Kabanata 13

142 13 0
                                    




Maaga akong nagising kahit napuyat ako, excited akong lumabas para tulungan si manang magluto ng almusal. Ngayon ang unang araw na papasok si senyorito sa trabaho, ilang beses na inulit sa akin ni senyorito na dapat daw ay makita ko siyang umalis, gusto niyang mag-paalam sa akin.


Kaya eto kami ngayon sa hapag-kainan at kumakain na ng almusal ang pamilya Mondragon, nakatingin ako kay senyorito na ibang iba ang itsura ngayon, ang dating lagi niyang damit na simpleng t-shirt at swetshorts ay napalitan na ng two piece suit. Maayos at naka-gel ang medyo kulot at mahaba niyang buhok, amoy na amoy ko sa kinatatayuan ko ang panlalaki niyang pabango.


"Excited for your first day son?" Tanong ni Don Vicente sa kaniyang anak habang kumakain.


"Yes dad and a little nervous." Natatawang sagot ni senyorito.


"Don't be son I know you can handle all your work." Puri agad ni madam sa anak niya.


"Oo nga naman iho, sabi ng mama mo eh matagal ka 'nang tumutulong sa kompanya niyo kahit nasa ibang bansa ka pa." Segunda naman ni manang.


"Oo nga naman anak, ang pinag-kaibahan lang ay sa mismong kompanya ka na mag-tatrabaho."


"Fine, thanks mom."


Nakangiti ako habang nakikinig sa usapan ng pamilya, ang swerte talaga ni senyorito, malaki ang tiwala sa kaniya ng mga magulang niya at talagang sinusuportahan siya at kung pwede lang din magsalita ay papalakasin ko din ang loob niya pero syempre hindi pwede, hindi naman ako kasama sa pamilya nila.


Pagkatapos nilang kumain ay nauna ng umalis sila madam at don Vicente, naiwan si senyorito dahil gagamitin niya ang sarili niyang kotse, nasa may pintuan kami kasama si manang para ihatid paalis si senyorito, pagkarating ng sasakyan niya ay agad na nag-paalam si manang.


"Mag-iingat ka sa pag-dadrive iho." Bilin ni manang.


"Thank you manang." Imbis na umalis na ay lumipat ang tingin niya sa akin, kaya medyo napayuko ay dahil naramdaman kong siniko ako ni Lina.


"I'm going now." Kahit na nakayuko ramdam ko na sa akin niya iyon sinabi at nakatingin pa rin siya sa akin, hindi ko alam kung sasagot ba ako o ano lalo na at katabi ko si manang.


"I-ingat po senyorito." Nakayuko kong sabi buti na lang at sumunod din si Lina sa sinabi ko.


Nang naramdaman ko na wala na siya sa harap ko ay umangat na ako ng tingin, nakasakay na siya ng kotse niya pero bago siya umalis ay binaba niya ang bintana ng kotse niya at tinanguhan ako at dahil hindi naman sa akin nakatingin si manang ay tumango din ako at ngumiti sa kaniya.


Nakatanaw lang ako sa papalayo niyang kotse hanggang sa mawala na siya sa tanaw ko, hindi ako umalis doon kahit umalis na sila manang at ang iba kong mga kasamahan naiwan kaming dalawa ni Lina na agad akong inasar.


"Taray may patagong tanguhan pa kayo sa isa't isa, ang landi ah!" Kinikilig na asar sa akin ni Lina.


"Lina naman.." Hindi ko mapigilan na mapangiti.


"Sayo siya nag-paalam! My ghad jowa mo na ba siya? Kayo na ba? Kailan ang kasal?" Nagulat na ako sa mga sunod sunod na sinabi ni Lina.


Ano ba mga naiisip nito? Kasal? Grabe ah!


"Lina 'wag kang maingay baka marinig ka pa, wala kaming relasyon at mag-kaibigan lang kami. Bumalik na nga tayo sa trabaho." Mabilis ko siyang iniwan doon para magsimula na mag-trabaho dahil alam kong hindi niya ako titigilan sa mga tanong niya.


Finding CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon