ROYALTIES CLASS

3 0 0
                                    

♠️ORION'S POV♠️

Nandito kami ngayon sa Royalties Lounge kung nasaan tumatambay ang lahat ng Royalties na mga Elites at Risings na malapit nang maging Elites.

Pagkatapos nung ipakilala kami kanina ay naexcite talaga ako pero nagpaevent tong si Bebs at nagpa-'Spade Chance'.

Ang Spade Chance ay-

"Ano yung pahula niyo kanina? Ano ang prize?" Tanong nung babaeng mukhang second-in-command nila. Hayst. Mag-eexplain sana ako pero may umepal sa isipan ko.

"Spade Chance" sagot ni Sean na mas ikinakunot naman ng mga knoo nila. Iilan lang kasi ang may alam sa Spade Chance namin dahil hindi madaling kunin ang interes ni Alas.

That's probably why it's called a chance. Obviously.

"Ano yun?" Tanong nung nakaglasses na lalaki.

"This is our Signature, a Spade" panimula ni Shanara at ipinakita ang isang Spade na Alas.

"Spade Chance usually happens when Alas is amused or your action was interesting, she'll give you a Spade Alas Card and you have the ability to ask anything you want" explain ni Rezen at napatango-tango naman silang lahat sa explanation niya.

"What if I want her life?" Tanong ni Silver at agad namang napatawa si Alas.

"You'd have to fight me and then fight her for her life and if you managed to kill her then we do nothing except prepare her funeral" mariin kong explain. Naiinis ako dahil agad naman nilang naisip ang buhay ni Alas, my twin's life.

"What if I fight her directly?" Tanong nung isang babaeng maiksi ang buhok na may ribbon headband.

"Then you can fight her and she'll kill you but usually she gives you a chance to answer her question before she decides to kill you" explain naman ni Odette sa kanila at tumango naman sila.

"Now enough with the explanations, I'm Julliana Denise Everst, know as Greed and I'm Second-in-Command, call me Iana" pakilala nung babaeng nasa tabi ni Silver.

"I'm Serina Maine Everst, known as Sloth. Call me Seri" sabi nung babaeng maikli ang buhok at may ribbon na headband.

"I'm Lhoyd Wagne Almas, known as Wrath. Call me Lhoyd" sabi nung nakaglasses na lalaki.

"I'm Rhea Cristine Herald, known as Lust, Call me Ray"

"I'm Fritz Jamie Leste, known as Pride, Call me Jamie"

"I'm Beatrice Winona Pace, known as Gluttony, Call me Bea"

"I'm Elijah Silver Reverte, known as Envy and The leader of Regalia Supreme, Rank 1 UG in the world, call me Silver" pakilala ni Silver at bahagyang napatawa si Bebs.

Ba't ba laging natatawa tong si Bebs? Nakahanap na ba to ng laruan? Baka magiging busy nanaman kami neto?

♠️ANDROMEDA'S POV♠️

Napatawa ako sa rank nila, it's pretty cute for  them. HAHAHAH. Bagay na bagay. Anyways, tinignan lang ako ni Iana ng nakakunot ang kilay niya.

"Don't mind her, She just does that at random times and take no offense btw" sabi ni Odette para di sila mainis sa pagtawa ko.

"I'm Sean Jezter Devine, call me Sean"

"Shanara Olivia Agrivaine, call me Nara"

"Rezen Giovanni Selida, call me Ren"

"Saturn Star Nebula Astro, call me Star"

"Rosemary Joziah Devine, call me RM"

"Bernadette Quinzelle Light, call me Odette"

Di ko aakalain na sasabihin nila ang nicknames nila sa mga taong ngayon lang nila nakilala.

Shocking.

"I'm Orion Comet Space Astro, just call me Orion" 

"Andromeda Supernova Cassiopeia Astro, Alas" diretso kong pakilala at sabay-sabay naming pinalabas ang assigned card namin.

Star and Ren, are King and Queen of Hearts.

Nara and Odette, King and Queen of Clubs.

Sean and Rm, King and Queen of Diamonds.

Bebs, King of Spades.

Ako, Ace of Spades.

"Bakit Alas ang nickname niya?" Tanong ni Lhoyd at tumawa sila habang ako ay nakastraight face lang.

"Long Story" si Ren ang sumagot.

"Anyways, bukas ang formal classes and don't worry dahil iba ang curriculum nila dito" sabi ni Jamie, he obviously winked at Odette kaya't napatawa ako ng palihim.

Mukhang nainis si Odette kaya binigyan ko sila ng command ulit para ipaalala ang sinabi ko kanina.

"Diamonds" sabi ko at tumayo paalis, di ko na sila hinintay pa at iniwan sila kasama ang Regalia Supreme. Dumiretso ako papunta sa Mansion namin at agad akong pumunta sa living room at hinintay silang makarating.

Pagkapasok nila sa Living room ay inutusan ko naman sila na kumuha nga mga drinks, strong drinks to be exact. Excited naman si Sean na kumuha ng inumin at si Odette at Bebs ang naghanda sa mga baso, ice at snack plate.

Nag-inom kami hangga't naubusan ng inumin ang buong bahay. 

But as always, ako nalang ang natitirang gising dahil knock out silang lahat.

JULLIANA'S POV🙃

"Silver, what do you think about the new gang?" Tanong ni Jamie na matagal na kaibigan niya bago paman nabuo ang gang namin.

"I like her" nakangiti niyang sabi habang diretso parin sa paglalakad.

"You mean, Alas? The leader?" Paniniguradong tanong ni Ray at nanguna sa living room ng mansion namin.

"I like Sean, looks cute" natutuwang sabi ni Seri habang napatalon-talon at naupo sa sofa.

Yung kambal ni Alas ang type ko sa kanila and kakamove-on ko lang kay Silver dahil binusted niya ako last year. Pumasok sa living room si Lhoyd na may dalang Jack Daniels at mga baso. Si Bea naman ang may dala sa ice bucket at snacks.

"Find out their rank, I want to use that Spade Chance to ask her out on a date and I expect you all to help me, that's an order" maowtoridad niyang sabi at ininum ang laman ng baso niyang nilagyan ni Seri.

"Maabuso kana Silver ah!" Sabat ni Bea kay Silver pero napatawa na lamang ito.

"Bakit ikaw lang ang makakabenefit sa Spade Chance nila?" Nakataas kong kilay na tanong.

"Let's all use the Spade Chance to ask them all on a date" suggest ni Jamie kaya napatango kaming lahat in agreement.

"Cheers!" Napasigaw si Silver.

"Cheers!" Tugon naming lahat at nag-inuman hanggang sa naknock-out kaming lahat maliban nalang kay Silver na mataas ang Alcohol tolerance. 

Hayst. Sasakit ang ulo naming lahat pagdating ng umaga.



(A/N:

Ano sa tingin niyo ang mangyayare bukas? Nag-inuman ang dalawang grupo eh. )


Spade ChanceWhere stories live. Discover now