DEAD BODY (2)

3 0 0
                                    

ORION'S POV

"PUTSPA! TANGINA! FUCK!" Lahat nalang kami nagulat nang biglang tumayo si Alas at sumigaw.

Nandito parin kami sa classroom pero break time na kaya kakaunti nalang ang nasa loob.

"O-oi, anong problema?" Gulat kong tanong pero tinitigan niya lang ako na para bang may sinasabi siya.

Like dahek alas. Alam kong kambal kita pero wala tayong telepathy .

Magrereklamo na sana ako sa pagtitig niya nang mapansin ko ang paghinga niya, hindi na normal.

Bigla nalang niya akong hinawakan sa balikat at diniinan ito ng maigi. Kaya napangiwi ako sa sakit dahil bumabaon ba ang kuko niya.

"What's wrong? Ano ba ang nangyayari?" Alalang tanong ni Nara at nagtinginan naman sina Star at Ren pati na sina RM, Sean at si Odette naman ay nakatutok sa akin.

"Comet" nahihirapang sabi ni Alas kaya't napabalik ang utak ko sa realidad. She's having an anaphylactic shock.

"Fuck!" Mabilis kong binuhat si Alas at tumakbo papunta sa clinic.

Putspa. Wala kaming dalang epi-pen!

"Nurse!" 

Napahanap ang mga mata ko kung nasaan ba ang nurse dito.  Agad ko naman inilagay si Alas sa isang bed dito habang mabilisan kong namang hinanap ang  epi pen nila dito dahil unattended ang putanginang clinic na toh!





ANDROMEDA'S POV

Nabigla nalang ako nang buhatin ako ni Bebs papunta sa Clinic at nag panic dahil wala ang nurse dito.

Agad naman naghanap siya ng epi-pen nang maihiga niya ako sa kama. Masyado na siyang nagpapanic kaya di niya makita ang epi-pen, mas una ko pa ngang nakita eh. Kahit hirap na ako sa paghinga ay ako nalang  ang kumuha sa epi-pen at ininject ang sarili  ko.

"Alas!" Dinig ko ang tinig nilang lima sa hallway at nakapasok na sila rito. Alalang alala ang mga mukha nang makita ako sa may bintana gumiginhawa pero nanghihina.

Magsasalita na sana ako nang biglang niyakap ako ng kambal ko. Hayst. Kahit kailan talaga ay takot siyang mawala ako.

"Akala ko malalagutan ka na ng hininga" medyo mangiyak iyak na niyang bulong habang nakayap parin.

Niyakap ko siya pabalik kaya mas hunigpit ang yakap niya. Lalapit na sana ang lima sa amin para makisali sa yakap nang biglang magsalita si Orion.

"Walang lalapit" nakita kong tumindig ang mga balahibo nila nang magsalita si Orion.

Kumalas siya pagkayakap namin at humarap sa kanila habang ako ay tinatago niya sa likod niya na para bang prinoprotektahan niya ako. 

Tss.

"Sino? Sino ang nagmamay-ari ng antibiotic sa bahay?" Mabantang tanong ni Bebs. Naks, natututo na siya sa pagbabanta.

Mukhang nagsiliparan na ang mga kaluluwa nila nang magsalit ulit ang kambal ko. Agad namang nagstep forward si Sean mula sa grupo habang nakatungo ang ulo.

Bago pa man makasalit si Sean ay sinugod na siya ni Orion. Hinampas niya si Sean sa may pader at hawak ang leeg niya na para bang sinasakal niya para mamatay. 

"Kuya! Tama na!" sinusubukan ni Star na pigilan si Orion pero di niya kaya. Ako? Nakatayo lang dito at tinitignan kung hanggang saan ang kaya ni Orion.

"H-he-l-lp" hirap na sabi ni Sean habang sakal na sakal parin siya ni Orion.

Spade ChanceWhere stories live. Discover now