"You ingrate! Lumayas ka sa pamamahay ko!"
I tried to stay, i ignored the coldness from the rain. Kahit ang lakas ng kidlat at kulog ay hindi ako gumalaw, ayokong umalis, kailangan kong ipaglaban ang bahay namin, ang iniwan sa akin ni mommy pero hindi ako nakatiis, I'll die if i stayed there.
Dahil malakas ang ulan wala akong makitang mga sasakya, yakap yakap ko ang sarili ko habang naglalakad sa gilid ng kalsada, waiting for someone who will help me, then minutes become hour ang layo na ng narating ko at hindi ko alam kung nasaan ako, basta daan lang ang nakikita ko, konti nga lang ang street lights at nanlalabo na din ang paningin ko dahil sa tubig ulan na may kasabay na luha. Hanggang sa bigla na lang bumigay ang katawan ko at hindi ko na maalala ang nangyari.
Then I woke up I'm here at the Mondragon's. Ilang taon akong nakalimot, ilang taon ang nasayang dahil sa amnesia ko, sobrang lakas ba ang pagkakabagsak ko at nakalimutan ko ang lahat? Pati ang pangalan ko nakalimutan ko. I need to know what causes my amnesia.
Hinawakan ko ang sarili kong mukha habang titig na titig sa sarili kong repleksyon. Yesterday, I'm just Cindy, a simple maid who has no family na masaya ako kasama sila Lina at sila manang na sila ang kinikilala kong pamilya pero ngayon I don't see Cindy anymore, it's Rei, the lost heiress of the Del Valle.
Funny how life works. It's really çomplicated.
"Maganda ka na Cindy, baka naman matunaw ka sa kakatitig sa sarili mo."
Lumingon ako kay Lina na nakangisi habang pinapanood ako, pilit akong ngumiti alam kong pinapasaya niya lang ako napansin niya kasi ang pagiging tahimik ko, baka akala niya ay iniisip ko pa rin ang nangyare sa amin ni Stephanie.
"Hindi ka pala muna pinapapasok ni manang, magpahinga ka daw ng isang linggo hindi biro din kasi ang nangyari sayo kaya 'wag ka daw masyado gumalaw." Dugtong ni Lina habang nag-aayos ng sarili.
"Sige, salamat Lina." Ngumiti siya at nag-paalam na na aalis.
Habang ako naman ay bumalik sa higaan ko at umupo, tinitigan ko ang mga sugat at pasa ko na halatang halata pa rin medyo hirap pa akong gumalaw dahil masakit pa ang balakang ko pero kaya ko naman mag-gagalaw.
'Mommy, what should I do?" Tanong ko sa hangin habang nakahawak sa aking puso, hindi ko alam kung saan ako magsisimula, kung paano ako makakabalik sa buhay ko.
All this time, I'm living in a world full of lie, I thought I belong here pero hindi pala, i should be there protecting my parents legacy pero anong ginawa ko? For eigth years I lived a happy life, wala akong inisip na proble, I lived in peace and I don't deserve it.
I want to go back. I will go back.
I need a plan, hindi naman pwede na bigla ko na lang sabihin na ako ang hinahanap nila lalo na at mahihirapan silang paniwalaan ako, at nandiyan pa sila tita Viola at Stephanie alam kong gagawin nila ang lahat para ma-secure sa kanila at lahat ng mamanahin ko kailangan kong gumalaw ng mabilis pero malinis. How can I prove to them that I'm Rei?
BINABASA MO ANG
Finding Cinderella
RomanceA typical fairytale love story. Cindy believes that that are kindness in every people's heart. Despite the hardships that the universe given her she always choose to be kind. And now she met her prince charming. A maid. A prince. Different status...