Kabanata 3

211 17 0
                                    







Humihikab pa ako habang inaayos ang pusod ng buhok ko, hindi ako masyadong nakatulog ng maayos ewan ko ba baka dahil sa pagod medyo natatakot akong lumabas dahil alam kong makikita ko si senyorito ang hirap talagang naninigbago.


Pero mas naninibago ako kay Lina, gaya ngayon nauna pa siyang gumising sa akin, excited daw siya makita ulit si senyorito, abala na naman siya sa pag mamake up.


"Huhulas ka agad dahil magtatrabaho tayo." Sabi ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin.


"Okay lang basta maganda ako sa umaga." Umiling ako at tinali na ang apron ko. Sabay kaming lumabas ng maid;s qaurter at nanlalaki ang mata ng mga nakakasalubong namin na kasamabahay patin mga driver.


"Aba himala at gising ka, Lina." Pang-aasar ni kuya Dante sa kaibigan ko.


"New me na 'to kuya Dante!" Tumawa lang si kuya Dante at nagpatuloy sa paglilinis.


"Magandang umaga!" Sigaw ko sa kaniya bago pumasok sa kusina.


Pagdating namin sa kusina agad kong narinig ang boses ni manang pero hindi siya galit at bago 'yun.


"Tama 'yan ang aga niyong nag--aba't! Totoo nga ang himala at gising na din si Lina?!" Napa-sign of the cross pa si manang habang nakatingin kay Lina.


"New me nga 'to manang!" Natawa ako sa rekasyon nila.


Pagkalapit ko sa mga kasamahan ko ay nanlaki ang mata ko 'nang makita ko halos lahat sila ay naka-make up din. Hala? Anong meron?


"Kailangan po ba naka-make up manang?" Tanong ko sa kaniya, tumawa siya at napailing na lang.


"Mga nagpapaganda." Tapos sumigaw ulit. "May mga asawa at boyfriend ay iba sa inyo! Umayos kayo!"


Dahil puno na ang kusina naisipan ko na sa garden muna ako, mag-wawalis at mag-didilig ng halaman, natatawa ako sa mga kasama ko talagang nagpaganda, sa bagay hindi ko sila masisisi ngayon lang kami nakakita ng gwapo, probinsya kasi 'to at bihira lang 'yun. May mga gwapo naman dito pero hindi katulad ni senyorito na mala-prinsipe.


Pagkapasok ko sa garden ay agad akong napangiti. Ang mga halaman ko namulaklak na sabi na eh pag-uwi ni senyorito magaganda na lahat 'to.


"Magandang umaga sa inyo!" Masaya kong sigaw sa kanila. Magsisimula na sana ako magdilig 'nang may biglang may sumagot sa akin.


"Magandang umaga din." Nanlaki ang mata ko at napabalik ang tingin sa mga halaman.


Hala! Nababaliw na ba ako?! Sumagot sila?!


"Sobrang kulang ko ba sa tulog at kinakausap niyo ko?" Nilapit ko ang mukha ko sa halaman at hinihintay na sumagot sila pero tawa lang ang narinig ko.


"Up here, lady!"


Umangat ako ng tingin at nanlaki ang mata ko 'nang makita ko si senyorito na nakasandal sa balkonahe, kwarto niya ba 'yun? Naka-gray t-shirt siya at nakatingin sa akin.


"Magandang umaga po senyorito. Nagising ko po ba kayo sa ingay ko?"


Hindi ko naman kasi alam na andon pala ang kwarto niya! Napalakas pa yata 'yung pag-sigaw ko. Nako baka masisante ako!


"No, kanina pa ako gising." Nakangiti niyang sagot. Nakahinga naman ako ng maluwag, buti naman.


Nanatili lang akong nakatayo, hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko o...sasabihin. Nagpalinga linga ako tapos sinilip ulit si senyorito na diretso pa rin ang tingin sa akin, alanganin na ngiti ang binigay ko sa kaniya.


Finding CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon