

"What the heck?" Si Seri ang nag-react.

Nagulat naman sila nang ininum ni Bebs ang juice niya hangga't sa naubos ito. Ganun din ang ginawa nina Star. Napanganga nalang ang Regalia Supreme.

Napatawa nalang ako at ininum yung akin. This is my training for my gangmates, poison resistance para di sila maging madaling malason ng kahit ano. It's not rare na malason kami dahil nga madaming gustong pumatay samin.

"I'm so confused " si Ray ang nagsalita.

"It's training, don't worry, we're used to it" sabi ni Bebs.

"Kasali ba si Alas dyan?"HAHAHA. Di nako kapagpigil ng tawa dahil sa sinabi ni Silver.

"Gusto mo?" Sabi ko habang nag-gesture na kunin niya ang baso ko pero lahat ng barkada ko ay todo sa iling.

Nagkibit balikat nalang ako dahil hindi niya kinuha at nanatiling nakatitig sa basong hawak ko. Ininum ko nalang hangga't sa maubos ang laman, sayang naman kasi ang dalawang shots ng lason na nilagay ko dito kapag tinapon ko lang diba?

"Tara na, baka malate pa tayo!" Dali-daling sabi ni RM at agad naman kaming lahat nagsitayuan. Di ko na sinagot yung tanong ni Silver kanina, mamatay siya sa kakaisip.HAHAHAHA.

Umalis kami ng Mansion kasabay ang Regalia Supreme. Agad namang napako sa amin ang mga tingin ng mga Estudyante sa Royalties.

Naks. Ang wafu ko naman. Lahat makatingin sakin.

Agad naman kaming umupo sa likura dahil gusto namin, nakikita ang lahat sa room at syempre nasa bintana ako banda.

Pumasok naman ang prof sa room. Tss. Kilala ko toh, kilala namin toh. Napako ang tingin namin sa isa't isa at halos sabay kaming napasmirk.

"Oh God" react naman ni Bebs nang makita niya ang itsura ng prof na pumasok.

Napatingin silang lahat kay Bebs dahil sobrang tahimik at dinig na dinig ang kaniyang boses.

Nagulat sila nang hinagisan ako ng prof ng patalim pero mas nagulat sila nang masalo ko ang patalim only inches away from my face.

"Bumilis ka yata?" Natatawa kong sabi.

"Kuya naman eh! Alam niyo namang delikado ang greetings niyo ni Alas! Pano na kung iba ang natamaan?!" Inis na sermon ni Star.

"Teka-teka? Kuya? Kuya niyo? Brother? Ang terror prof?!" Di makapaniwalang tanong ni Ray at natawa lang si Kuya.

"Di niyo ba napansin ang pangalan niya? Like it was obvious" sabi ni Rezen.

"No? The terror prof never introduced himself!" Inis na sambit ni Bea.

"Allow me to finally introduce myself, students. Neptune Polaris Uranus Astro" pakilala niya sabay pagbow ng parang showman.

(A/N:

Hayst kuya nila nasa DECENTE DE LEONA! WAHAHAHA . Ano sa tingin niyo ang reason? Silent readers and Noisy readers HAHAHHA Jk.)

Spade ChanceWhere stories live. Discover now