Andromeda's POV
Nakarating na ako sa may opisina ng resort ng dahil lang sa mga basag na camera. Pinatanggal ko muna ang mga guards na pinastation ko sa may openings ng resort at nilipat ko sa may powerhouse. If they are really planning to do an attack, then they'll remove the power from the resort, walang makakakita at mahirap maglaban sa dilim. But of course, hindi naman kami ganun ka amateur, fighting while blindfolded is easy enough.
Anyway, pinapanood ko ang last footage na nakuha ng cctv sa may garage bago paman to nabasag. Walang makita ang camera kundi isang empty na garage hangga't sa nabasag ito ng baseball bat.
"What?" Naudlot ang pag-iisip ko dahil sa isang katok.
Walang umimik kaya't dali-dali kong kinuha ang isang revolver sa may top drawer ng desk. I ready my aim at muling nagtanong.
"Who's there?" Titirahin ko na sana ang pintuan nang biglang may nagsalita.
"Alas! Pakibuksan ang pintuan. It's me, Bea!" Dinig kong sigaw mula sa kabilang banda ng pintuan.
Tinago ko naman ang baril sa may likuran ko at pinindot ang unlock sa ilalim ng desk na para sa pintuan.Bumalik ako sa pagkaupo at agad namang nabuksan ang pintuan at iniluwa nito si Bea nakacocktail dress.
"Kanina ka pa namin hinahanap andito ka lang pala? Why aren't you dressed? Diba mag-iinom tayo sa bar niyo?" Sunod sunod niyang tanong akin at niisa ay wala akong nasagot dahil ang bilis niyang magsalita. Inirapan ko nalang siya at bumuntong hininga.
"I'll be there, give me 10 mins" Saad ko at umalis na sa office papuntang kwarto ko. Nagbihis na ako sa isang black cocktail dress na sa backless at nakatsinelass lang din na color black.
Nakarating na ako sa may bar area kung saan nakaupo si Silver habang umiinom ng isang beer. Umupo ako na medyo one seat apart sa kaniya at humingi isang brandy sa bartender. Agad niya naman itong sinerve sa akin at agad ko namang ininom.
Inilibot ko ang paningin ko sa bar area at nakitang nasa may lounge sila nag-iinuman, RS and DDE. Katabi pa ni Bebs ang patong patong na case ng red horse. Mukhang kailangan naming magparestock bago makauwi kami sa Decente de Leona.
Nirefill ng bartender ang baso ko ng brandy at agad ko namang ininom ulit bago ko tawagin si Sean na kumukuha ng isang bote ng wine. I knocked on the table at lumingon naman siya agad.
I gestured a nod na lumapit siya kaya nakatayo na siya ngayon sa harapan ko na medyo malapit lapit.
"Yes? My dear Alas~? Anong maipaglilingkod ko sa iyo?" Sabi niya na medyo mahina na parang pabulong at lumalapit pa siya. Ang posisyon na namin ngayon ay nakatalikod na ako at nakasandal sa bar at ang dalawang braso niya ang nakakulong na sa akin.
I reached out my hand and grabbed him by the neck and pulled it closer to me.
"Go check the maintenance and the circuit breakers, I specifically asked for 8 attendants for RS, 3 of their staff members are missing"
"Should I bring Shanara?"
"No, go discreetly" utos ko sa kaniya at agad niya namang ginawa. Just as he left to do what I asked, iba naman ang lumapit sa akin.
He sat beside me looked at me with a flare in his eyes.
"Problema mo?" Napataas kilay kong tanong at ininom kong paubos ang brandy na nasa baso ko.
"What's going on with you and Sean? Ang lapit lapit niyo kanina ah" He said directly and downed his drink.
"Have you been watching me all this time?" Sabi ko habang nakasmirk. Nilagyan ulit ng bartender ang kaniyang baso and before he could get his cup ay kinuha ko at agad ng ininom.
