Yndra's POV
Tahimik ang paligid ng command room, pero ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Hindi ito yung ordinaryong tawag. Hindi ito yung typical na debriefing na kinabisa ko na mula sa pagbubunyi hanggang sa bangkay. Iba ‘to. Mula pa lang sa tono ng pag summon, alam kong may mali.
Pagpasok ko, nakita ko agad si General Soldevilla, nakaupo sa likod ng mesa niya, kamay nakapatong sa isang brown envelope. Walang emosyon sa mukha niya, pero sanay na ako diyan. Ang kinakatakot ko, ‘yung mga tingin na hindi niya binibigay.
“Ako lang ba?” tanong ko, pinipilit gawing normal ang boses ko.
“Close the door, Lieutenant General.”
Ginawa ko. Nilak ko. At sa bawat hakbang ko palapit sa mesa, parang lumiliit ang mundo ko.
“Sit,” utos niya.
Umupo ako. Tahimik. Diretso ang likod. Palad sa hita ko. Para akong trainee ulit.
He slid the envelope across the table.
I stared at it. Last Mission, ang nakasulat sa taas. My heart stopped for a beat.
“Open it,” aniya.
Dahan-dahan kong binuksan. Sa loob, may folded documents, coordinates, surveillance photos… bloodied. May pangalan. May status. May directive. Pero isa lang ang salitang pinakamasakit sa lahat.
Target: Gucciana Chanel Soldevilla.
Tumigil ang oras.
Napatitig lang ako sa pangalan. Hindi ako makahinga. Hindi ako makapaniwala. Hindi ito pwede. Hindi siya pwede.
“She’s been taken,” sabi ni Soldevilla, matter-of-factly. “Unknown assailants. Red Sector.”
“Sir… bakit siya?” Hindi ko maintindihan. Ang daming tanong sa ulo ko pero walang salitang lumalabas ng buo. “Bakit hindi ako sinabihan agad? Bakit ako ang pinapapunta ngayon lang?”
“You’re the only one she might trust,” sagot niya.
Trust. Hindi ko alam kung tama pa bang gamitin ang salitang ‘yon. After everything I did. After everything I didn’t do.
“She was investigating something,” dagdag niya. “And now she’s missing. We traced her signal to an off-grid facility. Classified. You’re the only one I’m sending.”
Pero hindi sapat ‘yon. Hindi sapat ang paliwanag. Hindi sapat para pakalmahin ‘yung kaba sa loob ko. Something’s off.
“I thought… I thought my last request was to find Gianna.”
Soldevilla looked at me. That look that hides a hundred lies behind its calmness.
“Things change, Major.”
That’s when I knew, this wasn’t a rescue. It was a test. Or worse, a trap.
Gucci’s not missing…
She was taken. Deliberately.
By him.
Biglang uminit ang paligid. Parang may bumagsak na anino sa pagkatao ko. And I realized, I trained to survive hell, but I never trained to walk into it blind.
Nilabas ko ang mga litrato. Sa isa sa kanila, kita ang sugat niya sa labi, mga pasa sa braso, kamay na may tali.
Putang ina.
Bigla akong tumayo. “You’re telling me my last mission is to pull your own niece out of a blacksite you somehow knew about, and you’re expecting me not to ask why the hell she’s there in the first place?”
“Watch your tone,” malamig niyang sagot. Pero hindi na ako takot.
“What did she do?” tanong ko. Hindi niya agad sinagot. “Or should I ask, what did YOU do?”
BINABASA MO ANG
if guns can cry (bittersweet #5)
RomansaSpoiled, wealthy, and used to getting her way, she traded her luxury life in order to join a brutal military training. She has only one goal, find out who murdered her sister during the war. All clues point to one person: the Female General, the co...
