Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nakasunod lang ako kay Yndra.
Kaya nung bumalik ako, nandiyan na yung friends niya. Na sinabi niya sakin kaninang umaga... Well she's pretty. Inirapan ko si Yndra.
"Si Hannah, Gucci. She's my good friend and a military doctor."
Kaya pala marunong din si Yndra sa medical.
The doctor is also beautiful. Her hair was in bun. She's wearing pants, a white shirt and cardigan. Mukhang alinlangan siyang ituloy ang mga sasabihin niya.
"A good friend?" I raised an eyebrow at Yndra.
"We're best of friends. Diba Yndra?" Si Hannah ang sumagot, she looked at Yndra and smiled.
Tinatapik-tapik pa niya ang shoulders ni Yndra para ipakita sa'kin kung gaano sila ka-close. She even hugged her!
"Yes, we're good friends." Yndra answered, just looking straight in my eyes.
Nagkatitigan pa sila ni Hannah at ngumiti para sa isa't-isa. Titigan na parang may tensyon sa pagitan.
All of a sudden, I felt irritated, because I don't like the way how Hannah looked at me. Iyong mga titig niya na nakakainis, na para bang gusto niya akong pagtripan. Nakaangat pa ang kaliwang kilay niya. Duh, anong naman ang dapat kong ika-selos dyan?
"Hindi mo 'ko i-introduce sa kaniya?" Utos ko kay Yndra. With a gentle voice, hindi halata na galit.
"Si Gucciana Soldevilla, pamangkin ni General Soldevilla." Tipid niyang sinabi.
"Gucci..." Yndra almost scold for not lending my hand.
Okay! Sapilitan nalang akong nakipag-shakehands kay Doc Hannah!
First of all, ayaw ko namang makipagkaibigan diyan.
"Ikaw si Gucci?" Lumaki ang mga mata niya. But I can sense fakeness. Tinuro niya pa ako, gulat na gulat, na para bang ngayon lang niya ako nakita buong buhay niya.
Ugh, ang exaggerated masyado.
"I know you, nakikilala kaya kita. Marami akong naririnig na informations patungkol sa'yo." Nakangiti niyang sabi.
I know it, nasasanay na ako na marami talaga ang may nakakakilala sa'kin. I can't escape that fact, 'yong pag-usapan ako dito. Is it because that I'm the niece of General Soldevilla? Kahit na hindi na ako magpakilala, kilala na nila ako.
"Ang sabi kasi nila sa'kin, spoiled brat ka daw, Gucci. Pagkatapos, ang impakta daw ng ugali mo," ngumuso pa siya nang masabi niya 'yon. Hannah even smiled. "Sorry talaga Gucci kapag na-ooffend na kita. Iyon kasi ang impression ng halos lahat ng mga tao dito."
And what the fuck is that look? May problema ba sa'kin 'tong Hannah na 'to? Does she wants fucking war o what? I don't care kahit na idikit pa niya ang katawan niya kay Yndra. Hindi ako nagseselos.
My fist clenched. I don't know, kung saan ako nagagalit. Nang dahil ba sa panlalait niya sa'kin? Nang dahil ba sa tono ng pananalita niya? O nang dahil ba sa pagdikit-dikit niya kay Yndra. Basta nakaramdam na lang ako ng inis.
"Except sa'kin, Hannah. Huwag kang maniwala sa mga ganiyan dito." Lumayo si Yndra kay Hannah saka umakbay siya sa'kin.
"Bad girl lang ako pero ang soft ko." I murmured and rolled my eyes.
"Can I have a moment with you, Gucci?" Doc Hannah looked at me. Sumulyap ako kay Yndra, she looks so bothered.
"Sure." Tumingin kay Yndra. Bumuntong hininga siya. "Can we have a moment, Yndra?" I requested.
