"Ako na po ang maghahain, manang" Masayang sabi ng batang babae sa isang matanda na naka-uniform.
"Nako Rei, talaga?"
"Opo para po matuwa sila tita at ate, first time po nilang mag-agahan dito sa mansyon gusto ko po maging espesyal 'yun." bibong sagot ng batang babae, tumango ang matanda at inabot sa bata ang plato ng may nakaluto 'nang hotdog at bacons.
"Napaka -buti mo talagang bata, Rei. Tama ang pagpapalaki sayo ni Reina." Pilit na ngumiti ang bata kahit may lungkot sa mga mata niya.
"Nakikita ko po kasing masaya si daddy at 'yun po ang gusto ko." napatango ang matanda sa bata at nagsimula na silang maghain.
Simula 'nang mawala ang kaniyang ina ay bihira na lang din sila magsabay sa hapag ng kaniyang ama kaya napakasaya ni Rei habang naghahapag ng mga pagkain lalo na at may dumating na bagong kasapi ng pamilya nila.
"Yaya I want fresh orange juice, please." napatingin si Rei sa hagdan 'nang makitang pababa ang kaniyang step sister. Masaya niya itong sinalubong.
"Good morning ate!" masaya nitong bati, Umalis saglit ang tingin ng ate niya sa cellphone at tinaasan ng kilay ang bata.
Medyo natakot si Rei dahil mukha itong galit pero hindi siya nagpatinag lalo niya lang nginitian ang kapatid.
"Kuha mo nga akong juice, pakibilisan." hindi man lang siya binati pabalik at nilagpasan pa ito.
Nakaramdam ng sakit si Rei pero agad niya itong inalis. Baka naninibago lang ang kaniyang bagong kapatid kaya ganito ang turing nito sa kaniya, kahit siya naman ay nannibago pero kailangan niyang makisama sa kapatid.
Iwas sa kaniya ang nakkatandang kapatid, lagi nitong kaharap ang cellphone pwera na lang kapag kasama nila ang daddy nila, ang bago naman nobya o asawa ng kaniyang ama ay bihira lang niya nakikita dahil nag-pupumilit ito sumama sa comapny nila, pero kapag nagkikita sila ay hindi man lang sya tinatapunan ng tingin.
Naninibago lang siguro sila, kailangan ko pa sila bigyan ng oras para mag-adjust.
Ang maliwanag nilang mansyon ay untng unting nagbago, nawala ang iba nilang kasamabahay, nag-iba ang ayos ng mansyon pero wala siyang magawa o masabi dahil desisyon ito ng bago niyang mommy.
"I want everything changed. Ayoko 'nang may matirang bakas ng unang asawa ni Leo."
Napatingi si Rei sa hawak niyang larawan, Ang larawan ng kaniyang ina, ang natitirang larawan sa loob ng mansyon. Biglang tumulo ang luha niya at niyakap ito.
"Mommy.."
"Cindy? Cindy? Hoy Cindy!" Napatingin ako kay Lina na nakak-kunot ang noo na nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Finding Cinderella
RomanceA typical fairytale love story. Cindy believes that that are kindness in every people's heart. Despite the hardships that the universe given her she always choose to be kind. And now she met her prince charming. A maid. A prince. Different status...