Kabanata 28

136 11 0
                                    



"Alfred, buti napadalawa ka." Natigil kami sa paglalaro ni daddy 'nang biglamng dumating ang kaniyang matalik na kaibigan, binuhat ako ni daddy at lumapit sa kaibigan niya. 


"Leon, dinalaw ko lang ang cute at maganda kong inaanak." Tapos ay kinurot niya ang aking pisngi. 


"Bless po, nongnong." Bulol ko pang sabi. 


"Tara sa veranda?" Aya ni daddy sa kaniya. Nagkwentuhan sila tungkol sa bagay bagay habang papunta sa veranda hindi ko pa masyado maintindihan dahil busy ko laruin ang balbas ni daddy.


"Si Reina?" Tanong ni ninong Alfred pagka-upo nila, nanatili lang ako sa hita ni daddy. 


"Nasa garden yat-- ayun pala, Love! Andito si Alfredo." Naka-simpleng dress na puti ang aking ina na busy tumulong kay manang sa gawain bahay pero 'nang tawagin siya ni daddy ay agad siyang lumapit sa amin. 


"Alfredo, kamusta? Napadalaw ka." At kinuha ako ni mommy mula kay daddy.


"Dinalaw ko lang ang inaanak ko at kinakamusta kayo." Umupo na din si mommy sa tabi ni daddy.


"Mabuti naman,. Si Leon kasi ayaw na iwan ang Rei namin gusto lagi makipag-laro sa anak." Pang--aasar ni mommy kay daddy, inakbayan siya ni daddy at marahan na kinurot ang pisngi ko. 


"Namimiss ko kasi ang prinsesa natin love hayaan mo na ko." Nakangusong depensa ni daddy sa sarili. 


"Fatherhood suits you Leon."  Tumawa ng malaks ang daddy. 


"Mag-asawa ka na din kasi, masarap sa pakiramdam ang may sariling pamilya Alfredo." Tumawi din si ninong.


"Sige, mamaya ay hahanap na ako ng bubuntisin." Agad kong naramdaman na tinakpan ni mommy ang aking tenga. 


"Shh! May bata! Kayo talagang magkaibigan." At tumayo siya. "Mag-kwentuhan muna kayo at maghahanda ako ng merienda niyo." 



"Last will?! Teka lang Alfredo anong pinagsasasabi mo at bakit ka nandito?!" Galit na sigaw ni ma'am Viola kay Attorney. Malamig na bumaling sa kaniya ang attorney pagkatapos makipag-kamay kela madam.


"Baka nakakalimutan mo Viola? Ako lang ang lwayer ng mga Del Valle at may balita pa rin ako sa inyo. Saan mo ba napulot ang mga abogado na 'to at mukhang walang alam?" Marahas na sabi ni attorney at masamang tinignan ang dalawang lalaking kasama ni ma'am Viola. 


"They are our new attorney kaya hindi ka namin kailangan dito!" 


"Kailangan ako dito dahil may mahalaga akong sasabihin." Hindi pinansin ni attorney ang pagwawala ni ma'am Viola at umupo na din. 


Finding CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon