Odette/Bernadette's POV
"Bilisan niyo na ang impake dahil sasapakin ko kayo pag pinahintay niyo pa kami!" Dinig kong sigaw ni Orion mula sa baba. Palibhasa advance silang kambal na mag-isip kaya tapos na agad ang pag-impake nila.
Pupunta daw kami sa Liwanag Resort. Minamanage ang resort na toh ni Alas kapag may extra time siya dahil siya din naman ang magmamana nito.
"Woi! Andito na ang gwapo na si ako tapos di ka pa tapos mag-impake?! Ayan kasi, tamad ka kasing babae ka edi nagmamadali ka ngayon?" Nilingon ko ang pintuan ko at kitang-kita ang nakakaasar na mukha ni Jamie habang naka-cross arms pa.
Nakasuot siya ng bucket hat, shirt with palm tree prints and matching shorts, and nakaflip flops narin. Mukhang ready na ready na ang mokong noh? Sarap sampalin.
"Manahimik ka, naiistress ang kagandahan ko dahil sayo! Ikaw kaya ang rason kung bakit hindi ako nakapag-impake!" Inis kong bulyaw at hinagis ang unan ko na sumalpok mismo sa nakakainis na mukha niya.
Siya naman talaga ang may kasalanan eh! Kundi niya lang ako kinidnap kahapon papunta sa isang 'date' kuno ay edi sana naka-impake na ako.
Nakarinig nalang ako ng mga yapak na parang tumatakbo habang nagpapatuloy sa pag-impake.
"Bakit sila tumatakbo?" Tanong ni Jamie habang nakatingin sa hallway.
"Holy shit! Odette! Nagcommand na si Alas ng King!" Nanlaki nalang ang mata ko sa sinabi ni Ren nang madaanan niya ako papunta sa baba.
Crap. Patay tayo diyan.
"Tabi diyan, Jamie! Paharang-harang kang lintik na bakla ka!" Tinulak ko nalang siya nang matapos ko ang pag-impake at lumabas na ng kwarto ko.
Narinig ko namang tumakbo si Jamie kasabay ko papunta sa may labas ng mansyon. Nandoon na sina Alas at Orion na nakasandal sa may kotse ni Ren.
Hingal na hingal kaming lahat nang makarating sa harap ni Alas. She's wearing her bored face, mukhang naiinip na si Bessie Constellation.
Andromeda's POV
Naiinip na talaga ako kanina pa eh. I just used a command on them para mapadali ang kilos dahil mukhang aabutin tayo ng isang taon kung hihintayin ko nalang sila.
"Kung hindi pa kayo gagamitan ng command ay hindi talaga bibilis ang kilos ninyo ano?" Inis na sambit ni Orion nang makumpleto na sila sa harapan namin.
"Tss" Kahit kailan talaga ay mga pagong ang gangmates ko.
"Ren, Orion, kayo ang magda-drive" Sabi ko at tumango naman sila.
"Ang makakasama kay Ren ay sina Star, Sean and RM. Kay Bebs naman ay si Shanara at ang napakapagong kumilos na si Bernadette Quinzelle Light" Dagdag ko pa with extra emphasis kay Odette.
"Constellation naman eh! Special mention talaga?" Nakangusong saad ni Odette. Agad naman nagulat nang akbayan siya ni Jamie.
"Sama ako sa kaniya" Nakangiti niyang sabi sa akin at tumingin kay Odette.
Lumalablyp na ata ang pinsan kong pagong? Tss. Pagbibigyan ko nalang.
"Here" Sabi ko sabay hagis sa susi sa kotse ni Odette na si Bebs sana ang magda-drive. Nasalo niya naman at kumunot ang noo.
"Kayong dalawa ang magsabay, sa kotse iyan ni Odette" Narinig ko naman ang pa-yes! niya nang masabi ko iyun. Si Odette naman ay napaface palm. Aangal pa sana siya nang hilain na siya ni Jamie paalis.
"Alis na kayo" Utos ko at agad naman nilang sinunod.
Ako nalang ang last na nandito sa may tapat ng garage namin. Ang naiwan nalang na kotse dito ay ang kotse ko.
Pinahintay kasi namin ang RS sa labas sa school gate, sadyang malandi lang si Jamie kaya't napunta yun dito. Napailing nalang ako sa naiisip ko at pumasok sa kotse ko.
Agad ko naman pinaharurot papunta sa may gate ng school kung saan nadatnan ko ang isang bulto ng tao. Nakatalikod kasi eh, hindi ko alam kung sino. Hininto ko ang kotse ko sa tabi niya at bumusina ng tatlong beses.
Halata namang nagulat siya dahil nahulog ang hawak niyang celllphone. Agad niya itong pinulot at tumingin sa paligid niya hangga't sa matutukan niya ang kotse ko.
Akmang lalapit na sana siya nang biglang umalingawngaw sa paligid ang isang matinis na pagtili.
Putspa! Parang kinuskos ang blackboard gamit ng kuko.
"O to the M to the Oh My God! Ikaw si Silver Reverte, right?! The oh so handsome na nags-school dito sa Decente De Leona?!" Tanong nung babae at napakapit sa braso ni Silver.
Ewan ko kung bakit naman ako naiinis sa nakapulupot na babae sa braso ni Silver. Baka kasi panget lang talaga ang babaeng yun kaya masyado na akong naiinis. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas sa kotse ko.
''Pilak! Hindi mo naman nasabi na may girlfriend ka na?'' Medyo maasar ko na sabi kaya't dali-dali nila akong nilingon.
''Sino ka naman?'' Mataray na tanong nung babae at nilagay ang sarili niya sa pagitan ni Silver.
''Hindi ko siya girlfriend, okay? Tumabi ka nga diyan, look miss, hindi kita kilala so please leave me alone'' Nang masabi niya yun ni Silver ay agad naman siyang pumasok sa passenger seat ng kotse ko ng padabog.
"Oh, leave him alone daw kaya't makakaalis ka na raw" Sabi ko at hindi pa hinintay ang anumang masasabi niya. Agad akong bumalik sa loob ng kotse ko at pinaharurot paalis doon at papunta na sa resort.
Iilang minuto na ang lumipas at wala paring nagsasalita. Para namang binalutan ng walang katapusang katahimikan dahil nga ni isang imik ay wala. Susubukan ko na sanang magsalita ng bigla nalang tumunog yung cellphone ko. Agad ko namang sinagot kasi yung nakalagay sa caller I.D. ay si Odette.
"Oh? Napatawag ka?" Bungad ko ng masagot ko na ang tawag.
"Nasan na ba kayo? Diretsong pagkatapak ni Orion dito sa Liwanag eh biglaan nalang naging busy kasi may issues na nangyari habang naghahanda sila sa pagdating natin" Mahaba niyang saad na may halong taray yung boses. Mukhang naiinis na talaga si Odette.
"Oo na, bibilisan ko na. Just wait for me and drink or something" Pagkasabi ko nun ay pinatay ko na yung tawag at kinausap si Silver.
"Ba't kanina ka pa tahimik?" Tanong ko sa kaniya nang hindi siya nililingon.
"She came unto me, I was just standing there" Bulalas niya sa akin ng marinig yung tanong ko. Okay? Defensive much?
"Chill ka lang, ikalma mo sarili mo dahil hindi naman kita iniinteruga. Okay?" Natatawa kong sabi habang nakatutok parin sa kalsada.
Medyo nawala na yung tensyon sa loob ng kotse at mukhang naging okay na kami. Di nagtagal at nakarating na kami sa Resort kung saan bungad sa akin ang mga trabahante sa may garage.
Pagkababa ko sa kotse ay agad kong naramdaman na may mali sa paligid. Tinignan ko ang mga lugar kung saan ko pinalagyan ng cctv pero basag ang isa sa mga cctv.
Mukhang may nakapasok na daga... nasan ka ba nagtatago?
YOU ARE READING
Spade Chance
Casuale"Putspa" "Alright" "It's the Spade!" "Oh look! Di nasunog ang buong building" "Let's break up, okay? Wala akong pake sayo, kahit pangalan mo nga di ko maalala eh" Hayst. "I'm dominating you, Darling" And so much more- read Spade to know the story of...