Tahimik dito sa kampo, pero hindi kapayapaan ‘yung nararamdaman ko. Kalmado ang paligid, pero ang dibdib ko, punong-puno ng ingay. Parang may sumisigaw sa loob ko na ako lang ang nakakarinig. Hindi ko na nga alam kung gutom ba ‘to, kaba, o takot.
I’ve been back in base for a week now. Hindi ko sinabi kanino man kung bakit bigla akong bumalik. Hindi rin nila ako tinanong. Siguro dahil galing ako sa away. Siguro dahil si General Soldevilla ang nag-utos na bumalik ako. Or maybe they saw it in my face, I was no longer the same.
Wala na si Yndra sa barracks niya.
Siyempre chineck ko. Unang gabi pa lang ng pagbalik ko. Ang tanga ko nga e, dala-dala ko pa ‘yung sapatos niya. ‘Yung iniwan niya noong gabing pinuntahan niya ako sa kabilang camp. Naka-supot lang, amoy luma, pero amoy siya.
Pero wala siya ro’n. Walang bakas. Clean slate. Pati kama niya parang hindi na tinulugan. Ginalaw ng ibang tao. Parang may gustong burahin.
That’s when I knew. Something was happening behind my back. Something I wasn’t supposed to see.
Pagbalik ko sa common area ng ops center, doon ko siya nakita siya, Tito.
Tito General Soldevilla.
Standing tall like always, pero may bumigat sa hangin pagkakita niya sa’kin. Parang may gusto siyang sabihin, pero hindi niya alam kung paano sisimulan.
“General,” bati ko, matigas ang tono. Kahit na ang totoo, gutay-gutay ako sa loob.
“Hindi mo ba siya kakausapin?” diretsong tanong niya, pero mahina. Halos pabulong.
Nanuyo ‘yung lalamunan ko. “Wala na siya rito, ‘di ba?”
Hindi siya sumagot agad. Umiling lang siya.
“Kung aalis siya,” tuloy ko, “bakit walang briefing? Wala man lang official departure order. Lahat classified.”
Lumapit siya ng bahagya. “Gucci…”
“Tito,” giit ko. “Tell me the truth.”
Napahinga siya nang malalim. “She volunteered for a mission.”
Nanlamig ang balat ko. “Anong klaseng mission?”
Hindi siya sumagot.
“Anong klaseng mission, Tito?” ulit ko, mas malakas na. “At bakit siya?!”
He hesitated. Then finally…
“Extraction.”
Kumunot ang noo ko. “Extraction? Sino? Sino ang target?”
Tahimik siya. Tahimik din ako. Until he finally whispered the answer:
“Ikaw.”
Nalaglag ‘yung kamay ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
“Ako?” bulong ko.
Hanggang sa tinakpan niya ang ilong ko nang kung tela na may kung anong amoy... Ramdam ko na unti-unting nawawala ang malay ko.
· · ─ ·ʚɞ· ─ · ·
I thought I knew what betrayal felt like.
I thought it was being left behind by someone you love. I thought it was secrets, lies, silence where there should’ve been truth.
But nothing... nothing... compared to this.
I was on the floor... Literally. Knees to my chest. Back pressed against a cold, damp wall that smelled like rust and mold. My wrists throbbed from the cuffs they’d finally removed, but the pain wasn’t even the worst part. It was the knowing, that someone I trusted the most betrayed me.
BINABASA MO ANG
if guns can cry (bittersweet #5)
RomanceSpoiled, wealthy, and used to getting her way, she traded her luxury life in order to join a brutal military training. She has only one goal, find out who murdered her sister during the war. All clues point to one person: the Female General, the co...
