Kabanata 12

151 12 0
                                    




Ilang araw ang lumipas ay gumaling na ang likod ko at nakaka-galaw na ako ng maayos pero kahit na ganoon ay binabantayan pa rin ako ni senyorito, minsan nga eh siya pa din ang gunagawa ng trabaho ko lalo na sa garden masyado yatang nag-enjoy.


Mabuti na lang talaga at hindi kami nahuhuli o walang nagsasabi kay manang kapag nakikita nilang nag-tatrabaho si senyorito, baka binalaan ni senyorito na 'wag magsabi kasi alam niya ako ang mapapagalitan. Binisita pa nga ako ni Carlito 'nang nalaman niya ang nangyari sa akin, buti na lang at wala siyang dalang mangga kasama ko pa naman si senyorito noong dumalaw siya kaya good mood si senyorito.




"Cindy mag-gogrocery ako ikaw na muna ang maglaba, kaya mo ba?" Tanong sa akin ni manang, nakatambay ako sa kusina hindi ko kasama si senyorito dahil may ginagawa sa kwarto.


"Sige po manang, kaya ko po."


"Mabuti naman nasa labahan na ang mga damit. O'siya alis na ako." Tinawag niya ang isa sa mga driver para samahan siya.


"Ingat po!" Pagka-alis ni manang ay dumiretso na ako sa labahan sa likod ng kusina.


Bumungad sa akin ang dalawang basket na puno ng damit, mukhang kay senyorito 'to pambata kasi ang itsura. Hindi naman mahirap maglaba lalo na naka-washing machine dito at may dryer pa. Magsisimula na sana ako punuin ng tubig ag washing machine pero hindi ko makita kung nasaan ang hose kaya mag-iigib na lang ako gamit nitong timba.


Nakatingin ako sa timba at hinihintay 'yun mapuno. Sa paglalaba kasi ay ako lang minsan ang inuutusan ni manang ayaw niya kela Lina at baka amuyin daw ang damit ni senyorito, alam na alam talaga ni manang mga kalokohan nila Lina.


Nasa pangalawang timba na ako 'nang biglang may tumawag sa pangalan ko.


"Cindy? Where are you?" Boses ni senyorito na nangagaling sa kusina.


"Nandito sa labahan!" Sigaw ko.


Lumabas si senyorito galing sa kusina at agad na kumunot ang noo niya 'nang makita ako. Dahan dahan siyang naglakad palapit sa akin.


"What ate you doing?"


"Naglalaba po." Nakangiti kong sagot. Mukhang bagong ligo kasi na-aamoy ko na naman 'yung pabango niya. Bubuhatin ko na sana 'yung timba na may tubig nang inagaw niya sa akin 'yun.


"Let me do that." Sabay buhos ng laman sa washing machine.


"Salamat." Siya na din ang nagbulas ulit ng gripo.


"Bakit ikaw ang naglalaba? Kaya mo na ba?" Tanong niya sa akin.


"Kaya ko na senyorito tsaka umalis si manang kaya sa akin niya inutos."


"But your back." Nag-aalala niyang sabi. Natawa ako masyado siyang nag-aalala sa likod ko, araw araw niyang pinapaalala na bawal daw ako sa ganito, mag-ganito.


"Magaling na senyorito hindi na masakit."


"But.."


"Okay na talaga, may salonpas pa kasi si Lina nilagyan pa pero okay na talaga wala ng sakit." Tinitigan niya lang at parang nag-aalala pa rin siya. Natanggal lang ang tingin niya nang mapuno ang timba ng tunig at nilagay niya ulit 'yun sa washing machine.


Habang pinupuno niya ng tubig iyon ay busy na ako maghiwalay ng puti, de color at mga underwear. Binuksan ko na din ang isang timba ng detergent para handa na lahat.



Finding CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon