"I like you, Agatha. The moment I laid my eyes on you, I fell inlove."
"pero.."
"No buts. I like you and I'm gonna court you." pagkatapos ay niyakap ng mahigpit ni Simon ang babaeng mahalaga sa kaniya.
Kahit hindi pa ako tapos sa binabasa ko agad ko 'yun sinara ng marahas. Pinaypayan ko ang mukha ko dahil ang init ng pakiramdam ko, feeling ko ay namumula na ako sa paksang binasa ko, bakit ba kasi puro ganito ang nahihiram kong libro? Si Mayette talaga, ang hilig sa ganitong libro.
Tumingin ako sa paligod, buti na lang at ako lang mag-isa dito sa may kusina si Lina ay busy na naman lambingin si Pedro at hindi niya na ako iaya dahil kanina pa ako wala sa sarili at nakakainis 'yun. Buti na lang talaga at hindi na nagtanong si Lina dahil hindi ko alam ang isasagot ko.
Naglabas ako ng isang malalim na buntong hininga hindi ko alam kung pang-ilan na 'yun ngayong umaga pero parang ang bigat pa din ng dibdib ko. Ang gulo ng utak at puso ko at nasasaktan ako sa hindi ko malaman na dahilan, o dahil natatakot ako?
Natatakot ako na isa lang panaginip ang nangyari kagabi, masakit dahil alam kong hindi ako karapat dapat parakay senyorito.
Pagkatapos niya kasing sabihin na gusto niya ako ay mabilis akong tumakbo atiniwan siya sa kusina, wala akong sinagot sa kaniya basta bigla na lang gumalaw ang paa ko at tumakbo palayo sa kaniya, Akala ko nga ay hahabulin niya ako. Tapos kaninang umaga ay sinadya ko na ma-late ang gising, lumabas na ako sa maid's quarter 'nang masiguro kong umalis na si senyorito, hindi ko alam kung kaya ko siyang harapin.
Nahihiya ako dahil pakiramdam ko ay ang bastos ko dahil sa biglaang kong pag-iwan sa kaniya, nabigla naman kasi ako at hindi ko alam kung ano ang isasagot. Sinabi niya na gusto niya raw ako at nablanko ang utak ko, hindi ko inakala na sasabihin sa akin 'yun ni senyorito.
Sino ba ako? katulong lang nila ako dito at siya ay amo ko, hindi kami bagay at ano ba ang kagusto gusto sa akin? Teka.. baka naman ang ibig niyang sabihin ay gusto niya lang ako bilang kaibigan?
Napanganga ako sa naisip ko at pumikit ng mariin sabay batok sa sarili ko.
"Ang tanga mo Cindy! Malay mo walang ibigsabihin ang sinabi niya!" mahina kong sermon sa aking sarili.
Gusto ko din naman si senyorito, pero bilang kaibigan! baka iyon din ang ibig niyang sabihin at nalagyan ko lang ng malisya! Pambihira naman kasi lagi kasi siyang nag-eenglish kaya iba ang dating sa akin.
Ang tanga mo naman CIndy! Tinakbuhan ko si senyorito, ang amo ko dahil sa katangahan ko! Kung ano ano kasi ang iniisip ko, ang bastos ko, ang tanga ko! Nakakainis naman! Baka naman ay masisante na niya ako dahil sa ginawa ko? hala! kailangan ko ang trabaho na 'to.
Tapos ay baka maisip pa niya na assumera ako! Jusko naman kasi Cindy, 'yang katangahan mo talaga, nasobrahan siguro talaga ako sa kababasa ng pocket book. Mabilis kong binitawan at tinulak palayo ang pocket book na hawak ko.
BINABASA MO ANG
Finding Cinderella
RomanceA typical fairytale love story. Cindy believes that that are kindness in every people's heart. Despite the hardships that the universe given her she always choose to be kind. And now she met her prince charming. A maid. A prince. Different status...