SIGNATURE KILL (2)

4 0 0
                                    

ANDROMEDA'S POV

Nandito kami ngayon sa basement club ng mansyon namin kasama ang RS na halos nalalasing na silang lahat kaya't naglalaro silang Never have I ever.

Ang RS ay nasa dance floor area na naka indian seat habang kamimg DDE ay nasa counter. Umiinom kami ng Red Horse at paubos na nga. 

Tss. Bibili nanaman ako bukas.

"Never Have I ever! Liked someone in our Gang!" Si Seri ang nagsabi kaya't napatawa nalang sila dahil uminom si Iana. Pasimple lang kaming nakikinig sa laro nila pero di kami sumali officially. Uminom naman sina Sean, Star at si Ren kahit di sila kasali kaya't napangiti nalang ako.

"Never have I ever! Had Cheated on someone!" Uminom naman ako ng pasimple pati si Orion at sa RS naman ay uminom si Jamie.

"Never Have I ever! Killed someone!" Natigilan kami sa sinabi ni Ray kaya't nagtinginan kami habang sa RS ay walang niisang uminom.

Sabay kaming uminom, DDE has killed many and enjoyed it. Napansin kami ni Bea at napanganga naman siya.

"Nakapatay na kayo??" Gulat niyang tanong sa amin. Natawa naman ng bahagya si Nara habang pinaglaruan ang yelo sa baso niya.

"Kasali ba kami sa Laro niyo?" Patawang tanong ni Sean kay Bea. Na-awkwardan si Silver kaya't siya nalang ang nagsalita.

"Sino ba sa tingin niyo ang may pakana sa mga patayan ngayon?" Tanong niya para maiba ang usapan habang nilagyan ang baso niya ng Red Horse.

"Di namin alam pero may pinaghihinalaan ako" sagot ko naman. Sa tingin ko ay ang recruits ang may pakana nito pero di ko alam kung saang organisasyon.

"Diba sabi ni Mrs. Jupiter na matagal na daw kayo nawala sa UG?" Tanong naman ni Jamie at tumango naman kami.

"Yes, naboringan kasi kami eh kasi wala nang nakikipagchallenge sa amin at pinagbawalan narin ni Dad" si Star ang ang sumagot at tumango tango naman sila.

"Oh! Tulog na si Odette oh?" Natatawang sabi ni Jamie habang nilapitan ang tulog na Odette.

"Lightweight kasi" natatawang sabi ni Ren at binuksan ang panibagong botilya ng Red Horse.

"Bakit ba puro Red Horse ang inumin niyo dito?" Natatawang tanong ni Seri at binuksan ang isang walk in Ref na puno ng mga case ng Red Horse.

"Naka-sale kasi eh." Maasar na sabi ni Orion, kasama ko kasi siya sa pagbili ng beer.

"Kulang nalang ay bilhin niyo na ang buong kompanya ng Red Horse eh"

Oo nga noh? Bilhin ko nalang kaya?

Tinignan nila ako dahil alam na nila ang iniisip ko at todo iling naman sila. Naguguluhan na ang RS kung bakit todo iling sila sa akin.

"Naalala niyo ba yung news na may biglang bumili sa buong kompanya ng Tanduay?" Panimula ni Odette na halos nahihiya na at malapit nang mag face palm.

"Oh!  Nagulat nga kami eh na binili ang buong kompanya ng Tanduay" natatawang sabi ni Bea. Doon nila nagets ang pinagsasabi ni Odette.

"Wait! Ikaw?! Ang bumili?!" Di makapaniwalang sabi ni Lloyd at Jamie. Habang ang iba naman ay napanganga at ang DDE ay napaface palm nalang.

"Baka...Binibiro niyo naman kami?" Di makapaniwala at natatawang sabi ni Ray at sinegundahan naman ni Iana.

Tumayo naman si Orion at tinulak ang pader na may hidden wall din sa likod na puno ng mga contrata para sa mga ownership. Silang lahat naman except sa amin at kay Silver ay tumayo papalapit doon at binasa ang lahat.

Ang DDE naman ay facepalm lang at ang RS ay manghang-mangha.

"Wah! Pati yung Gin binili mo?!" Di makapaniwalang sabi ni Ray. Natawa nalang sina Orion at ako wala lang, uminom nalang ng Red Horse sa baso ko.

Alright. I'll buy Red Horse tomorrow then.





ORION'S POV

"Alas namannnnn!" Naiinis kong sigaw sa kaniya. Nandito kami ngayon sa may lounge dahil hinihintay namin si Lola. Bigla nalang kasing may nagpop-up sa cellphone ko na notification.

[ANONYMOUS BUYER BOUGHT THE ENTIRE COMPANY OF RED HORSE BEER. WHO IS THIS MYSTERIOUS BUYER? IS IT THE SAME PERSON WHO BOUGHT THE COMPANY OF TANDUAY YEARS AGO?]

Tangina. Binili niya ang buong Red Horse dahil binigyan ng lintik na ideya ni Seri. Andami nang kompanya na Beer ang nasa ilalim ng pangalang ni Alas tapos dumagdag patong Red Horse.

"It's just a couple million dollars, it's fine Orion" natatawa pa niyang saad. Putspa. 'Just '?! Tapos milyong dolyares?!

Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil sa daming pera na nagamit dahil binili niya ang isang kompanya ng Beer.

"I bought it 3 days ago, noong umagang pagkatapos nating makipag inuman sa RS" nakangiti pa niyang sabi na para bang hindi big deal ang ginawa niya.

"Oh! Lola, nandito ka na pala" masayang bati ni Star kay Lola nang makarating ito kaya't nacool off na ang pagkainis ko kay Alas.

"Lola Jupiter. I think Orimeda Sumet has been touched after all these years" panimula ni Alas kaya't kaming lahat ay umupo ng matino at nakinig.

"Bakit Orimeda Sumet?" Tanong ni RM. Kilala nila ang Orimeda Sumet at alam nila na naging parte kami nito pero ang hindi nila alam ay kami ni Alas ang kasali sa gumawa nito.

"Diba matagal na kayong tanggal sa Orimeda?" Si Star naman ang nagtanong. Pati si Star ay di niya alam na isa kami sa founders ng Orimeda Sumet.

"Bakit nga kayo umalis doon?" tanong ni Sean.

"Feel ko lang. Mataas kasi ranko ko noon eh"natatawang sabi ni Alas habang nakatingin kay Lola. Napasmirk nalang ako sa sinabi niya...'mataas na ranko' daw eh kami gumawa nun.

"May posibilidad na ang bagong humawak sa Orimeda at yung nagrerecruit ng bagong tauhan ay iisa lamang" sabi ni Lola Jupiter at napatango naman kami.

"Anong po ba gagawin natin, 'La?" Si Nara ang nagtanong. Tumikhim lang si Lola habang tinignan si Alas at tumango.

"Orion, yung bangkay na sumunod sa atin ang gagamitin nating panglinis sa pangalan ng DDE at susubukan nating hanapin ang pwedeng maging kabilang sa Orimeda na pasok sa standards nito" mahabang litanya ni Alas at tumango kaming lahat.

"I guess this meeting is adjourned, children. Siguraduhin niyo na alam ng Kuya niyo ang plano na ito dahil kasali rin siya sa misyon na ito" saad ni Lola bago umalis sa lounge, pina-escort ni Alas sina RM at Sean kay Lola.



"Alright, mukhang gusto kong bumisita sa UG"





Malapit nang pumatay ulit si Alas. Tsk.

Spade ChanceWhere stories live. Discover now