Hindi ko alam kung paano ko siya napahulog sa akin... At hindi ko rin alam kung sino ang mas hulog na hulog sa aming dalawa.
O siguro alam ko naman.
Kasi sino bang hindi mahuhulog sa isang babaeng kayang sumabak sa gyera habang ako, abala sa pag-aayos ng aking kilay?
Army siya... Ako? Fashionista.
Walang dapat magtagpo sa lifestyle namin pero heto kami... nagkikita tuwing Sabado ng madaling-araw, kapag wala nang magbabantay, kapag puwede akong magkunwaring may shoot ako kahit ang totoo, may plano kaming magkape sa tagong lugar sa may Rizal, kung saan walang makakakilala sa amin.
Maaga siyang gumigising. Ako, hindi.
Siya, naka-tuck in. Ako, naka-corset.
Siya, may baril. Ako, may lipstick.
Pero pareho kaming marunong sumalo ng pagod ng isa’t isa.
Sa umaga, siya ang unang bumabangon. Hindi para halikan ako, kundi para mag-push up. Literal. Routine niya 'yon.
At habang ginagawa niya 'yon, ako naman, naka-robes, naghahanda ng overnight oats, na ayaw naman niya talaga, habang chine-check ko kung bagay ba ang nude nails sa bagong ring light ko.
“Hindi mo talaga ako mapapakain ng granola, Love,” sabay tapon niya sa ref ng leftover adobo.
Ngumiti ako. Hindi ako offended. Sanay na ako.
Mas sanay na akong mahalin siya sa mga ganung paraan.
Nag-aadjust kami. Araw-araw.
Kapag nasa mission siya, wala akong natatanggap na text, wala ring update. Naiiyak talaga ako habang may fitting ako sa mga fashion shows. My mind is full of questions about her... Nasaan na kaya siya? Kumain na ba? May bala bang lumipad sa tabi niya?
Pero hindi ako nagtatanong.
Kasi alam kong iyon ang pinili niya, ang mundong mas madugo kaysa naman manuod ng catwalk ko.
At ako? Ako ang pinili niya sa kabila ng lahat.
We meet in secret.
Minsan sa likod ng isang military truck, minsan sa lumang building na ‘di na ginagamitan ng mga kadete.
Tatawa siya habang hinuhubad ko ang heels ko kasi nagreklamo na naman ako sa mga putik.
Ako naman, tinatakpan ko ang mga pasa sa braso niya gamit ang concealer. Hindi para itago, pero para kahit papaano, sa mata ko… hindi siya nasasaktan.
May mga gabing hindi kami makatulog.
Bulong lang kami nang bulong.
“Na-miss kita,” sabi niya, habang hawak niya ang bewang ko gamit ang dalawang mga kamay niya.
Tapos tatahimik lang kami. Wala nang salitang kailangang sabihin.
I love her. Hindi man laging romantic... Pero kailangan din naming mag-sacrifice, eh.
Alam kong hindi ako madali mahalin... Maarte ako, may mood swings. I demand attention like I deserve it... kasi nga naman, I do.
Pero sa kanya, natutunan kong maging patient.
Natuto akong tumanggap ng I can’t talk right now bilang hindi rejection, kundi protection.
Kasi minsan, ang hindi niya pagsagot, paraan na niya para wag akong mag-alala habang humahawak siya ng riple sa gitna ng bundok.
We don’t do flowers. We do survival.
Some people say I love you a hundred times a day.
Kami, hindi.
BINABASA MO ANG
if guns can cry (bittersweet #5)
RomanceSpoiled, wealthy, and used to getting her way, she traded her luxury life in order to join a brutal military training. She has only one goal, find out who murdered her sister during the war. All clues point to one person: the Female General, the co...
