"Suki ka dito sa Clinic, Soldevilla, ha." bungad kaagad nang military nurse nang makapasok ako dito sa clinic.
"Hindi po ako nandito para magpagamot. Nandito ako para magpahinga." paliwanag ko. Pakiramdam ko, dito lang talaga ang safe sa loob ng kampo.
Kahit alam nilang tito ko si General Soldevilla... Pero parang hindi naman sila natatakot, eh. Mayroon din naman pero iilan lang.
"Prinessure ka ba ng tito mo na sumali ka dito, hija? Kaya ka nandito?" asked by the nurse. More like she's concern.
"I'm willingly signed up for this." paliwanag ko at ngumiti.
Nang makita ko ulit si Yndra na tapos na sa kakasermon sa mga cadets, tumakbo kaagad ako palapit sa kaniya.
That night, I realized I wanted to be like her. Naiintindihan ko na si Gianna ngayon… kung paano maging matatag, kung paano ipaglaban ang sarili.
“Bakit mo ginawa ‘yon?”
“Okay na siya, Gucci! Nasa clinic na siya ngayon!” Galit ang boses niya, and I don’t know why.
“Sorry kung masyado akong nagtatanong. Nag-aalala lang ako… para sa kaniya.”
“Huwag mong ginagawa ‘yon. Baka mapagalitan ka rin,” sabi ko, puno ng pag-aalala.
“Tinuruan ko lang siya ng leksyon.”
Nasa barracks niya kami ngayon. Siya mismo ang naglilinis ng sugat ko. Marunong din siya sa Medical, I guess. Simula day one, siya na rin ang nag-aasikaso ng mga sugat ko.
“Ano’ng nararamdaman mo?” Parang nanay ang tono niya. Namiss ko tuloy ang mama ko.
Pero hindi ko alam kung nami-miss din niya ako.
“I’m okay!” Kahit umiiyak ako, pilit ko pa ring sinasabi na okay lang.
“Tapatin mo nga ako kahit ngayon lang. Bakit hindi mo sinabi sa’kin na may ganyan kang pinagdadaanan?” more like she's extracting things that I dlng want to say. “May tinatago ka pa ba?”
Hindi ko alam kung kaya ko siyang pagkatiwalaan… ayokong maulit ang nangyari kanina. Pero kung ito lang ang paraan para tumigil na ang mga ginagawa sa’kin… fine, kakausapin ko siya.
“Wala na, Yndra.” So far, wala. Si Glo lang talaga ang may ginagawang malala sa’kin.
Pero... Hindi ko alam kung ano ang mas masakit? Parang mas nakakamatay ang sakit na nararamdaman ng puso ko kaysa sa mga suntok at sugat na natatamo ko.
Ang tagal nang pagkakatitig ni Yndra sa mukha ko. Pero umiwas din naman nang mapansin ko na ang ginagawa niya.
“Magkita tayo pagkatapos ng training mo bukas. Kakausapin ulit kita. Pero pagkatapos nun, maging maayos ka sa harapan ko kahit hindi totoo,” malamig niyang sambit.
"Sa tingin mo, ang dali-dali lang gawin nang sinasabi mo?"
I hate it every time she turns cold.
“You’re just like your sister. Alam mo ba ‘yon?”
Napatawa ako. “I don’t think so. She’s better than me.”
“Parehas kayong matigas ang ulo at hindi nakikinig.”
Kumuyom ang mga kamao ko.
Gianna always hated it when I didn’t follow her orders… pero ganun rin pala siya.
“If Gia can see how vulnerable you are… kung paano mo kinikimkim ang lahat, mapapagalitan ka lang.”
Napatawa ako nang sarkastiko.
