18 | Confessions

1.1K 114 0
                                        

Minsan lang ako bumisita sa headquarters ng mga Soldevilla, pero tuwing nandun ako… alam kong delikado.

Hindi dahil sa mga baril o sa mga seryosong mukha ng mga sundalo.

Kundi dahil kay Yndra.

Minsan nandun siya, minsan wala. Pero kahit hindi ko siya nakikita agad, alam ng katawan kong nariyan siya. Para bang may magnet sa balat niya na kinakaladkad ako papunta sa direksyon niya kahit pilit kong iwasan.

“Gucci!” bati ng isang junior officer. “Nandito ka na naman?”

“Libre kape ni Tito,” sagot ko, sabay saludo na parang biro.

Pagpasok ko sa opisina ng Tito ko, General Soldevilla, nakangiti siya agad. Kahit gaano siya kasungit sa mga trainee, sa akin… laging may lambing. Ako raw kasi ang “reality check” niya sa labas ng giyera. ‘Yung pamangking maarte na pinipilit niyang intindihin.

“May kailangan ka?” tanong niya habang hawak pa ang tactical report.

“Wala lang. Na-miss kita. At saka may pasalubong ako.”

Tinapik niya ‘ko sa balikat. “Mukhang gusto mo na namang sumilip sa field.”

Napangiti ako. “Hindi naman. Gusto ko lang makita kung may mga bagong recruit na cute.”

Nagkibit-balikat siya, sanay na sa landi kong biro. Pero ang totoo, kaya ako nandito, dahil may mission briefing si Yndra. At gusto ko lang siyang makita. Kahit sandali. Kahit hindi ako makalapit.

Nakita ko siyang dumaan sa hallway full uniform, may dalang tablet, may kasama pang dalawang subordinates. Tuwid ang lakad. Matigas ang mata. Laging parang may bitbit na giyera kahit tahimik ang paligid.

At ‘yung sakit? Hindi siya lumingon kahit naroon ako.

May pride akong ayaw isuko, kaya ako na lang ang umiwas. Pero nung sumapit ang gabi, habang nagkakape ako kasama si Tita, ang asawa ng Tito ko, hindi ko napigilan.

“Tita…” simula ko, medyo pa-casual. “Pwede bang… wag niyo muna bigyan ng mahirap na mission si General Yndra?”

Napatigil siya, tiniklop ang babasahing intel memo.

“Bakit?” tanong niya, pero may tono na. Alam niya.

“Napansin ko lang… pagod na siya lately. At saka… sayang ‘pag napilayan natin ‘yung pinakamagaling nating babaeng opisyal, ‘di ba?”

Tahimik siya. Tinimpla ang kape niya ulit. “Siya ang humihingi ng ganung klaseng assignment. Hindi siya ‘yung umaatras.”

“Alam ko,” sagot ko, halos pabulong. “Pero kahit ang matitigas, napapagod din.”

Hindi ko na dinugtungan pa. Kasi baka lumabas ‘yung totoo. Na hindi lang concern ko as a civilian ‘yon. Na may personal akong dahilan kung bakit ako nanginginig tuwing naririnig kong may bagong operation si Yndra. Na ang ayaw ko lang talaga… ay isang araw, tumawag sila sa akin, at sabihing hindi na siya babalik.

Minsan nga, naiisip ko... Ayaw kong ulitin ko noong kay ate ko palang.

Bakit ako nangingialam?

Pero kahit anong pilit kong i-rationalize, isa lang talaga ang sigurado ko... Ayokong mawala siya.

At hindi ko rin alam kung paano sasabihin sa kanya ‘yon.

Kaya bumalik na lang ako sa condo ko nung gabing ‘yon. Tahimik. May dala-dalang guilt. May dalang kabog.

· · ─ ·ʚɞ· ─ · ·

Akala ko kaya ko na.

Akala ko, sa dami ng trabahong sinasalubong ko bawat araw, mula sa mga meetings sa headquarters hanggang sa biglaang emergency calls sa fashion line ko, unti-unti akong makakawala sa multo niya.

if guns can cry (bittersweet #5) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon