♠️ORION'S POV♠️
Hi Readers! Ako ang pinakagwapong nilalang-este isa sa pinakagwapong nilalang kasi may kambal nga ako at pareho kami ng mukha. Hayst, nga naman ang life parang buhay at ang buhay naman lakas makalife. HAHAHAHHA.peste. Nababaliw na ata ako.
Orytt. Ako si Orion Comet Space Astro. Opkors naman, di magpapatalo ang pangalan ko kay Andromeda Supernova Cassiopeia Astro. Anyways, enough with the introductions and let's move on with the story.
♤♤♤♤♤
"Bebsssss! Gising na bebs dahil ngayon tayo papasok sa iskwelahan na yon tapos kukunin pa natin ang susi natin doon sa may ari ng iskwelahan at pati narin ang schedule!" Sigaw sigaw ko habang niyuyugyug si Bebs.
Patay. Nakalimutan ko na ayaw niya na ginigising siya. TAKBOOOOO! Mabilis akong tumakbo papunta sa dining area kung nasaan ay kumakain na si Odette at si Saturn.
"Hi baby sis. Pakishield naman ako kay Bebs, okay?" Dali-dali kong lambing para mabuhay pako ng matagal at bago paman maprocess ni Saturn ang sinabi ko ay narinig na namin ang sigaw ng Kraken.
"Putspaaaaaa! ORION COMET SPACE ASTRO! HUMANDA KA SAKEN!" Yup, gising na ang Kraken at gusto ko pang mabuhay. Napatalon siya mula sa second floor kung nasaan ang kwarto niya and landed sa may entrance ng Dining area.
Agad ko naman tinulak na halo ihagis ko si baby Saturn papunta kay Bebs at agad naman niya itong sinalo.
"Good Morning ate" lambing ni Saturn para mawala ang galit ni Bebs. Mukhang hindi gumana dahil walang makakapag gising kay Bebs nang hindi siya nagagalit.
"Diba sinabi ko na sayo Orion na ilagay nalang natin siya sa kotse at dalhin sa school hanggat's sa makagising siya ng kusa" sabi ni Odette in an I-told-you-so-tone. Inirapan ko lang siya at bumalik lang ang atensyon ko kay Bebs nang nasa harapan ko na siya.
Mukha siyang si Sadako sa buhok niyang wild na wild. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at ngumiti. That sent my soul to hell.
"Bebs-ughhhh" she freakin' punched me in my stomach and tapped my shoulder habang nakangiti ng malademonyo.
"Good morning, idiot" bati niya at iniabot ni Odette ang isang bowl of cereal sa kaniya and she proceeded to eat.
Yup, I should remember that she's a Kraken in the morning.
♠️ANDROMEDA'S POV♠️
Nandito na kami ngayon sa Garage at pumipili ng kotseng gagamitin. I'll use a lambo para si Odette lang ang sakay ko dahil mas nasanay ako sa madaldal niyang bunganga kaysa sa abnormal kong pamilya.
"Wag kayong mag-lalambo dahil may sasakay pa sa kotse niyo. Bebs, ikaw bahala kay Sean and Rosemary and ikaw naman baby sis ang bahala sa labidabs mo na si Rezen at si Shanara" tumango naman sila at sumakay sa kotse nila.
Sumakay si Bebs sa Mustang na binigay ni Lola samin noong 16th birthday namin at si Saturn naman ang sumakay sa binigay ko sa kaniya na baby blue jeep niya. Sila ang pinauna ko dahil ayokong mauna dahil baka magasgas pa ang lambo ko sa disgrasya kapag ako ang nauna.
Dinaanan namin ang mga Barkada namin which is also our Gangmates and long time friends. Habang nagda-drive ako ay bahang-baha ang cellphone ko ng text messages. The specific cellphone for boyfriends, binigay ko kay Odette ang phone na yon dahil siya ang bahala na sabihin sakin ang interesting texts rather than the boring one.
"Ito galing doon sa boylet mo na si Jenz yung mahilig magbigay nung flowers every end of the month" sabi niya habang nakatingin sa phone.
"Alright" sabi ko as confirmation na interested ako sa sinabi ng text. Napatawa nalang si Odette.
"Susundan ka raw niya sa Decente De Leona. HAHAHHAHA" tawang tawa naman tong isang toh.
"Hindi yan papapasukin. Masyadong mahirap HAHAHAH"tawa parin ng tawa si Odette. Hayst. Kahit ang top 1 sa mga jowa ko ay di na naging interesting. Sana may mahanap akong libangan sa iskwelahan na yon.
Nakarating kami sa Decente De Leona at hindi nako nagulat sa mga taong nakatipon tipon dito sa parking lot. Putspa, andaming mga bubuyog na nagbubulungan.
"Bessie dear, masyado ba tayong maganda-este Gwapo?" Arte niya nang mapansin niya ang crowd na mas dumadami pa ngayon.
"Bebs! Alika na" sigaw ni Bebs habang naglakad papunta sa pinto ng kotse ko at binuksan ito. What a gentle-idiot.
Lumabas ako sa kotse ko at nagsitinginan ang audience sa akin. Alam ko namang Gwapo ako pero ba't andameng tao.
"Let's go" sabi ko at sumunod naman sila, tinignan ko kasi ang mapa ng school nato dahil binigay ni Lola. Alangan namang sunugin ko yun eh may common sense naman ako.
Nang makarating kami sa may Head's office at salamat sa diyos na alam ko na ang title nang Boss dito sa school nato.
"Sean, ikaw kumausap" utos ni Rosmary sa kapatid niya na si Sean. Hindi naman maka-angal si Sean dahil sinenyasan ko siya na gawin niya ang utos.
"Hello po" bati ni Sean nang makapasok kami sa office. The Head looks like an ex-mafia boss, kahit nakatalikod pa toh ay damang-dama ko ang aura niya, the mood and vibes that he has is my type of fun.
Hinila ko ang nakatagong dagger sa may buhok ni Shanara at inihagis sa Head and I was right, nasalo niya ang dagger inches away from his face nang humarap siya samin. Napatawa nalang ako and the rest of my gang? Nga-nga talaga.
"As expected from the grand daughter of an ex-mafia boss" narinig ko ang saglit niyang tawa as he handed me the dagger na nasalo niya.
"Alright, something tells me that you are Fortune" nakasmirk kong saad at humalakhak siya sa narinig niya.
"Wait. That Fortune? Yung partner ni Lola Jupiter noong always active ang Salazar Mafia?!" Halos pasigaw na sabi ni Rezen sa mga barkada namin.
Napafacepalm nalang si Saturn sa inasal ng boyfriend niya, fanatic kasi si Rezen sa Salazar Mafia. Si Rezen naman ay full of happiness and excitement at ako ang napapagod sa energy niya.
"I am Kingsley Furrein Enevida, the head of the Decente De Leona and also formerly known as the Co-Founder of Salazar Mafia" pakilala ng Head sa amin at nagbow na parang showman.
"I welcome you to my empire, Dios De Espadas"
"The pleasure is ours, Fortune of Salazar" sabi ko at nagbow din ng katulad ng bow niya.
(A/N:
Welp. Ang mga top 5 boyfriends ni Andromeda ay makikilala later on HHAHAHAH. Haba tologo ng hair ni gHoRl.
YOU ARE READING
Spade Chance
De Todo"Putspa" "Alright" "It's the Spade!" "Oh look! Di nasunog ang buong building" "Let's break up, okay? Wala akong pake sayo, kahit pangalan mo nga di ko maalala eh" Hayst. "I'm dominating you, Darling" And so much more- read Spade to know the story of...