26 | Ruthless

901 82 0
                                        

Yndra

Magta-tatlong taon na.
Tatlong taon na parang walang katapusan, bawat araw tinatadtad ng tanong kung buhay pa ba siya… kung may rason pa ba akong maghanap?

Pero ngayong nandito ako, nakatayo sa harap ng maliit na bahay na natatakpan ng mga halaman sa paligid, para akong kinakalaban ng sarili kong hininga.

Isang matandang babae ang nagbukas ng pinto.

“Hinahanap mo si Jane?” tanong niya.

Jane.

Hindi iyon ang pangalan na kilala ko. Pero tumango lang ako.

Dinala niya ako sa likod-bahay, at doon ko siya nakita.

Nakaupo sa bench, hawak ang tasa ng kape, nakatingin lang sa mga dahong nalalaglag mula sa puno.

Gianna.

Halos mabingi ako sa tibok ng puso ko.

Tatlong taon, akala ko wala na siyang… pero ngayon, nasa harapan ko siya.

Kung hindi siya nagbigay ng clue sa akin... Hindi ko siya mahahanap.

“Gianna…”

Hindi niya agad nilingon.
Parang napako siya sa pag-inom ng kape.

Nang dahan-dahan niyang itaas ang ulo, tumama ang tingin niya sakin, hindi siya nagulat, walang tanong… pero may isang bagay na hindi ko nakita noon.

Kalmado ang boses niya. “Yndra."

Our eyes met... But my spark was already gone. Minahal ko naman siya.

“Tatlong taon kitang hinanap,” sabi ko, pilit pinipigilan ang panginginig ng boses ko.

Saka ko lang napansin na may kaunting pag-ikot ng labi niya, hindi halatang ngiti, pero hindi rin kawalan ng emosyon.

“I lost my memories…” mahina niyang sabim, “nawala lahat, nawala rin ako.”

Nawala.

Ang matandang babae sa gilid namin ang nagpatuloy. “she's in critical condition when I found her. May tinatakasan."

Pero ngayong nakatitig siya sa akin, iba ang mga mata niya.

“Kailangan ko ang tulong mo,” diretsong sabi ko.

"Anong tulong, Yndra?”

“Si Gucci. May kumidnap sa kanya. Wala na kaming oras.”

Bumilis ang paghinga niya, hindi reaction ng taong walang alam... Hindi reaction ng taong walang maalala... Yan ang reaksyon ng Gianna na kilala ko.

Her memories came back already.

Hindi siya sumagot, pero ang pagkagat niya sa labi at ang bahagyang panginginig ng kamay niya habang inilalapag ang tasa ng kape, sapat na para malaman ko ang sagot.

· · ─ ·ʚɞ· ─ · ·

Madilim ang paligid, pero ramdam ko ‘yung amoy ng pulbura sa hangin. Basang-basa ng pawis ang likod ko sa ilalim ng tactical vest, habang dahan-dahan kaming sumusulong sa warehouse kung saan kinulong si Gucci.

“Three guards at two o’clock,” bulong ni Rafe sa earpiece ko.

I tilt my head, kita ko na ang mga anino nila sa ilalim ng flickering na ilaw. Tatlo, armado. Hindi sila pwedeng makarating sa main room kung saan sigurado akong andun si General Soldevilla.

Nagbigay ako ng senyas gamit kamay. One… two… go.

Sumirit ang bala mula sa suppressed rifle ko, dalawa agad ang natumba. Si Rafe tinapos ‘yung isa bago pa makabunot ng granada. Bumagsak silang parang mga basahan, walang kalansing ng bala, puro bigat ng katawan lang sa sahig.

if guns can cry (bittersweet #5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon