Kabanata 26

140 10 0
                                    


"Ano? Buntis ka na ba?" Pinanlakihan ko si Lina dahil sa binulong niya sa akin. 


"Lina! Hindi!" Inis kong sagot at nilayuan si Lina.


"Weh? Eh anong ginagawa mo sa kwarto ni senyorito?" Akala ko titigilan na niya ako pero hinabol pa rin niya ako at nangungulit. 


"Lina noong isang buwan pa 'yun! Kalimutan mo na." Sumimangot lang siya sa akin. 


"Eh 'yung nga isang buwan na lumipas kaya baka buntis ka na." Pagpapatuloy pa niya, bumuntong hininga ako at hinarap siya. 


"For the last time, hindi ako buntis at wala kaming ginawa ni Harr-- I mean ni senyorito sa kwarto niya kaya pwede ba 'wag ka nang magtanong baka may makarinig pa sa atin." Hindi ko alam kung ilang beses ko na sinabi sa kaniya 'to, hindi talaga siya naka-move on sa nangyari na 'yun. 


"Sus pero first name basis na kayo, basta ninang ako." Magsasalita sana ako para kontrahin siya pero mabilis siyang tumakbo paalis. Si Lina talaga. 


Napa-iling na lang ako sa sarili at pinagpatuloy ang trabaho ko, mananahimik din si Lina kung hindi ko na masyado papansinin. Sa loob ng isang buwan ay naging maayos naman ang relasyon namin ni Harry, hindi ko na siya nilayuan dahil natakot na ko na makulong ulit sa kwarto niya. Si ma'am Stephanie ay bumibisita pa rin ng madalas dito pero hindi na sila masyadong nagkikita ni Harry at nilalayuan niya ito kahit ako din naman hindi talaga kasi ako kumportable na makasama siya. 


Hapon na at tapos na ako sa gawain ko babalik sana ako sa kwarto 'nang bigla akong napadaan sa kwarto ni manang, may naalala ako na gusto kong gawin, kumatok ako ng tatlong beses para tignan kung nasa loob si manang. 


"Sino 'yan?" Sigaw niya mula sa loob. 


"Si Cindy po, manang." Sagot ko, sumigaw siya ng pasok kaya binuksan ko ang pintuan naabutan ko siyang naka-upo sa kama niya at nag-aayos ng mga gamit 'nang magtama ang tingin namin nginitian ko siya. 


"O Cindy, anong kailangan mo?" Naglakad ako palapit sa kaniya, sumenyas siya na upo sa kama kaya ganoon ang ginawa ko. 


"Eh may itatanong po sana ako sa inyo manang." Tumulong na din ako sa kaniya mag-ayos. 


"Ano?" 


"Kasi, naalala niyo po ba 'yung araw na napulot po ako nila madam?" Seryoso kong tanong sa kaniya, kumunot ang noo niya at pansamantalang tumigil sa ginagawa at nag-isip. 


"Sa pagkakatanda ko eh, umuulan 'nun may bagyo yata," tumango lang ako at nanatiling tahimik upang makinig. 


"Tapos nagulat na lang kami may buhat buhat na bata si VIcente, ikaw 'yun tapos wala kang malay." Pagpapatuloy niya. 


"Pagkatapos po?" 


"Tapos pinatingin ka sa doctor, ang tagal mo ngang magising 'nun at ang taas ng lagnat mo, Teka nga bakit mo naman tinatanong 'di ba na-kwento ko na sayo 'to?" Nagtataka niyang tanong sa akin, tumawa ako ng mahina at tinuon sa pagtulong ang atensyon ko. 

Finding CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon