Three days na ako dito sa Paris pero parang wala akong naiintindihang agenda. Paulit-ulit lang ‘yung mga tanong nila... materials, colors, silhouettes, kung ready na ba raw ang bagong line for the fall launch but my mind? Nasa Pilipinas. Nasa gubat. Nasa kulungan ng isang General na hindi man lang marunong magpaalam ng maayos.
I re-read our convo just three days ago.
Gucciana:
I know that you won't respond to me. Please take good care. I know I cGuccianaan’t message you every day, and I don’t even know when you’ll read this… but I just want you to remember this, no matter how far you go, I’ll be here. Waiting, hoping and praying.
Ang dami ko pang gustong itext pero binubura ko kaagad. Yndra, my favorite soldier... I know your tough but I am not. Please take care always.
Agazhe:
Hindi ko alam kung bababasa mo ang message bago pa kami mag-operate. Parang nawala pagod ko, swear. Mission okay, konting habulan, konting tago, pero secured naman. Para lang naglalaro ng hide and seek, pero may baril 😅
Gucciana:
Ok
"Miss Soldevilla?"
Napatingin ako sa panel. Lahat sila nakatitig sa akin. Hindi ko na alam kung ilang beses na nila akong tinawag. Ang lamig ng conference room, pero butil-butil ang pawis sa likod ng leeg ko. Hinawakan ko ‘yung pen na parang sandata pero kahit anong hawak ko, hindi ko pa rin kayang ipagtanggol sarili ko sa kabobohan kong ito.
"I’m sorry. Can you repeat the question?"
Nagtinginan sila. May isa sa kanila, si Madame Lucille, nag-cross ng arms. Pakiramdam ko tuloy wala akong business na dapat inaasikaso ngayon. Dapat nasa nasa lugar ako kung nasaan si Yndra ngayon o kung hindi man, nasa isang upuan, hawak kamay si Yndra habang pinapaliwanag niya kung bakit kailangan niya akong iwan sa ganung paraan.
Pero wala siya.
Hindi ko alam kung nasaan siya.
At kahit gusto kong galit ako, ang totoo, mas nangungulila lang ako.
Pagkatapos ng meeting, hindi na ako tumuloy sa design studio. Tumambay lang ako sa balcony ng penthouse suite namin. Ang ganda ng Paris skyline, pero ang hirap niyang ma-appreciate kapag ang utak mo ay iba ang iniisip..
Nagba-vibrate ang phone ko. Isang notification mula sa shared drive namin, updated timelines for the Milan prep. Hindi ko man lang matingnan ng buo. Ang dami pang dapat ayusin pero kahit ‘yung sketches ko, hindi pa matapos-tapos.
Naupo ako sa rattan chair, sinindihan ‘yung scented candle sa table kahit tanghaling tapat, amoy lavender. They said it helps you relax. But even if I drown myself in essential oils, it won't make my memories of Yndra calm down, more like they're raging.
Bago siya umalis, wala kaming maayos na pag-uusap.
“Aalis ka tapos hindi mo sasabihin kung kailan ka babalik?” galit kong tanong noon habang siya, kalmado pa rin, inaayos ang gamit niya.
“Hindi ko alam. Basta kailangan.”
“Gano’n na lang? Hindi ba puwedeng... Huwag muna?”
She was quiet and just looked at me. Without even giving me words nor kisses. Funny how she’s the soldier, but it felt like I’m the one who lost the fight.
That night, I was supposed to have a private fitting with a buyer from Rome. But it ended with red wine and me crying over thread swatches.
“Are you okay?” tanong ng Italian assistant ko, si Gio.
