Kabanata 34

137 17 0
                                    


"Open your eyes." 


Sinunod ko ang sinabi ni Anna at napangiti ako nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin. I'm glowing, hindi halata na naka-make up ako it looks natural, she enhance my eyes may wing na nakalagay sa dulo ng mata ko at may manipis na doll look false eyelashes, sa labi ko naman ay natural pink lang 'yun. I touched my hair naka-fishtail ito pero may mga nakalaylay na iilang buhok sa paligid And she curled it. May mga butterfly clips sa paligid ng buhok ko at syempre hindi mawawala ang blue ribbon ko. 


"I look," 


"Like a princess." Dugtong ni Anna sa akin, napatingin ako sa kaniya. "Well I tired to make it simple but you are really beautiful sinabihan nga ako ni sir Harrison na 'wag ka masyadong pagandahin but look like I fail." Natatawa niyang sabi. 


Namula ako sa sinabi niya at tinitigan ulit ang sarili. "Thank you." Ngumiti lang si Anna at inalalayan ako makatayo. 


"Let's get you dress, magsisimula na ang party." 


Tinulungan nila akong suotin 'yung dress na bigay ni Harry, nag-suot din ako ng earrings, bracelet at necklace kasama iyon sa bigay ni Harry. Nahirapan nga lang ako sa heels, kahit 4 inch lang 'yun medyo natutumba ako hindi naman kasi ako sanay magsuot ng heels, it's a transparent stiletto na may malaking ribbon sa harap mukha siyang glass shoes. Tinignan ko ulit sa huling pagkakataon ang itsura ko hanggang sa inabot sa akin ni Anna 'yung maskara. 


"You need to wear this para naman matago ang ganda mo." Natawa ako habang sinusuot ang maskara. 


"Thank you so much, Anna." Nag-aayos na sila ng gamit. Tumingin ako sa orasan at nakita kong ala-sais na, grabe ang tagal ko din pala sure ako may mga tao na sa ibaba dahil six-thirty ang dating nila Harry dito. 


"Welcome! Sige na bumaba ka na, show them what you've got!" Tumango ako at lumabas ng kwarto ni Harry. 


Agad na sumalubong sa akin ang tunog mula sa ibaba, at gaya ng inaasahan ko ay may mga tao na sa ibaba at marami na, bigla akong kinabahan. Paano naman ako bababa dito na hindi napapansin? Sumilip muna ako at nakita ko sila madam na busy kuma-usap sa mga bisita at wala naman nakatingin sa hagdanan kaya mabilis akong tumakbo pababa muntik pa nga ako madapa dahil sa heels na suot ko, nakahinga lang ako ng maluwag nang wala talagang nakapansin sa akin. 


Nilibot ko ang paningin ko at hinanap sila Lina, alam ko naman itsura ng damit nila kaya agad ko siya nakita, nandoon siya sa may malapit sa buffet at may mga kasama sila Mayette yata 'yun kaya naglakad ako papunta sa kanila.


"Hi miss," 


"May I know your name?" 


"I believe we haven't met." 


Natagalan pa ako dahil may mga lalaki na humarang sa akin pero mabilis ko silang tinanggihan at iniwasan, pagkalapit ko sa kanila ay kakausapin ko sana sila pero bigla silang tumabi sa gilid at tumingin sa akin. 

Finding CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon