Agad kong naramdaman ang lamig ng aircon pagkapasok namin sa isang malaki na rotating glassdoor ni senyorito, kahit maliwanag pa sa labas ay nakabukas na ang lahat ng ilaw nila dito kaya sobrng liwanag tignan, may isang malaking chandelier din sa gitna ng lobby.Agad naman siyang binati ng security guard, ganoon din ang mga empleyado na napapdaan sa amin, may isang malaking desk at sa likod nito ay may malaking nakalagay na 'Mondragond Empire' may dalawang magaganda at magagarang babae na nakatayo sa likod 'nun at busy sa mga gingawa gaya ng pag-tatype sa laptop atv pagsagot ng tawag, napadaan kami sa gilid nila kaya kahit busy ay binati nila si senyorito.
"Good morning, Sir Mondragon." Magalang at sabay na bati ng dalawang babae, tinanguhan lang sila ni senyorito.
"This is our lobby, and thos two women are our receptionist." Sabi niya sa akin habang nililibot ko ang paningin ko, malaki iyon at may mga sofa pa na marami mukhang masarap tumambay dito at matulopg lalo na malamig.
Nagpatuloy kami maglakad at bawat may madaanan kami ay kusa silang humahai na parang ginagawan ng daan si sneyorito, akala ko sa tv at sa libro lang 'to nangyayari pero sa totoong buhay din pala, halatang nirerespeto siya dito sabagay mataas ang posisyon nya tapos anak pa siya n may-ari. May iba na napaptingin sa akin pero agad din umiiwas ng tingin sa bagay sino ba ako para pagtuunan ng pansin.
Laking pasasalamat ko kay Lina at pinagpalit niya ako ng damit dahil kapag nagkataon ay lalo akong manliliit sa suot ko atleast sa dress na pinahiram niya ay kahit papano walang makakaalam na maid ako ni senyorito.
"Let's go to my office first before i tour you." Tumango lamang ako tapos pumasok kami sa elevator, akala ko may sasabay pa sa amin pero agad 'yon sinarado ni senyorito.
May pinindot siya doon at biglang gumalaw ang elevator at dahil hindi naman ako sanay sa ganito lalo akong napakapit sa kaniya, para akong nalula bigla!
"Oh sorry were you shocked? Are you scared?" Tanong niya kaagad sa akin.
"Ay hindi nagulat lang ako hindi naman kasi ako sanay dito." Medyo nahihiya kong sabi.
"Don't worry you'll get used to this." Nanahimik na lang ako at nakahinga ng maluwag 'nang biglang bumukas ang elevator, agad naman may babae na naka puting longsleeves at naka pencil skirt ang sumalubong sa amin.
"Good morning Mr. Mondragon." Magalang na bati ng babae sabay kuha sa brief case na hawak ni senyorito.
"Did you clear my schedule?" Seryoso na tanong ni senyorito sa babae at naglakad kami.
"Yes sir, but there's someone who kepp insisting to meet you today." Sagot 'nung babae na nasa likod namin, kumunot naman ang noo ko. Nag-uusap sila pero bakit naglalakad? Hindi pa sila nagkakatingin.
Bigla naman ako huminto maglakad kaya ganoon din si senyorito dahil nga naka-kapit ako sa kaniya.
"Why did you stop?" Nagtataka niyang tanong sa akin. Tinanggal ko ang pagkaka-kapit ko sa kaniya aangal sana siya pero bigla ko siyang pinatalikod at hinarap sa sekretarya niya na nakahinto din.
"O ayan mag-usap kayo ng face to face 'wag naman habang naglalakad." Tapos umayos ako ng tayo sa gilid ni senyorito.
Napatulala naman sila sa ginawa ko at walang nagsalita sa kanilang dalawa, gulat naman ang ekspresyon ng sekretarya niya habang nakatingin sa akin mukhang ngayon lang ako napansin. Biglang tumikhim si senyorito at tumawa ng mahina.
BINABASA MO ANG
Finding Cinderella
RomanceA typical fairytale love story. Cindy believes that that are kindness in every people's heart. Despite the hardships that the universe given her she always choose to be kind. And now she met her prince charming. A maid. A prince. Different status...