Parang umikot ‘yung buong sala. Humawak ako sa pader. Hindi ako makahinga.
"Anong... sinabi mo?" paos kong tanong. Hindi ko siya matingnan. Hindi ko rin marinig ‘yung sarili kong tibok ng puso. Kasi ang ingay ng mga tanong sa loob ng utak ko.
"She’s alive," ulit ni Yndra, mas mahina. Parang hinihingal.
"Buong akala niyo patay siya... Pero para sa akin, hindi. Hindi siya namatay, Gucci."
Bumuga ako ng hangin. Nanginginig ang labi ko.
"Hindi mo man lang sinabi? Hindi mo... sinabi sa’kin?!"
"You don't need to know," halos pabulong na sagot niya. "I wanted to find her alone."
"You know how much I suffered the day I knew that she died! Pakiramdam ko, namatay rin ako sa mga panahong iyon. Sana naawa ka manlang sa akin, sana sinabi mo kahit walang kasiguraduhan... Alam mo namang sanay na ako magpa-comfort sa mga kasinungalingan."
"Gucci-"
"Don’t."
Tumalikod ako. Baka kung anong masabi ko. Baka masampal ko siya. Baka mahulog ako sa sahig at hindi na bumangon. ‘Wag. ‘Wag dito. ‘Wag sa harap niya.
Nasa hallway na ako nang sundan niya ako.
"I thought she was gone. Akala ko wala na siya."
"She was never gone. But because I'm here, you want to gave up on her." I corrected her.
"I thought... loving you was the only way I could survive-"
"Ano ‘to, consolation prize ako? Ako ‘yung rebound?!"
"Hindi ka rebound!" Yndra finally raised her voice. "You saved me! You made me feel alive again!"
"Hindi ko kailangan marinig ‘yan ngayon!" sigaw ko, nanginginig.
Tahimik.
For a long second, walang nagsalita sa amin. Pati mga pader ng penthouse, parang ayaw kaming saluhin.
"I love you, Gucci."
"Then why does it feel like you’re always grieving when you look at me?" bulong ko. "Why does it feel like you’re still waiting for her?"
Hindi siya sumagot.
"Tell me the truth. Kung magka-harap kayo ngayon. Gianna. Ikaw. Ako. Sinong pipiliin mo?"
That broke her.
Napaluhod siya. Literal. Parang binuhusan ng tubig ang General. The woman na nakita ko sa battlefield ng buhay. Ang babaeng kahit anong sakit, tinitiis. Pero ngayon?
Luhaan. Tahimik. Basag.
"I don’t know," she whispered.
At doon na ako tuluyang nawala.
Tumalikod ako. Nilakasan ko ang loob ko. Binuksan ko ‘yung pinto. Tumapak palabas. Pero bago ko isara, binulong ko:
"Pag nakita mo na kung sino, wag mo na akong hanapin."
And for the first time in a long time, I left her behind.
· · ─ ·ʚɞ· ─ · ·
Umuulan nung dumating ako dito sa headquarters kung saan si Tito.
Not a storm, just enough rain to dampen your hair but just enough to make you look like you haven't decided whether to stay and fight or turn away.
Ang palusot ko, ibabalik ko lang 'yung tactical knife ni Yndra. Naiwan niya sa storage box ko, with her name still etched on the handle. Pero alam kong hindi 'yon ang dahilan. Hindi naman ako ganito kung ordinaryong sundalo lang siya.
BINABASA MO ANG
if guns can cry (bittersweet #5)
RomanceSpoiled, wealthy, and used to getting her way, she traded her luxury life in order to join a brutal military training. She has only one goal, find out who murdered her sister during the war. All clues point to one person: the Female General, the co...
