"Cindy, Good morning."Muntik ko 'nang mabitawan 'yung pinggan na bitbit ko sa biglaang pag-sulpot ni senyorito sa loob ng kusina, nanlaki ang mata ko bakit siya nandito? At bakit binati niya ako ng 'good morning' sa harap nila manang?!
Natigilan namann sa pag-tatrabaho sila manang dahil sa biglaan na pag-sulpot ni senyorito, si Lina naman ay nginisihan ako.
"M-magandang umaga din senyorito." Sagot ko baka kasi mapagalita ako kapag hindi ko siya pinansin.
"That look heavy, let me help you." Bago pa ako makatanggi ay na-unahan na ako ni manang na nagmamadaling lumapit sa amin dalawa.
"Nako iho! 'Wag na kaya na ni Cindy 'yan!" Saway ni manang sa kaniya, tumango naman ako at tama naman ang sinabi ni manang kaya ko na 'to.
"But I want to help her." Pilit pa ni senyortio, napansinghap ang mga kasamahan ko habang si Lina ay parang kinukryente na nangingisay, ang laki din ng ngisi niya sa mukha.
"Senyorito k-kaya ko na 'to." Ako na ang sumagot, naka-suit na kasi siya at mukhang papasok siya sa trabaho.
Hindi pa kami tapos maghain para sa almusal nila pero agad na siyang bumaba, bago 'yun dati kasi hinihintay niya na muna tawagin siya ni manang bagi bumaba. Ilap na ilap tuloy ang mga kasamahan namin at nag-mamadali maghain sa hapag kainan.
"Are you sure?" Tumango lamang ako at umalis na para ilagay 'yun sa lamesa.
Napansin ko na nagtatanong ang tingin sa akin ng mga kasamahan ko pero hindi ko na 'yun pinansin. Ano bang meron kay senyorito? Kadalasan ay nag-uusap lang kami kapag kaming dalawa lang at ayoko na makita nila manang na close kami ni senyorito, si Lina lang ang nakakaalam na mag-kaibigan kami ni senyorito.
Kagabi ay hindi kami nagkita ng madaling araw ni senyorito, sinabi niya kasi na magpahinga muna daw ako dahil napagod akong maghanap ng ribbon ko kaya pumayag na din ako, hindi ko din masyado naka-usap si senyorito 'nun dahil nagkulong siya sa kwarto niya mukhang napagod talaga siya.
Nagulat nga sila manang noong sinabi ko na si senyorito at nakahanap ng ribbon ko, gaya ko ay hindi din nila alam na tumutulong pala sa paghahanap si senyorito. Nag-pasaamat din ako sa lahat ng tumulong at masaya sila na nahanap ko na ang ribbon kaya tuwing umaga ay laging chinecheck ni Lina ang pagkakatali ng ribbon ko baka daw kasi maluwag na naman at mawala na ng tuluyan.
"Did you sleep well?" Napatalon ako sa gulat pagkabalik ko ng kusina at nandoon pa rin si senyorito.
"H-ha?" Seryoso ba siya? Tinatanong niya sa akin 'yun?
"Nakatulog ka ba ng maayos, Cindy?" Malaki ang ngiti niya habang inulit at tinagalog ang tanong niya.
Pasulyap sulyap sa amin si manang kaya hindi ako makasagot agad, nahihiya ako! Bakit ganiyan siya makipag-usap sa harap nila manang?
"A-ah o-opo." Ilang kong sagot sa kaniya, tumawa siya at tumango.
"That's good. How about your ribbon? Is it properly tied?" Nagulat na naman ako dahil biglang niyang hinawakan ang buhok at dahan dahan na hinaplos 'yun hanggang sa ribbon ko.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil napanganga na si manang-- hindi lang pala si manang pati sila Mayette sa ginawa ni senyorito, sobrang lapit namis sa isa't isa! Si Lina ay tawa lang sa isang gilid.
"Ha?! Ano! Oo..ayos na ang pagkakatali." Tapos bahagya akong lumayo.
Ano bang nangyayari? Bakit siya nagkakaganito? Hindi ba siya nahihiya kela manang na kinakausap niya ako na parang magkaibigan kami? Magkaibigan naman talaga kami pero ayoko ipakita sa harap nila manang at baka ano pa isipin lalo na sa mga kasamahan ko baka ma-issue pa kami.
BINABASA MO ANG
Finding Cinderella
RomanceA typical fairytale love story. Cindy believes that that are kindness in every people's heart. Despite the hardships that the universe given her she always choose to be kind. And now she met her prince charming. A maid. A prince. Different status...