ANDROMEDA'S POV
Andito na kami sa tambayan namin ngayon at nasama pa tong si...uhh....Ven?.. Vein....Venice! Oo, Venice pala.
Tsk! Nakakainis mag-remember ng pangalan ng ibang tao. PUTSPA!
Nakatanggap rin kami ng notification mula sa school na wala raw klase ng isang week dahil sa issue namin at iimbestigahan daw nila lola at Fortune ang nangyari at kung bakit daw nangyari ang bagay na yun sa school.
"Gusto niyo mag imbita ng iba?" tanong ni Sean sa amin pero umiling naman kami lahat at nagpatulay sa ginagawa namin which is drinking and talking. Well, ako nakikinig at sila naman ang naguusapan.
Si Venice ang inuupuan ko ngayon, yung para bang cuddle postion ng mga couples na nakikita mo sa movies pero may kasamang alak, he's just waiting kung kailan kami pupunta sa kwarto and to be exact, pupunta sa kama.
"Anong oras na ba?" tanong ni Star na nakaparehong position rin katulad ng amin, nakaupo siya kay Ren.
"Di ko alam, basta oras na para matulog" inaantok na sagot ni Odette na nakapatong ang ulo sa kamay niyang nakasandal sa lamesa. Tumayo ako at sinundan naman nila ako ng tingin.
"Sa'n ka pupunta Bebs?" tanong ni Bebs habang tumayo rin.
"Sa Kama, Sama ka?" maloko kong sagot at bumalik naman siya sa pagkaupo dahil sa sinabi ko. Namula rin ang tainga niya...Nahiya pa ang loko sa narinig niya.
"Ehem! Spg- Ehem!" asar naman ni Ren.
Agad naman akong nagpaalam na pumunta sa condo ko kasama si Venice na excited na sa premyo niya. Sumakay kami sa kotse ko at nagmaneho na ako papuntang condo ko in which I frequently go to mess around with the boyfriends.
Pagkapasok namin sa kwarto ay sinunggaban ko siya ng halik and the rest is history.
ORION'S POV
Gumising ako na may sakit sa ulo dahil ininom namin kagabi. Masyadong hard ang liquor palette ni Bebs at hirap sabayan ng normal na taong umiinom. Inilibot ko ang paningin ko at naalalang nasa tambayan parin pala kami at si Alas at Venice ang umalis papuntang condo.
"Oi, Gising na kayo diyan, puntahan natin si Alas at subukan nang tignan yung kinuha natin kagabi" utos ni Nara na mukhang mas naunang gumising sa aming lahat na mukhang sabog talaga ang itsura.
Iilang minuto ay nagising narin kami lahat at nagligpit dahil andaming kalat na bote at snacks dito sa tambayan, kawawa naman ang tagaligpit dito kung iiwan lang namin.
"Oh? Malinis na ba ang lahat?" tanong ni Nara na kakatapon lang ng basura sa may trash dump doon sa likod.
"Okay na, alis na tayo babalik pa na naman tayo sa school dahil sabi ni Kuya Neptune na gusto niya rin daw tignan yung kinuha natin kagabi" Sagot ni Star at nagsilabasan na kami sa tambayan.
We drove papunta sa condo ni Alas at coincidentally sa stop signal ng kalsada ay nakatabi ng kotse namin ang kotse ni Silver.
"Uy! Silver! " sigaw ko at kaway-kaway ang kamay ko mula sa kotse ko.
"Orion?" Takang tanong niya at nagsignal na sundan siya at ginawa ko naman. Sumunod din sina Ren at Sean na nagmamaneho sa kotse nila.
Nakaparking kami dito sa may mini stop at nagsilapitan sila sa kotse ko.
"Where'd you guys come from?" Tanong ni Silver at mukhang nasagot ang tanong niya nang makita ang itsura ni Odette na kakalabas lang mula sa passengers seat ng kotse ko.
"Alas? Saan?"
"Nasa kama, pupuntahan namin" sagot naman ni Nara at napatawa pa.
Obviously sanay na kami sa ganito dahil ilang beses nang nangyari ang kama incidents ni Alas but only if she wants something from them which is very seldom kaya di naman kami concerned.
"What does that mean?" Tanong ni Silver na halatang naguguluhan sa nangyayari.
"Kukunin namin si Alas papunta kami sa condo niya, gusto mong sumama?" Maayos na sagot ni Star kay Silver.
He agreed to come and on the way we stopped by for a first aid kit and light bulbs dahil---ah, malalaman niyo rin when we get there.
Iilang minuto ay narating din namin ang condo ni Alas. Andito pa yung kotse ni... Venice? Ata yung pangalan niya if I remember correctly.
"I guess he had it rough but good" natatawang sabi ni RM nang makitang andito parin ang kotse ni Venice.
"Let's go, baka napano na yun" sabi ni Ren habang nakaholding hands kay Star and nalilito parin si Silver sa pinagsasasabi namin.
He'll get it soon enough, sometimes you just gotta see it and need no explanation.
Pumunta kami sa may 10th floor ng building, this place has 10 floors and Alas owns the entire 10th floor. Wala nang umimik sa aming lahat hanggang sa narating na namin ang harapan ng pinto ng condo niya.
"I bet he's still tied up" natatawang sabi ni Odette na nagbasag sa katahimikan.
"Owss, I bet his back is red" sabi rin ni RM. We placed bets, well except ni Silver dahil di nga niya alam kung bakit may bet eh.
Bubuksan ko sana ang pinto nang may sumigaw mula sa elevator. Nilingon namin ang sumigaw and oh dear Jesus Christ.
"Anong ginagawa nila dito??" Takang tanong ni Nara hababg papalapit sila sa amin.
"Uhh... Hehe" awkward na imik ni Odette. Ah, I should've known.
It's been a while since I've seen them all together, mukhang harem talaga toh ni Alas. Every single one of them may regalo and every single one looks good.
"Sabi ko sayo nandito siya eh, ayaw maniwala..tsk" inis na sambit ni.... ah.. sino nga ba toh?.
"Oi, boyfriend #1" tuwang bati ni Odette at agad namang binatukan ni Rezen.
"Anong hinihintay natin dito? Pasko?" Mabirong sabi ni.... ah si number 4 ba toh oh number 5? Ewan basta may nagsalita.
"Oh, yeah" sabi ko at kinuha ang susi ng condo ni Alas mula sa bulsa ko at inunlock ang pinto.
"Holy Sh- what is this?" Di mapaniwalang sabi ni Silver nang makita ang magulong condo ni Alas.
"Ouh diba, sabi ko sainyo naka-on pa yung red lights eh" proud na sabi ni Star.
"Putangina ang ingay niyong lahat!!!" Sigaw ni Alas.
Woooosh, lumipad ang isang bote patung dito sa may pintuan.
"Putspa! Sabi nang wag kang mambabato ng kahit ano!"
(A/N
Woosh. Andameng boyfriend ni Alas, gusto nyo isa?)

YOU ARE READING
Spade Chance
Acak"Putspa" "Alright" "It's the Spade!" "Oh look! Di nasunog ang buong building" "Let's break up, okay? Wala akong pake sayo, kahit pangalan mo nga di ko maalala eh" Hayst. "I'm dominating you, Darling" And so much more- read Spade to know the story of...