SIGNATURE KILL

2 0 0
                                    

NEPTUNE'S POV

Nagtipon tipon ang lahat ng mga estudyante at faculty rito sa may gymnasium dahil mag-aanounce ang Head tungkol sa mga bangkay at dahil din mayroong bibisita rito sa Decente De Leona.

Nasa harapan na ang head pero di ko paring mahagip sina Alas pati narin ang Regalia Supreme.

"Neptune" tawag sakin nung isang lecturer din na katulad ko. Sumenyas naman siya na lumapit ako doon sa kinaroroonan niya, pumatong ako sa may stage dito sa gymnasium at tumabi sa kaniya.

"Bakit? Sino ba ang bisita dito?" Tanong ko sa kaniya, di ko maalala ang pangalan niya pero alam kong faculty member rin siya. Nagkibit-balikat lang siya sa akin at nagpatuloy sa pag-obserba.

Lahat naman ng mga mata at napunta sa pagbukas ng pintuan ng gymnasium. Ensaktong dumating ang DDE at RS, si Alas ay nakangiti samantalang ang RS ay badtrip ang mga mukha.

Nagtama ang mga mata namin ni Alas at mas lumawak naman ang ngiti niya.

Naks. Kahit kapatid ko yan ay di ko talaga alam ang tumatakbo, naglalakad o gumagapang sa isipan niyan. Masyadong complex.

ODETTE'S POV

Nakakaistress yung nangyari kanina sa harapan ng RS mansion, nakakatamad magflashback kaya sasabihin ko nalang. HAHAHA. Okie so, nang masabi ni Alas yung 'I'm Dominating You ' ay bigla nalang napatawa si Nara kaya nabasag yung katahimikan.

Kahit kailan ay pafall ata tong si Alas eh!

Nag-usap kami ng matino dahil alam namin na may nanonood sa amin kaya't iyun ang nangyari at sumugod si Iana para pagkamalan na kontra ang grupo naming dalawa. That's why doon sa may classroom ay sinabihan ko na sugurin ni Iana si Alas. Ensakto namang pagkatapos ng acting na yun ay napatay na ni Orion yung nagmamasid sa amin simula pa nung umaga. Kaya't nandito na kami ngayon sa gymnasium at all-eyes-on-us dahil ganyan kami kagwapo. 

Pero seryoso.

Si Orion ay todo bantay kay Alas at tinetesting ang lahat ng kinakain o iniinum ni Alas dahil doon sa antibiotic incident kaninang umaga. Okay na sina Sean at Orion dahil di niya kasalanan at may naglagay non sa water supply namin.

Alas is allergic to antibiotics kasi.

Si Silver naman ay nakabantay rin ka Alas, obvious naman na crush niya toh. Nakuuuu! Si Alas magkakaroon nanaman ng panibagong lover.

"Hoi! Psst. Anong iniisip mo diyan at kanina ka pa tulala" pasigaw na bulong si Jamie na kanina pang makulit. Hayst.

"Iniisip ko lang kung pwede ba kitang patayin" inis kong sambit kaya nakapout ang mukha niya. YAKS. Ang panget naman!

"Patay naman ako eh, patay sayooooo! Ayieeeee!" Tanga kinilig sa sariling sinabi. HAHAHAHHA. Putspa.

"Ew! Manahimik ka nga at doon ka tumabi sa kanila, wag ka dito" irap ko naman sa kaniya kaya mas nagpabebe naman siya.

Nandito pala kami sa may gitna ng gymnasium kasama ang iba pang mga ranked gangs. Ang mga Elites at Risings ay nasa bleachers at yung faculty and staff naman sa stage.

"Announcement" Ayan na magsisimula na.


ANDROMEDA'S POV

Kanina ko pang gustong umalis dito kasi mainit ang gym dahil walang aircon. Mas uminit pa kasi todo dikit sina Bebs at Silver sa'kin eh!

"Announcement! Regarding the killings that has been happening in the campus, rest assured that we are handling it and a new schedule shall be integrated. Classes shall only be 11 am until 3 pm at wala nang gagala sa gabi dito sa labas. Dumaan lagi sa may mga cams at may maraming tao. That would be all" 

naks. May curfew pa. 

