Yndra
"I don't hate you, General Yndra Falconite. You are the most dedicated soldier that I've known."
Tumigil ako sa paghihilamos ng pawis sa noo. Sandali kong sinuklay ang buhok pabalik gamit ang duguan kong kamay. Walang tama. Hindi ko dugo. Isa sa mga kalaban. O isa sa akin.
Tiningnan ko si General Soldevilla. Nakaupo siya sa harap ko, parang walang dalang tensyon pero alam naming pareho na hindi pa kami tapos.
Tahimik siyang uminom ng kape. Pamilyar na galaw. Parang si Gucci.
"Pero hindi rin kita minahal bilang kapamilya," dagdag niya.
Doon na ako tumingin sa lupa. Mas okay na 'yon kaysa sa matang parang laging sinusukat ako.
"Alam kong hanggang ngayon, galit si Ma'am Guissepa sa akin," sabi ko. "Galit pa rin ang pamilya n'yo sa ginawa ko. Sa... nangyari kay Gianna."
Hindi siya sumagot. At minsan, mas malakas ang katahimikan kaysa sigaw.
"Guissepa has every right to hate you," sagot niya sa wakas. "Gianna died under your watch. And you chose to stay in service after that."
"Because that's all I have left," sagot ko, mabilis. Halos padulas. Halos parang takot akong sabihin sa sariling totoo 'yon.
"then you have Gucci now."
Napapikit ako.
"She wants to go back," bulong niya. "Sa military."
Napaatras ako sa kinauupuan. "No."
Tumaas ang kilay ni Soldevilla. "No?"
"No," ulit ko. "Don't let her."
"Hindi ko siya pinipilit. Choice n'yang magbalik. At sa sitwasyon n'yong dalawa, hindi ako magtataka kung gusto n'yang intindihin kung anong buhay meron ka."
"Hindi niya kailangan 'to. Hindi niya kailangan bumalik para lang sa akin."
"Pero ikaw?" tanong niya, diretso. "Bakit ayaw mong sumali siya? Dahil natatakot kang mawala siya gaya ni Gianna?"
Hindi ako nakasagot.
Tumingin siya sa 'kin. Tahimik ulit. Pero this time, mas malambot.
"Why does Gucci care so much for you, Yndra?"
Napabuntong-hininga ako. Tumayo ako para itago ang pangangatog ng kamay ko. Lahat ng tanong n'ya, alam ko ang sagot. Pero hindi ibig sabihin ready akong sabihin 'yon nang malakas.
"Because," sagot ko, mahina. "She saw the worst in me. And stayed anyway."
Tiningnan ko si General. Ngayon ko lang siya nakita nang ganito-hindi bilang superior, kundi bilang Tito. Bilang isang lalaki na nawalan ng pamangkin sa giyera, at ngayon, baka mawalan na naman.
"Bantayan n'yo siya. Kung hindi ko na magawa."
Hindi siya sumagot. Pero nakita kong mahigpit ang kapit n'ya sa tasa ng kape. At alam kong naiintindihan niya.
BINABASA MO ANG
if guns can cry (bittersweet #5)
RomansaSpoiled, wealthy, and used to getting her way, she traded her luxury life in order to join a brutal military training. She has only one goal, find out who murdered her sister during the war. All clues point to one person: the Female General, the co...
