Yndra
Pagkababa ko mula sa barracks ni Gucci, diretso akong pumunta sa opisina ni General Soldevilla. Malalim na ang gabi pero alam kong gising pa siya, gano’n kasi ang tito niya, hindi natutulog hangga’t may unresolved na issue.
Nang makita niya ako sa pinto, tumigil lang siya sa pagsusulat, iniangat ang tingin, at naghintay.
“Sir, kailangan nating pag-usapan si Gucci,” direkta kong bungad.
Napakunot ang noo niya. “May ginawa na naman ba?”
“Hindi. Pero may gagawin pa lang. At gusto kong maiwasan na ’yon.”
Tahimik lang siya, pinagmamasdan ako na parang sinusukat kung hanggang saan ako aabot.
“Kung gusto n’yong magtagal dito si Gucci, sige… pero hindi ko na masisiguro ang kaligtasan niya. Alam n’yo kung sino ang target niya, at alam n’yo kung sino ang target sa kanya. Hindi ako magbabantay lang habang unti-unti siyang sinisira.”
Wala pa rin siyang sagot.
Lumapit ako ng isang hakbang, tinapik nang bahagya ang lamesa niya, hindi para magyabang, pero para maramdaman niya ang bigat ng sinasabi ko.
“Kung ayaw n’yong dalhin siya sa mas ligtas na lugar… baka mas mapiliin ko na lang siyang mawala rito. At kapag nawala siya, General, hindi ko na siya ibabalik.”
Nagtagal ang tingin namin. Walang sumagot. Pero sa katahimikan niya, alam kong naiintindihan niya ang ibig kong sabihin. Hindi ko kailangan ng oo o hindi, minsan sapat na ang hindi niya pagkontra.
Pagkatapos nun, lumabas na ako ng opisina. Malamig ang hangin pero ramdam ko yung init ng adrenaline sa loob ko.
Pagbalik ko sa barracks, tahimik ang paligid. Binuksan ko yung pinto ng kwarto niya at nakita ko siyang nakahiga, mahimbing na tulog. Bahagyang nakabuka yung labi, magulo ang buhok, parang bata.
Naupo ako sa gilid ng kama, pinagmamasdan lang siya.
Nakakatawa ilang taon na rin mula nung huli kong makita si Gia nang ganito. Laging may ilang buhok sa noo na pilit kong inaayos, pero babalik din sa dati. At kagaya ngayon… may kapayapaan sa mukha niya kahit ang gulo ng mundo sa labas.
Hindi ko napigilan yung bigat sa dibdib ko. Parang bumabalik lahat kung paano ko unang nakilala si Gia, kung paano niya ako tinuruan magpatigas ng loob, kung paano niya ako ipinaglaban nung wala nang ibang kakampi.
At ngayon… narito yung kapatid niya, nakahiga sa parehong kama na minsan ay naging lugar ng mga plano at pangarap namin ni Gia.
Hinaplos ko ng dahan-dahan ang pisngi ni Gucci, halos hindi na siya magising. “You’re so much like her,” bulong ko.
Pero alam kong mali. Dahil sa gitna ng alaala ni Gia… nagsisimula na ring kumapit sa’kin yung presensya ni Gucci.
At hindi ko alam kung kakayanin kong hayaan siyang mawala.
Gucciana
That night, was far most the best Birthday gift ever... Removed the kiss! Kasi, ramdam ko na genuine ang celebration na yun kahit si Yndra lang ang kasama ko. Kahit cake lang ang meron kami.
"About sa kiss... Sorry. Ayaw kong maging awkward tayo."
"It's just a kiss." Wala lang sa kaniya ang nangyari.
I stamped my feet. "Fine, edi wag!"
I wasn’t even supposed to be there.
Pero the Miss General, ugh, my smug smile, this stupid dimple somehow convinced her that I'll stay.
