Maghapon nga ako pinanood si senyorito, kahit naka-tambay lang ako sa ksuina ay nasa hapag siya paminsan minsan ay sinusulyapan ako, ang mga kasama kong kasambahay ay medyo na-ilang kung ano ano mga pinupunasan nilang gamit para daw makita ni senyorito na nag-tatrabaho sila.Mabuti na lang at hindi napansin ni manang na ako ang pinanonood ni senyorito, nag-kwentuhan pa nga sila bago siya pumunta sa maid's qaurter para magpahinga. Kasalukuyan akong naka-upo sa lababo at nag-babasa ng pocketbook, 'yung mga kasamahan ko ay tumambay muna sa maid's quarter kaya ako ang naiwan dito.
"What are you reading?" Bumaba ako sa lababo 'nang pumasok si senyorito at binaba ang binabasa ko.
"May i-uutos po kayo senyorito?" Tanong ko agad sa kaniya.
"Iinom lang." Sabi niya at kumuha ng sarili baso at nilagyan ng tubig, sinulyapan niya ang liro na nasa lababo at kumunot ang noo.
"You're reading a pocketbook?" Sabay lapit at kuha ng libro. "This is a mature story, why are you reading this?" Naka-kunot noo niya pa rin na tanong.
"Hindi naman po masyadong mature tsaka maganda po 'yung istorya." Sabi ko sabay kuha ng libro sa kamay niya, buti na lang at natupi ko 'yung part na binabasa ko.
"Hindi masyadong mature? Look at the cover Cindy. That's a topless guy." Turo niya, sinilip ko ang cover pero hindi din nagtagal dahil tinalikod niya 'yung libro.
"Don't look at it!" Singhal niya sa akin. Natawa ako sa reaksyon niya.
"Senyorito naman picture lang po 'to at hindi ko naman po tinititgan 'yung cover eh." Natatawa kong sagot sa kaniya.
"Kahit na! You should read books that is suitable for you."
"Twenty-three na po ako pwede na po sa akin 'to." Umismid siya at uminom ng tubig.
"Who says?"
"Yung libro po." Sabay turo sa kaniya na may maliit na nakasulat na. 'Suitable for ages 18-30 years old' hindi siya naksagot at sinamaan lang lalo ng tingin 'yung libro na parang may masamang ginawa sa kaniya.
"Just don't look at the book cover." Final niyang sabi.
"Ikaw nga senyorito nagpakita ka sa akin ng topless hindi ka tumalikod." Nakangusong bulong ko sana para hindi niya marinig pero matalas pala ang pandinig niya kaya ngumisi siya sa akin.
"After you stare at Jake's body? Syempre magpapakitang gilas din ako." Mayabang niyang sabi.
Tumahimik na lang ako, hindi pa rin pala niya nakakalimutan 'yun matalas ang memorya ni senyorito ah. Nag-kwentuhan pa kami, sabi niya mas maganda daw na mawala ang atensyon sa librong binabasa ko kaya nag-stay siya sa kusina habang mag-isa pa ako.
Natapos lang ang kwentuhan namin 'nang marinig namin na may dumating kotse, tunog 'yun ng makina na sasakyan nila madam kaya nag-paalam si senyorito na sasalubugin niya daw muna ang parents niya. Lumabas na din sila manang at 'yung ibang ksamabahay para salubungin din sila madam.
"You stay here all day, son?" Tanong ni madam pagkatapos yakapin ang kaniyang anak.
"Yes." Maikli niyang sagot at tinanguhan si Don VIcente.
"Hindi ka na-bored?"
"Nope. Someone's keeping me busy." Nakangiti niyang sabi. Alam ko naman na ako ang someone na 'yun dahil ako naman talaga ang kasama niya maghapon.
BINABASA MO ANG
Finding Cinderella
RomanceA typical fairytale love story. Cindy believes that that are kindness in every people's heart. Despite the hardships that the universe given her she always choose to be kind. And now she met her prince charming. A maid. A prince. Different status...