Yung P.E. teacher yung nagsalita at si Fortune naman ang sunod.

"I would like to announce a visitor that will be here for two days and be observing the school, she was my business partner and an old friend" teka? Partner at friend? Si lola ba ang tinutukoy niya?

"Si Lola nga" wala sa sarili kong sabi nang makitang lumabas si Lola sa may gilid ng stage at pati si Kuya ay napanganga rin sa nakita. Nakita naman ako ni Lola at napangiti.

Alright. Bakit ka nandito?

"Please welcome, Jupiter Solar Astro" anunsyo ni Fortune kay lola at nagsibulubgan at palakpakan naman ang mga tao.

"Oi, ka ano-ano niyo yan siya?" Tanong ni Lloyd kay Bebs na nakaupo sa may likuran lang namin. Nilingon siya ni Orion at sumagot.

"Lola namin yan" napanganga naman ang RS except si Silver na blanko parin ang mukha. Kinalabit ko si Silver kaya't nilingon niya ako.

"What?" Pabulong niyang tanong sa akin.

Sus. Mukha talagang inosente.

Gusto ko siyang paglaruan kaya't pinipigilan ko ngumiti dahil sa binabalak ko. Agad ko namang sinenyasan na lumapit siya dahil may ibubulong ako.

*Do you want to go have a drink with me?* maloko kong bulong na agad naman ikinapula sa tainga niya.

Tama ako. HAHAHAHHA. May gusto siya sakin.

*What?* gulat niyang tugon kaya't bahayga akong napatawa.

*It's a yes or no question, Darling* asar ko naman sa kaniya. At sumagot naman siya ng Yes.

Natapos ang announcements at nilapitan kami nina Lola Jupiter at Fortune. Nakalagay sa mukha ni Lola ang isang ngiti nang makita niya kami. Lumapit rin si Kuya sa amin kaya't mukhang kompleto kami.

"How's school treating you?" tanong ni Lola na nakangiti parin sa amin.

"Okay lang, La" sina Star ang sumagot habang ako ay nakangiti lang. Nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga bangkay at ginagaya nila ang signature kill ko pero di naman magawa. Nandito kami sa may office ni Fortune nag-uusap at nasama narin ang RS dahil para narin silang acting SSG dito sa Decente.

"Bakit si Alas pa ang puntirya nila?" Tanong ni Ren. DDE lang ang laging nagtatanong habang ang RS ay nakikinig lang. Katabi ko parin si Silver at katabi naman ni Orion si Iana, para daw pogi points niya madagdagan.

"Iyang ang hindi ko maintindihan, matagal na kayong wala sa mga gang fights at walang pinagaaway kaya't hindi ko alam kung sino ba talaga ang may galit kay Cassiopeia" explain ni Lola.

Nagsitinginan naman ang RS dahil tinawag ako ni Lola na Cassiopeia.Tinaasan ko lang naman sila ng kilay habang si Lola ay natawa sa itsura ko.

"O sya, uwi muna ako. Take care children, Fortune, mauna na ako" nagpaalam kami sa isa't isa. Sabi nila Lola at Kuya na mag-uusap kami tungkol sa misyon ni Kuya bukas.

Umuwi na kami papuntang Mansyon namin at nagtataka pa sila kung bakit sumusunod sa amin ang RS.

"Stalker ba kayo? Why do you guys keep following us?" Si Odette ang naiirita sa pagsunod ng RS dahil inaasar siya ni Jamie.

Natawa lang ako sa mga mukha nila dahil nag- aasaran ang dalawang grupo namin.

"Mag-iinuman tayo, madami ako biniling Red Horse nung isang araw" sambit ko naman nang makarating kami sa may pintuan ng mansyon.

"Sa bar tayo uminom" suhestiyon ni Orion.

"Alright"




Let the drinking commence.






(A/N

Aahhhhhhhh iinum silaaaaaa. May kumokopya sa signature kill ni Alassss. Sino kaya? HMMM.?)

Spade ChanceWhere stories live. Discover now