Malamig dito sa labas ng barracks. Naka-kumot ako, hoping it would help me cope with the cold air na parang may dalang alaala. I’m not alone, kasama ko sina Agazhe at Zeia. Sa ilang minutong lumipas, puro kalokohan lang ‘yong napag-usapan namin. Tawanan dito, tuksuhan doon. Parang ang gaan ng mundo pag sila ang kasama ko.
Paano nga ba magiging seryoso ang usapan, e si Agazhe barumbado. Si Zeia naman? Full of unsolicited wisdom.
Coping mechanism ko na siguro ‘to, spending time with them para hindi ako lamunin ng lungkot.
Hindi naman madilim. Bright kasi ‘yong buwan. Wala na kaming kailangang ilaw. The moonlight was enough to kill the darkness.
Guess what? I actually had fun. No joke, ilang oras na kaming nagkukuwentuhan dito habang may unopened snacks sa gitna. We saved them for later, pero feeling ko mabubuksan na rin namin ‘to anytime.
“Aren’t you cold? I could share my blanket with you. Malaki naman ‘to,” offer ni Zeia kay Agazhe.
Umiling lang si Aga, deadma. “I’m not concerned! I’m just generous, that’s why,” depensa ni Zeia, sabay eye roll.
Napatawa ako. Parang nawala lahat ng body aches ko just because I’m with them. Ang gaan. Ang sarap sa pakiramdam.
“Gucci, gusto mo rin?” tanong ni Zeia.
“No thanks.”
“Saka nga pala ‘yong sinabi mo sa’kin kanina, Gucci, about sa breakup mo. Tarantado pala ‘yon, eh. Di ko rin inakala na may boyfriend ka na pala nung una kitang makilala. Crush kita sa totoo lang.” He said it casually, pero may halong interest sa boses niya.
What crush? Alam ko naman si Agazhe. Joker talaga ‘yan. Kahit sinong may kilala sa kaniya, hindi seseryoso sa mga pinagsasabi niya. Maingay. Madaldal. Hindi mo dapat pinagkakatiwalaan ng sikreto. Ilang minuto lang, laglag ka na.
“May boyfriend ka?” tanong ni Zeia.
Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. “Yeah noon, pero ngayon, wala na.”
Si Agazhe ang unang umalis. Antok na raw at pagod.
So kami na lang ni Zeia ang naiwan.
Nagpatuloy ang kwentuhan namin.
“Bakit nandito pa kayo?” Biglang lumitaw si Yndra. Pareho kaming nagulat.
“General! Eh kasi-” napapakamot si Zeia, halatang kinakabahan.
“We got lost,” I cut in. Short and sweet.
I know Yndra’s not dumb enough to believe that, pero she let it go. Hinatid pa nga niya kami pauwi sa kaniya-kaniya naming barracks.
“Since when did the two of you hang out?”
“Since the first day, Yndr-” lumunok ako. Oops. “I mean, General Falconite. She approached me nung wala pa akong kakilala.”
Pagdating sa barracks, hindi ko magawang pumasok agad. Ayoko kasi. Ayokong makasama si Glory.
“Please, don’t leave me here...” Hinawakan ko ang braso ni Yndra.
“Why? Anong problema?”
“I-I’m just scared,” palusot na medyo totoo.
Nagulat ako. Sumagot siya ulit.
Tuwing kinakausap ako ni Yndra, parang may buhay siya. Noon kasi, parang robot lang siya kung magsalita sa’kin. I know her type, yung hindi makikipag-usap kung mas mababa ka sa kaniya. Kaya minsan mas okay pang magsinungaling kesa maliitin niya ako. Because damn, her words can cut deep.