Matapos kong inumin ay binalik sa kaniya ang baso which left him a bit flustered.
"You jealous, Silver?" I asked which made him widen his eyes.
Tss.... nagseselos lang naman pala, ayaw pa sabihin.
"Don't worry, nothing is happening" I pulled him in close to my face and and he closed his eyes.
Would you look at that, he expects haha... how cute...
Hinipan ko nalang ang kaniyang mukha at bahagyang napatawa. Binuksan niya ang kaniyang mata na parang nahihiya. Patuloy parin ang inuman namin dito hangga't sa halos silang lahat knock out na.
Ilang oras ang lumipas ng pag inuman nila at iilan nalang ang nasa matinong pag-iisip. Itong pilak naman ay nakaupong natutulog sa lamesa, resting his head on his shoulder on the bar counter. Safe to say na all of RS is asleep at iilan nalang sa DDE ang gising.
"Shanara, check on Sean" utos ko sa kaniya dahil hindi siya sa uminom kahit ni isang baso. She already noticed the moment we arrived, there are rats that need to be found.
"Ren, pumunta ka sa garage, the cctv there was smashed, someone might be in a getaway car there"
"You there, kayo diyan lima, bring our guests to their rooms, you know what to do" utos ko sa kanila.
"Yes, young lady" sabi nila habang nag bow at agad na sinunod ang utos ko.
I don't have to worry about them, mabuti nalang at pinahiram kami ni Neptune ng tauhan...
"RM, unahan mo ako sa office, kunin mo ng buhay" agad namang maunang pumunta ng madalian si RM sa office habang ako ay sumama sa tauhan namin na nagdadala kay Silver papunta sa kwarto niya. Hindi ko kailangang magmadali kasi alam ko namang walang makakalabas dito ng buhay.
Nang malapag na siya sa kama ay agad namang bumalik doon sa bar area ang tauhan namin para kunin ang ibang RS.
He looks so peaceful sleeping, puro lang naman soju ininom niya. Dapat pala hindi to umiinom na siya lang mag-isa.
Inilibot ko ang mata ko sa suite niya at halos lahat ng pintuan ay nakabukas...
Di kaya may nagtatago dito? At dito pa talaga natiyambahan magtago ah.
Sinulyapan ko si Silver para siguraduhin na hindi ba siya magigising pag may mabugbog ako dito at mukhang knock out talaga.
Bigla naman akong nakarinig ng ringtone sa may closet. I made sure to hide guns in the suites, it's doesn't hurt to be cautious in times like these.
Agad ko ikinasa ang silencer na kinuha ko at pumuwesto sa pintuan ng closet.
Nagtatago ba siya o pumasok lang siya?
Nilapitan ko ang maleta niyang nakabukas sa sahig at lumuhod, sinubukan kong hinanap ang cellpone. Isang flip phone ang nakuha ko sa hidden pocket ng maleta niya.
Pero ang alam ko galaxy flip ang cellphone niya ah?
*Incoming call...
NMS B UG
09*********NMS?? Sino to? Is this a burner phone...
Hindi ko ata to inakala, what a plot twist to whatever fuckery is going on here. Natawa ako ng bahagya, sinasabi ko nga na ayaw ko ng traydor.
"Put your hands in the air and drop the silencer" dinig ko ang pagkasa ng baril sa likuran ko.
"Who sent you?" sabi ko habang humarap sa kaniya at tinutukan siya ng baril na hawak ko. Dropping my gun is something I don't do. This idiot will know who he's messing with.
I'll make sure he'll have the capabilities to hold nothing by the end of this.

YOU ARE READING
Spade Chance
Random"Putspa" "Alright" "It's the Spade!" "Oh look! Di nasunog ang buong building" "Let's break up, okay? Wala akong pake sayo, kahit pangalan mo nga di ko maalala eh" Hayst. "I'm dominating you, Darling" And so much more- read Spade to know the story of...