SPADE CHANCE: WINNER

1 0 0
                                    

Silver's POV

Matapos ng one week suspension of classes ay pinagpatuloy na ulit ang classes. Dumaan lang ng mabilis ang mga araw dahil nalalapit na ang first evaluation.

Isang buwan naring nandito ang DDE at hindi nagtagal ay dumating ang araw na magaganap ang pag-hula ng rank ng DDE para sa SC nila.

Bumalik na ang lahat sa normal kahit na may nangyari na hindi maganda dito sa school noong mga nakaraang week.

"Oi, psst! Silver, tulala ka diyan" Nilingon ko ang right side ko habang inirapan ko siya at ibinalik sa harap ang paningin ko.

"Pss-" Uulitin niya pa sana ang pag-sitsit sa akin nang mahuli siya ng prof na nagdidiscuss ngayon sa harapan.

"Mr. Leste! Mukhang ayaw mong makinig sa klase ko?"

Agad naman siya napatayo at tumingin sa prof. Special class pa naman toh, siguradong yari to sa prof.

Tsk. Kahit kailan talaga pasaway.

"A-ah, Sorry prof. May tinatanong lang" Napakamot naman siya sa batok niya at nag-awkward laugh.

"At ano namang tanong yan? Andito naman ako sa harapan tapos sa katabi mo itatanong? "

"E-eh kasi prof tinatanong ko pang naman kung namimiss ba ni Silver si Ms. Astro" Nang masabi niya yun ay naghiyawan ang mga kaklase namin. Pinanlakihan ko siya ng mata pero tumawa lang ang abno.

"Ayieeeeeee!"

"Wooh! Lakas ng tama!"

"Everybody be quiet!" Inis na sigaw ng prof habang pinalo ang board gamit nung meter stick niya.

"Di niyo nga kaklase si Alas eh pinag-uusapan niyo pa?" Napalingon kami lahat sa pintuan para tingnan kung sino ang nagsalita. Si Ren pala kasama si Star, naka-akbay pa.

"Why are you here Mr. Selida and Ms. Astro?" Tanong ng prof.

"Pinapatawag po ang lahat ng estudyanteng gustong masali sa SC. Sabi ni Headmaster"

"Pinapapunta po sila doon sa may gym" Dagdag ni Star.

"Understood" Sabi ng prof doon sa kanila at agad naman silang umalis.

"Narinig niyo naman yung sinabi nila diba? Before I dismiss you all, Mr. Leste and Mr. Reverte, prepare a presentation on the different fatal areas you can hit a body to render it immobile. That is all" Mahaba niya sabi bago umalis.

Lintik naman oh? Nasali pa ako sa kalokohan ng isang toh?!

Tinignan ko si Jamie ng matalim na tingin at agad naman siyang nagpeace sign.

"Alis na tayo. Puntahan na natin sina Iana"

Nakarating kami dito sa gym at lumapit sa kinaroroonan nila Iana na nasa gilid ng stage nakaupo kasama ang iba naming kagrupo.

"Ouh? Mukhang andito na ang lahat?" Panimula ni Headmaster at natahimik ang buong gym.

"Nasaan sina Alas?" Dinig kong tanong ni Ray.

"Excited na akong makita ang mukha ni RM kapag nahulaan natin yung rank nila" Nakangiting saad ni Lhoyd.

"Everyone! Write your guess with your gang name sa papel na binigay sa inyong gang at ilagay sa envelope. Please give it to me in about 5 minutes"

Di nagtagal at madami nang pumapasa ng kanilang envelope kay Headmaster at binabasa niya naman ito kaagad. Tinatapon niya sa sahig kapag hindi tama ang nakasulat and so far, lahat nasa sahig.

"Di ba natin ipapasa yung atin?" Tanong ni Seri at kinuha yung envelope namin mula sa pagkakahawak ni Bea.

"Lets wait until they're all done para may paeffect na tayo ang chosen one. HAHAHAH! " Malokong saad ni Jamie at binatukan naman siya ni Iana.

Spade ChanceWhere stories live. Discover now