Kabanata 9

148 8 0
                                    




Maaga kaming ginising ni manang at kinausap bago kami magsimulang mag-trabaho. Nasa may labas kami ng maid's quarter at nakapila kaming lahat, may mga huhikab pa ako mga hindi nakagayak at kasama na ako doon, paano ba naman napuyat na naman ako gabi na gabi na kasi kami nagkikita ni senyorito sa kusina.


Bilib nga ako sa kaniya, ang hilig niyang mag-puyat pero maaga pa rin siya nagigising at pinapanood pa rin ako magtrabaho sa hardin nila. Kaya kami pinatawag ni manang ay para sabihan kami kung anong naka-toka sa amin, bukas na kasi magaganap ang party, nakapag-linis na kami ng mansyon, may mga dadating na kasi mamaya mga gamit pang-ayos sa buong mansyon.


"Bukas na gaganapin ang party ni senyorito at kailangan niyong malaman ang mga gagawin niyo bukas." Panimula ni Manang.


"Hindi tayo pwede pakalat kalat sa party, may mga kinuha din na mga waiter at waitress sila madam at sila ang mag-aasikaso sa mga bisita ang gagawin lang natin ay tumayo sa mga gilid at magbantay at kapag may kalat sa bahay o may nabsag na kung ano agad niyong linisin."


"Yown! Buti naman akala ko magkukulong lang tayo sa maid's quarter." Masayang bulong sa akin ni Lina. Tumikhim si manang at masama na naman ang tingin kay Lina, nakita yata na nagbubulungan kami.


"Hindi tayo bisita! Maid pa rin tayo, at ang iba diyan 'wag na mag-aksaya ng oras para magpa-ganda wala naman papansin, ikaw ang tinutukoy ko Lina."


Natawa kaming lahat sa sinabi ni manang, alam na alam niya talaga kung anong gagawin ni Lina bukas, nakaready na nga ang pang-make up siya sa kwarto eh.


"Manang naman dapat lang presentable kaming tignan!" Nakangusong sabi ni Lina.


"Oo naman pero maghunus dili ka sa makeup at baka matakot ang mga bisita sayo." Mataray na sagot sa kaniya ni manang at nagtawanan ulit kami.


"Sus makita mo bukas Cindy, sangkatutak na spray net na naman ang buhok ni manang." Bulong niya sa akin at sinaway ko siya baka marinig pa siya ni manang.


"Manahimik ka na Lina baka marinig ka pa." Saway ko ulit sa kaniya.


May iilan pang sinabi si Manang at kung saan kami lulugar sa mismong party, nilagay ako ni Manang sa loob ng mansyon kung saan ang party nagulat nga ako na kasama ko si Lina, mas maganda daw kasi na mga bata ang nasa loob para madali daw kaming makagalaw.


Pinaalis na kami ni manang para bumalik sa trabaho, si Lina ay masayang masaya sa sinabi ni manang kaya ayon kay manang muna dumikit para lambingin, sabi ko nga eh tigilan niya baka bigla magbago ang isip. Maaga pa lang ay madami ng truck na dumadating sa mansyon mga delivery ng mga gamit para sa party.


"Excited ka bukas senyorito?" Tanong ko sa kaniya habang nagdidilig. As usual pinanonood niya na naman ako.


"Not really."


"Bakit naman? Kami nga mga katulong excited kasi makakakita kami ng sosyal na party." Masaya kong sabi sa kaniya.


"I'm not really fond at parties, Cindy but it's good that this party excites you. What will you be doing tomorrow?"


"Nasa may loob po ako kasama si Lina, mag-aasikaso din po ng mga guests." Sagot ko sa tanong niya.


"Oh good atleast you're there."


"Pupunta din ba ang mga kaibigan mo?" Kumunot agad ang noo niya sa tanong ko.


"Why?" Seryoso niyang tanong.


Finding CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon