Kabanata 36

135 12 0
                                    



Hindi na nila tinapos ang hapunan at lumipat slang lahat sa sala, habang ako nandito sa kusin hindi mapakali, ano kaya ang sasabihin ni tita Viola tungkol sa akin? Papanindigan kaya niya na patay na talaga ako? Maniniwala kaya sila madam? Ang dami kong katanungan ko sa utak kaya bumalik ako sa kwarto at kinuha ang cellphone na bigay ni ninong at agad na tinext. 


Cindy:

Ninong, nandito sila tita Viola, help. 


Kailangan nyang malaman 'to at kailangan na nandito si ninong para sabihin na hindi pa ako patay, hindi dapat matuloy ang bentahan.


Ninong: 

On my way,


Nakahinga ako ng maluwag mabuti na lang at mabilis mag-reply si ninong. Binulsa ko ang cellphone ko at bumalik na sa kusina. Sakto naman ay nakita ko si Lina palabas ng kusina at may dalang tray, mabilis akong lumapit sa kaniya. 


"Ako na dito!" Agad kong sabi at sinubukan kinuha ang tray sa kaniya pero nilayo niya lang. 


"Ano ka ba? Bawal sila Stepanot ang mga nandoon, eh 'si ba mainit ang dugo nun mga 'yun sayo." Napakagat ako sa labi. Oo nga pala pero,


"Kahit na! Past is past. Ako na diyan." Pero hindi niya pa rin binigay. 


"Aba dati todo iwas ka sa mag-ina ngayon gusto mo pa sila ipag-serve, anyare sayo?" Nagtataka niyang tanong at pinaningkitan ako ng mata. 


"Ahh," wala akong maisip na sagot at tumawa na lang ako ng alanganin. 


"Alam ko na," seryosong sabi ni Lina.


"A-alam mo?" Kinakabahan kong tanong, seryoso pa rin ang mukha niya at dahan dahan na tumango. Napalunok ako, paano niya nalaman?! 


"Binabantayan mo boypren mo no? Sabagay may malandi doon pero hindi ka ipagpapalit ni senyorito!" Napanganga ako sa sagot niya. 


"Ha?" Nagtataka kong tanong. Anong babantayan ko si Harry? 


"Hindi ba?" Naka-kunot ang noo niyang tanong. Ilang beses akong kumurap bago tumango ng mabilis at tumawa. 


"A-ahh, oo! Iyon nga ang d-dahilan hehe. Kaya sige na please ako na ang mag-seserve." Sumuko na siya at inabot sa akin ang tray kaya ngiting tagumpay ako. 


"Pero sasamahan kita! Kailangan mo ng back up." Sabi niya kaya tumango ako at sabay kami naglakad papumntang sala.


Malakas ang tibok ng puso ko habang papuntang sala, ayoko naman talaga magpakita sa kanila pero kailangan kong makinig habang wala pa si ninong para marinig ko ang lahat, sure naman ako na maya maya lang ay nandito na si ninong. 


Pagdating namin sa sala ay nag-kekwentuhan pa muna sila, mukhang hindi pa sila nagsisimula. Pagkalapit namin sa pwesto ay agad na-alarma si Harry nang makita niya ako ang nag-seserve kasunod 'nun ay ang matatalim na titig nila tita Viola at STephanie.

Finding CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon