Kabanata 41

140 9 1
                                    



"How's my daugther, professor?" Narinig kong tanong ni ninong sa teacher ko pagkalabas ko ng study room. 


"She is smart attorney, halatang mana sa iyo." Sagot naman ng pinaka huli kong teacher. 


"Thank you for today, see you again." Nakasilip lang ako sa kanila ni ninong at pagka-alis ng teacher ko ay mabilis akong lumapit kay ninong, nakangiti siyang sinalubong ako. 


"You did great. Snacks?" Kumawit ako sa braso niya at sabay kaming bumaba papunta sa kusina. 


"Hindi naman po ako napagod, naka-upo lang naman po ako maghapon." Masigla kong sagot sa kaniya. Tumango siya at sabay na umupo sa may sala kung saan nakahain ang miryenda na pinahanda ni ninong. 


"Thank you po ate Chona!" Masaya kong sabi sa kasambahay ni ninong, halos magkasing-edad lang sila ni ninong pero ang bata pa rin niyang tignan. Siya lang mag-isa ang nag-tatrabaho dito. 


"Kumain ka ng mabuti Rei para mas lalo kang tumalino." Nakangisi niyang sabi. 


"Talagang matalino 'yan, sa akin nag-mana eh." Mayabang na sabi ni ninong, bigla naman nawaala ang ngiti ni ate Chona at sinamaan ng tingin ang ninong ko. 


"Che! Mabulunan ka sana Alfredo!" Masungit niyang singhal kay ninong at naglakad na papalayo sa amin, si ninong naman ay wala pang kinakain ay nabulunan nga kaya mabilis kong inabot sa kaniya ang baso ng juice. 


"Damn that woman," galit pero nakangiting sabi ni ninong habang sinusundan ng tingin si ate Chona, medyo kinilig naman ako sa kanila. 


Noong bagong dating ako ay nagulat ako nang pagkapasok na pagkapasok namin ni ninong ay biglang may sumalubong sa amin na babae na may ahwak na walis tambo at biglang pinalo si ninong gamit 'yon sa sobrang gulat ay natulala na lang ako at pinanood silang dalawa hindi ko nga natulungan si ninong eh.


"Woman! Stop hitting me, I'm your boss!" Malakas na singhal ni ninong sa babae.


"Wala akong pake! Naka-buntis ka na naman ba?! Pang-ilan na ba 'yan na aabutan ko sa bahay mo?! Malandi ka kasi at makati!  Ikaskas mo na lang 'yan sa pader kaysa naman ikalat mo ang babaero mong lahi!"  Galit pa rin na sigaw ng babae. 


"Inggit ka ba?! Tara dito at bubuntisin kita!" Napatigil ang babae pero bigla siyang namula at sa tingin ko ay hindi sa kilig iyon, kung 'di sa galit. 


"Malibog!!!!"


Siguro mga sampung minuto ko sila pinanonood, ang astig nga ay kahit galit kay ninong 'yung babae, nakangisi lang si ninong sa kaniya at nakangiting umiiwas sa bawat palo ng babae, mukhang may lovelife si ninong ah? Nang mapagod sila ay lumapit sa akin ang babae, ngayon ko lang siya natitigan, maganda siya para sa isang kasambahay. She has long hair and a gentle eyes, despite of all the shoutings and hitting ay nararamdaman kong mabait siya, kahit medyo may edad ay hindi halata parang ngang ate ko lang siya eh, mature lang siyang tignan.

Finding CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon