Kabanata 44

159 12 0
                                    


Matipid ang kain ko at dahan dahan, napatingin ako kay Harry na naka-upo sa harapan ko na kasalukuyan parang sundalo sa sobrang tuwid ng pagkaka-upo pero nang mapansin niya na nakatingin ako sa kaniya ay kinindatan niya ako kaya hindi ko napigilan na mapangit ulit, pero agad din nawala nang marinig namin ang malakas na tunog mula sa pabagsak na paglapag ni ninong ng baso niya. 


Masama ang tingin niya kay Harry, nagpatuloy siya kumain at ang ingay dahil halos mabasag ang plato sa sobrang diin ng pag gamit ni ninong ng tinidor at kutsara. 


"Napaka-kisig naman ng kasintahan mo anak!" Masayang sabi ni manang habang titig na titig kay Harry.


"Salamat po." Magalang na sagot ni Harry. 


"At magalang pa! Ano pangalan mo iho?" Nagsimula na mag-interview si manang. 


"Harrison Maximus Mondragon po," agad na sagot ni Harry. 


"Tss." Narinig kong side comment ni ninong na halos patayin sa tingin si Harry.


"Bagay na baya sa iyo ang pangala mo, parehong gwapo!" Todo puri naman si manang sa kaniya. Sa bagay malaks ang charms ni Harry sa mga babae kahit anong edad, nalala ko pa noon na niloloko nila Lina si manang Soleng kay Harry dati. 


"Mas gwapo ako." Narinig kong bulong ni ninong. 


Natawa na lang ako at nagpatuloy na sa pagkain, hindi pa rin tinigilan ni manang si Harry at ang daming tanong, tahimik lang ako nakikinig at natutuwa dahil kumportable siya dito kahit minsan ay binbara siya at sinusungitan ni ninong. Sa kalagitnaan ng pagkain ay sabay sabay kaming napatingin sa hagdanan, nakita namin na pababa sila tita Viola at Stephanie, natigilan sila ng makitang kumakain kami at lumipat ang tingin nila kay Harry. Tumayo si Harry bilang pagbati sa kanila pero walang reaksyon ni tita Viola habang si Stephanie ay tinutunaw sa tingin si Harry.


"Good morning tita Viola, Stephanie. Sabay na po tayo mag-breakfast." Pagbasag ko sa katahimikan, narinig kong tumikhim si ninong at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko. 


"Ayaw ko kayong kasabay at baka hindi ako matunawan." Sagot sa akin ni tita Viola at inirapan kami bago nilibot ang paningin sa buong mansyon, biglang nalukot ang mukha niya at nanlilisik ang matang tumingin sa akin. 


"How dare you change my mansion? Wala ka talagang sinayang na oras at inangkin mo na 'to?"marahas niyang sabi sa akin.


Bumuntong hininga ako. "Tita Viola this is my mansion too, binalik ko lang po sa dati." 


"I still can't accept you as Rei, for me you're just a lowlife impostor na gagawin ang lahat para maka-level kami." 


"Fucking read the documents Viola o hindi ka marunong magbasa? Deny all you want, she's Rei don't push her to her limits baka mapalayas kayong dalawa." Sumingit na sa usapan si ninong kaya lalong sumama ang timpla ni tita Viola. 


"Pakielamero! you do not belong to this house and family! Sampid ka lang, your opinion doesn't matter!" Singhal ni tita Viola at na kay ninong na ang buong atensyon niya. 

Finding CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon