“Doc, please… please, gawin mo lahat.”
Hindi ko na maalala kung paano ako nakarating dito. Basta ang alam ko, yung puting ilaw sa kisame sobrang nakakasilaw, yung amoy ng antiseptic parang humihiwa sa ilong ko, at yung tunog ng mga makina, paulit-ulit, nakaka-baliw.
Hawak ko ang laylayan ng coat niya, halos mapunit sa higpit ng kapit ko. “Save them. Save both of them.”
“Miss—”
“I don’t care kung anong kailangan! Just… just do something!” Humulas na ang boses ko, pero ayaw ko tumigil. Para bang kapag tumigil ako, hihinto rin sila.
Naririnig ko sa kabilang kwarto, yung mabilis na utos ng mga nurse. “BP’s dropping! Get the-” Naputol, tinakpan ko ang tenga ko, pero rinig ko pa rin.
Wala na si Gianna, ang ate ko. She died saving me for the last time.
…at Yndra.
Please, God, ayaw kong mawala rin siya sa akin.
Bakit siya? Bakit siya ang pumapasok sa isip ko ngayon?
Nakasalampak na ako sa sahig, nanginginig, pero hindi ko binitawan si Doc. “Huwag niyo siyang pabayaan. Please, save Yndra. She's the only one I got.” Hindi ko alam kung luha ko na ‘to o pawis, basta lahat mainit sa mukha ko.
Parang lahat ng oxygen sa ospital na ‘to, lumabas na sa dibdib ko.
Mabilis ang yabag ng isa pang doktor, may sinasabi silang terms na hindi ko maintindihan. Mga tunog ng metal na dinadampot, mga putok ng gloves, mga sigaw na hindi ko alam kung galing sa kanila o sa utak ko lang.
Nag-angat ako ng tingin kay Doc, desperado. “Kung kailangan ko lumuhod, luluhod ako. Kung kailangan ko magbayad ng lahat, babayaran ko. Just… don’t take them away from me.”
Bumukas bigla ang pinto. May dugo sa gloves ng nurse. Amoy dugo.
Sumakit yung sikmura ko.
Hawak ko pa rin yung laylayan niya, mahigpit, parang kung bibitaw ako, sila rin bibitaw sa buhay.
“Please… I’m begging you,” halos wala nang boses lumabas. “Save… save her.”
Hindi ko alam kung sino yung “her” na tinutukoy ko. Gianna ba? O si Yndra?
Siguro… pareho.
May malamig na kamay na humawak sa balikat ko.
“Miss… kalma lang po, makakasama po sa inyo ‘yan,” bulong ng nurse, mahina pero pilit pinapakalma ako.
Umiling ako, pilit na lumalaban. “No! Don’t tell me to calm down! Save them! Please!”
Isang saglit lang, may malamig na metal na dumikit sa braso ko, at bago ko pa masabi kung ano ‘yun, may dumaloy na parang apoy sa ugat ko
“W-wait-”
Unti-unting nagdidilim ang paligid. Ang mga ilaw naging malabong mantsa, ang mga boses naging mumbling sa ilalim ng tubig. Sinubukan kong kumapit, mag-ingay, magmakaawa ulit… pero tinangay na ako ng bigat sa dibdib.
Wala na.
Nagising ako sa puting kisame. Tahimik. Malinis. Wala na yung tunog ng mga makina, yung amoy ng dugo. Pero ramdam ko pa rin yung bigat sa katawan, para akong may sandbag sa dibdib.
Paglingon ko, andoon silang lahat. Mga kapatid ko, nakaupo sa gilid, nakayuko. Si Mama, hawak ang kamay ko, yung mga mata niya pula na parang ilang oras nang umiiyak. Si Papa, nakatayo sa dulo ng kama, parang batong walang ekspresyon pero alam kong pumutok na siya sa loob.
“Mom?” hinila ko yung kamay niya. “Si… si Yndra? Nasan siya?”
Walang sumagot. Tumingin lang si Mommy kay daddy.
BINABASA MO ANG
if guns can cry (bittersweet #5)
RomanceSpoiled, wealthy, and used to getting her way, she traded her luxury life in order to join a brutal military training. She has only one goal, find out who murdered her sister during the war. All clues point to one person: the Female General, the co...
