Kabanata 32

137 8 0
                                    


"Ingat ka Cindy!" Kinawayan ko si Lina bago pa tuluyan na makalabas sa malaking gate ng Mondragon. 


Huminga ako ng malalim at pumara ng jeep at sumakay, pinanood ko lumayo ang sinasakyan kong jeep sa Mondragon, for the first time ngayon lang ako aalis ng mag-isa at lalayo. Inayos ko ang hinangin ko na buhok at huminga ng malalim bago kumuha ng pera para pambayad sa jeep. 


"Magkano po pamasahe sa kabilang bayan?" Tanong ko sa matandang babae na katabi ko. 


"Singkwenta, iha." Kumuha ako ng pera at inabot 'yun. 


It's my day-off today at naisipan kong bumalik sa mansyon namin, hindi kasi ako mapakali. Ilang linggo din ako nag-pahinga, mabuti nga at pinayagan pa akong mag-day off ni manang, sinabi ko kasi may pupuntahan ako. Ilang linggo ako nag-isip kung saan ako magsisimula. I need to do something, I need a starting point. Hindi pwede na puro katanungan lang ako sa sarili ko, kailangan ko makita kung ano na ang lagay ng mansyon, doon ako magsisimula. 


Hindi ako magpapakita sa mga tao doon kaya nga nakahiram akong sumbrero at salamin kay Lina, baka sakali kasi may makakita sa akin doon at makilala ako, hindi pa pwede malaman nila Tita Viola na ako ang hinahanap nila, na ako si Rei. 


Akala ko nga ay hindi ako matutuloy sa lakad ko, paano ba naman si Harry gusto akong samahan dahil baka daw mapano ako, wala naman sigurong kabayo hahabol sa akin sa mansyon dahil sa pagkaka-alala ko ay flower plantation lang ang meron kami. Tumakas nga lang ako dahil nagkaroon siya ng emergency sa kumpanya nila at kinailangan niyang asikasuhin 'yun. 


Ang tagal niya kasing um-absent para alagaan ako at nahihiya na talaga ako kayla Madam, hindi din nasundan ang pagsabay ko sa kanila sa hapag dahil inuunahan ko na sila kumain at hindi ako natutunawan sa nerbyos kapag sila ang kasabay ko. 


Tumingin ako sa bintana at napangiti ako sa aking sarili, naalala ko ang mga daan nito, kapag pumapasyal kami nila daddy ay dito ang daan namin. May mga nagbago din, may mga bagong tayong establishment. Isang oras din ang tinagal ng byahe namin, bumaba ako sa bababaan ng jeep at naglakad papunta sa mansyon. 


Sinuot ko ang sumbrero at salamin na dala ko, nasa may bayan kami, dito minsan namamalengke si manang at pati na din ako, noong tinutulungan ko si manang sa gawain ng bahay lahat talaga ay natutunan ko kahit pamamalengke. 


Bumigat ang pakiramdam ko at nanggild ang luha. 


How I miss this place, this is where I grew up, this is my home. Almost nine year, ngayon lang ulit ako nakabalik. Sinulit ko ang paglalakad at binisita ang mga lugar na dati kong pinupuntahan, so far wala pa naman ako nakaksalubong na kilala ako o kakilala ko. 


Nang malapit na ako sa mansyon ay unti unting bumagal ang lakad ko. Kaya ko ba? Nandoon pa kaya si manang? 'Yung mga trabahador kaya namin nandoon pa? Madami kayang nagbago? Hanggang nakita ko na lang ang sarili ko na nasa harap ng isang maataas na bakal na gate, ang gate ng aming mansyon. 


Tumulo ang luha ko at agad ko 'yung pinunasan. 


Finding CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon