Kabanata 43

142 11 0
                                    



The moment I step foor inside our mansion, memories filled my heart, I can't help to cry. Parang nakikita ko ang nakaraan, the sofa where we always bond kung saan namin hinihintay ni mommy si daddy maka-uwi. The dinig where we happily eat together, this house is full of good and bad memories pero mas marami ang masasayang alalala.


Walang nagbago sa bahay, kung paano ko ito iniwan ay ganoon pa rin, puro pictures pa rin nila tita Viola at ate Stephanie, the interior is still design halata naman na inalagaan pa rin nila ito. Our mansion style is contemporary style halos kulay puti ang kabuuoan ng bahay. Habang nililibot ko ang paningin ko ay hinahawakan ko ang bawat furnitures na mahawakan ko. I still can't believe that I'm here thaht I'm back. 


I miss this, there is no place like home, gumaan ang pakiramdam ko pagkapasok ko and it feels like na mas napalapit na ako kela mommy at daddy. Now that I'm back madami akong gusto palitan at ibalik sa dati, things that I didn't do last time when I was a kid. Ibabalik ko ang lahat sadati marami na akong naiisip. May mga maid din na tinitignan ako pero hindi ko sila kilala halos bago silang lahat, natigil ang paningin ko nang makita ko kung sino ang matandang nakatayo At lumuluha habang nakatingin sa akin. 


"M-manang," mas lalo siyang umiyak at binuka ang kamay.


"R-Rei, anak." Umiiyak niyang tawag sa akin, mabilis akong tumakbo palapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit, hinaplos niya ang buhok ko habang umiiyak ako sa dibdib niya.


"A-ang laki mo na anak, a-ang g-ganda ganda mo. Kamukhang k-kamukha mo si R-Reina." Lalo ako umiyak sa sinabi ni manang.


Saglit akong humiwalay ng yakap para mapagmasdan siya. Lalo na tumanda ang itsura niya, madami nang guhit guhit sa mukha niya at puti na lahat ang buhok niya, may hawak siyang tungkod na nabitawan niya dahil sa pagyakap sa akin. Isa din si manang na namiss ko, siya ang tumayong tagapag-tanggol at ina ko noong panahon na wala si daddy. 


"S-sa wakas nakabalik ka na, miss na miss kita." Dahan dahan kong pinunasan ang luha niya.


"N-namiss din kita manang!" Umiiyak pero nakangiti kong sabi, mabuti na lang at nandito pa rin siya at hindi siya pinalayas nila tita Viola. 


"P-patawarin mo ako at w-wala akong nagawa upang m-mahanap ka anak, h-hindi ko alam kung mapapatawad mo ako p-pero araw a-araw kitang pinagdadasal na sana ay maayos ang i-yong lagay at salamat sa Panginoon at pinakinggan niya ako." Hinaplos niya ang mukha ko at titig na titig siya sa akin tila hindi pa rin makapaniwala na nasa harapan niya ako ngayon. 


"Mabuti naman p-po at nandito pa rin po kayo manang," tumango siya at pinunasan ang mukha ko na puno ng luha. 


"Hindi talaga ako umalis, kahit ayaw ko kay Viola. Naniniwala kasi ako na babalik ka dito at gusto ko ay nandito pa rin ako para ipagtanggol ka p-pero mukhang maayos at kaya mo na ang sarili mo Rei, lumaki kang malakas kagaya ng iyong magulang." Proud na sabi sa akin ni manang. 


"Marami po akong gustong i-kwento pero marami din po akong kailangan gawin manang." Tumayo ako ng maayos habang sinasabi iyon.

Finding CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon