MENTAL HEALTH WEEK

4 0 0
                                    

Odette's POV

"Woi!"

"Maarte!"

"Sungit!"

"Baklang babae!"

Nilingon ko siya at binigyan ng matalim na tingin. Agad naman tumikom ang bibig niya at nagpatuloy na ako sa paglakad paalis sa kaniya.

"Teka lang! Hintayin mo ako! Pinapagod mo ang kagwapuhan ko!" Hingal na hingal niya sigaw kaya napabuntong-hininga nalang ako at huminto.

"Sus! Bilib ka naman pala na may kagwapuhan ako noh?" Asar niya sa akin nang makalapit na siya.

"What do you want Jamie?" Bagot kong tanong sa kaniya.

Oo, si Jamie ang baklang maingay na sunod ng sunod sa akin. Hayst!

"Diba nga ide-date namin kayo, liban nalang dun sa magjowang si Ren at Star, pati narin si Nara" Sabi pa niya habang hawak ang balikat ko.

Sinapak ko ang kamay niya at hinawi ang buhok kong nakaharang sa mata ko.

Putspa ang hangin eh.

"Grupo nga diba? Bakit naman ako ang binibwisit mo? Sina Alas ang bwisitin mo!" Mataray kong sabi sa kaniya at tinaasan ng kilay.

"Hindi naman si Alas ang kapares ko kundi ikaw" Sabi pa niya habang napakamot ng batok. Nagwink pa ang loko.

Nag-akma akong sasapak sa kaniya at napapikit naman siya. Hindi ko na tinuloy dahil nakita kong naglalakad si Sean. Iniwan kong nakatayo si Jamie doon at dali-daling nag-speedwalk papunta kay Sean.

Napatindig nalang ang balahibo ko nang may naramdaman ako na nakamasid sa akin ng maigi. Kung kanina ay may nakatingin lang sa akin, ngayon naman ay damang-dama ko na ang titig pero di ko mahanap. Binalewala ko nalang dahil kasama ko naman si Sean ngayon.

"Uy, Odette. Saan ka galing?" Bati niya saakin nang maka-akbay ako at hinila siya papuntang cafeteria.

"Wala. Naglalakad lang, naghahanap ng gwapo sa tabi-tabi baka may mahagilap ako" Sagot ko at mabilis na umorder ng food.

Hindi kasi nagluto si Star or Ren dahil may pinagawa nga si Alas. Pinahanap ko ng upuan si Sean at naghintay ng ilang minuto para makuha ang order ko.

"Here you go, Ms. Light" Sabi nung server at agad ko naman kinuha ang foods at pumunta sa inuupuan ni Sean.

"Si Alas nasaan?" Panimula ko at inabot sa kaniya ang isang burger at coke, yung akin naman ay isang strawberry sandwich at lemon juice.

"Nakikipag-sagutan sa isang teacher sa special subject niya, natulog kasi" Sagot niya at kinagat ang burger niya.

Natulog lang naman, ano namang masama doon?

"Natulog lang naman eh bakit naman nakipagsagutan?" Taka kong tanong. Bigla nalang siyang tumawa kaya't nabilaukan naman siya.

"Ouh! Dahan-dahan lang diyan. Parang gusto mo mamatay noh?"

Inabot ko sa kaniya yung coke niya at dali-dali naman niya ininom at nagpatuloy sa pagtawa. Nang makarecover na siya ay sumagot na siya.

"Sa teacher's desk kasi nakatulog, nakapatong pa ang paa sa desk tapos nakasandal pa at may librong naka patong sa mukha" Natatawa niyang saad.

Natapos kaming kumain at aalis na sana nang bigla nalang may abnormal na humarang sa akin.

"Hi Bakla - este Babae" Asar niyang bati.

Bwisit naman talaga ouh?!

"Una na ako Odette ah? May pinapagawa si Andromeda baby eh. Babush na!" Nilagpasan lang ako ni Sean at iniwang kasama ang abnormal na toh.

Spade ChanceWhere stories live. Discover now