Gucciana
Nakangiti ‘yung larawan mo sa lapida, Gia. Parang ang unfair. Ako dito, basang-basa ng ulan ng alaala, habang ikaw, nagpapahinga.
Wake up, hoy!
Unfair mo.
Patulog-tulog lang.
“Hi, Gia,” bulong ko, habang inaalis ang mga dahon sa puntod niya. “Sorry if hindi ako nakapag-visit sayo... I entered the military, eh. Nag-stop din naman kaagad. Hindi ko kinaya, eh."
Pinisil ko ‘yung sulok ng labi ko para pigilan ‘yung pag-angat nito. Hindi ito biro. Hindi naman ako nandito para tumawa.
Tinanggal ko ‘yung sumbrero ko, binaba sa kandungan. Huminga ako nang malalim.
“Nag-resign na ako,” sabi ko, halos bulong. “ang daming nagsasabi sa akin na hindi para sa akin yun, eh. And guess what, I listened to them... I'm back again with my old life. A model, a businesswoman, a designer. The Gucci the kepts on looking for her purpose."
Tumingala ako sa maulap na langit. “Pero ngayon lang ako natakot magsalita.”
Tahimik. Maliban sa langitngit ng dahon at pagaspas ng damo. Sumasabay sila sa kabog ng dibdib ko.
“She's nice, Gia... She told me that we're even lookaliked. Of course, I denied it! Hindi naman malaki ang bunganga ko, eh."
Sumambulat ang katotohanan, parang granadang hindi ko inaasahan.
“Yndra. Yes, that Yndra. The general. The girl you loved the most and the girl that I hated the most... Minahal ko siya.” Tumawa ako, pilit. “At tang ina, sorry. Sorry kasi hindi ko napigilan. Sorry kasi baka... baka kung buhay ka pa, kayo dapat ang magkasama."
Huminga ako nang malalim. “Pero totoo ‘yung sinabi mo noon, diba? Na love is war. Maraming namamatay, pero ‘pag nanalo ka, ang sarap sa pakiramdam.”
Napapikit ako. Naalala ko ‘yung mga pasa ni Gia... Ang ate ko, noong nag-mimilitary pa lamang siya. Kung gaano siya ka-saya kahit na tadtad siya ng bugbog. While me, I got all the expensive jewelries in the world and got all the things I wanted in life... Still not happy. I degraded and discriminate her for joining the military... Without me knowing that she's still happy with what she's doing... Masaya siya hindi dahil favorite siya ng parents namin, kundi dahil alam na niya kung ano ang kaniyang purpose.
And yet she died.
All because of love.
I think.
"I want you to rest in peace now... Tama nga siguro si Tito General, there's no need of justice. Mas mabuting hayaan nalang kitang bigyan nang katahimikan."
I'm not giving up on her... Kasi may sense na ang lahat sa akin, eh, ang denial ko lang talaga nung una.
“Ngayon ko lang naiintindihan lahat. Kung paano ka natutong magmahal nang tahimik. Kung paano mo akong piniling masaktan kesa makitang mawala sa akin ‘yung sarili ko.”
“Ngayon, ako naman ang nasasaktan. Kasi... mahal ko siya, Gia... And I'm afraid to know the truth na baka, nakikita ka lang niya sakin kaya ganun nalang ang affection na pinapakita niya sakin.”
Pumapatak na ‘yung luha ko, kasama ng ambon. Hinayaan ko nalang.
“Love, no matter how pure, always comes with a price. Sayo, buhay. Sakin, puso. Fair trade ba ‘yon?” I joked.
Tumayo ako, dahan-dahan, pinunasan ang lapida niya. Hindi ko man maibalik ‘yung mga dreams natin, pero I'll promise to you na, hindi ko isusuko ‘yung sarili ko. I'm really not built for love... And I should be careful with it.
BINABASA MO ANG
if guns can cry (bittersweet #5)
RomanceSpoiled, wealthy, and used to getting her way, she traded her luxury life in order to join a brutal military training. She has only one goal, find out who murdered her sister during the war. All clues point to one person: the Female General, the co...
