27 | Threshold

767 57 2
                                        

I couldn't breathe. But my feet moved. Napapikit nalang ako dahil ayaw kong makita ang lahat ng mga nangyayari.

Naglakad ako palayo-hindi dahil gusto ko, pero dahil sinabi niya.

A familiar voice came.

"Gucci..."

Napatigil ako.

"Ate?"

Hindi ko alam kung kilala niya ako. Gianna didn't respond to me. Maybe she don't... Pero ang mga mata niya... I can feel sympathy inside it. May sinasabi pero hindi ko alam kung ano ang mga yun.

"Congratulations. You found her."

Lumabas si Soldevilla sa liwanag. May hawak na baril. At sa likod niya-

"GIANNA?" mas lalo kong inulit.

Time slowed.

"Gucci..."

Yung mukha. Yung mata. Yung ngiti.

"Gucci..." bumigat ang tuhod ko.

Pero may iba sa tingin niya. May lamat.

"You're alive..."

Gianna didn't answer right away. Tumingin siya kay Soldevilla. Parang may hinihintay.

"Sinabi ko sa kanya ang lahat," Soldevilla said. "But she made a choice. To stay hidden. Because she couldn't face what she caused."

Hindi ko alam kung paano ako nakahinga nang makita ko si Gianna roon, pakiramdam ko, ibang tao na siya... Sa paraan nang pagkakatitig niya sa akin, nakakapanibago.

Ito… ibang Gianna na ’to.

Nakatayo siya sa harap ni General Soldevilla, parehong nakaposisyon para sa hand-to-hand combat. Sa bawat galaw niya, para siyang hayop na nakawala sa hawla. Kita ko sa mata niya ’yung galit na parang apoy na hindi lang basta nasusunog, sumasabog.

“Halika, tapusin na natin ’to!” sigaw ni Gianna, halos pasabog ang boses.

Tahimik lang si Soldevilla. Mapanood lang siya, mabigat ang tingin, parang binabasa bawat kilos ni Gianna. At doon nagsimula ang laban.

Mabilis ang galaw ni Gianna, isang suntok sa kaliwa, isa pa sa kanan, sumunod ang isang sipa sa tiyan. Mabilis, mabangis. Kahit saan tumama, may puwersang nakakayanig ng katawan. Ramdam ko sa sahig ang impact sa bawat hakbang niya.

Pero si Soldevilla… parang bato. May tatama, pero agad niyang haharangin, iilag, o sasabayan. Hindi siya bumibitaw ng tingin. At sa tuwing magbubukas si Gianna, isang counter na parang kidlat ang ibinabalik.

“Walang kwenta ang lakas kung wala kang disiplina,” malamig niyang sabi, bago sumugod pabalik.

Tinamaan si Gianna sa panga, isang mabilis na backfist pero parang mas lalo lang siyang nabaliw. Tumawa siya. Isang halakhak na parang mula sa ilalim ng dilim.

“Ako? Walang disiplina? Tingnan natin kung hanggang saan tatagal ’yang linya mo!”

Sunod-sunod na suntok. Isang mabilis na elbow strike. Isang knee kick. Dugo ang lumabas sa labi ni Soldevilla pero hindi siya umatras. Sa halip, hinablot niya ang braso ni Gianna at tinapon siya sa sahig na parang wala lang bigat.

“Gianna!” sigaw ko, pero parang wala siyang narinig.

Tumayo siya ulit, sugatan, nanginginig, pero ang mga mata… puno ng poot.

Muling nagsagupaan ang kamao sa kamao, buto sa buto. Sa bawat tama, parang naririnig ko ang sigaw ng lahat ng galit na ikinulong niya sa loob ng maraming taon. Galit sa sistema. Galit sa gera. Galit sa kanya mismo.

if guns can cry (bittersweet #5) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon