"Sa malayong ospital tayo pupunta, we need to be careful baka may makakita sa atin at baka si Viola pa 'yun malaman ang tunay mong katauhan." Tumango na lang ako sa sinabi ni ninong habang nakayuko.
Maaga niya akong sinundo, hindi na ako nakapag-paalam kay Harry dahil sigurado ako ay ihahatid niya ako paalis at mas lalo lang ako makokonsensya, alam kong nasaktan siya nang tanggihan ko siya sa date at naglihim pa ako, napansin ko 'yun, ilang beses niya din ako tinanong tungkol sa lakad ko ngayon pero wala talaga akong sinabi sa kaniya. Wala siyang ibang ginag kung 'di intindihin ako.
"Are you okay? Kanina ka pa tahimik." Ngumiti ako kay ninong, ayoko na pati siya ay iniintindi ako.
"Okay lang po, medyo napuyat lang po." Sagot ko, pinaningkitan niya naman ako ng tingin kaya nagulat ako.
"Napuyat? Bakit? Pinuyat ka ni Harrison?! Bakit?! Anong ginawa niya sayo?!" Sunod sunod at galit niyang tanong sa akin, mas lalo ako nagtaka.
"Huh? Nagkwentuhan lang po ninong, bakit ka po galit? Sorry po sa susunod hindi na ko mag-pupuyat." Natigilan siya sa sagot ko at tumikhim.
"Kwentuhan lang?"
"Opo." Nakahinga siya ng maluwag tapos ay nagfocus na ulit sa pagmamaneho.
Nakatulog ako sa sasakyan dahil tumagal yata ng dalawang oras ang byahe namin, talagang pinakamalayong ospital ang pinuntahan namin. Habang nag-papark si ninong ang sinuot ko ang shades na bigay niya at sabay kaming bumaba, namangha pa ako sa laki ng ospital na pinuntahan namin.
"I have an appointment to Dr. Lopez." Sabi ni ninong sa isang nurse. Hindi naman nagtagal ay pumasok na kami sa isa sa mga clinic.
Agad akong kinausap ng isang lalaking kasing edad ni ninong, chineck niya ang pag-hinga ko, kinuhanan ng dugo at marami pang labs na ginawa, na-CT scan pa nga ako dahil nabanggit ni ninong ang pagkakaroon ko ng amnesia. VIP yata kami dito dahil ang kahit madaming test na ginawa sa akin ay hindi kami naghintay ng matagal sa pag-hintay ng resulta.
"Ms. Cindy?" Tawag sa akin ni doc. Hindi ko ginamit ang pangalan na Rei para daw mas safe sabi ni ninong.
"How's the result doc?" Tanong kaagad ni ninong.
"Wala naman kaming problema na nakita, all of her labs are normal, no hidden injuries or sickness. About your amnesia, right? Your brain is clean, walang bleeding or any brain damage." Nakahinga ng maluwag si ninong sa sinabi ng doctor.
"Maybe your amnesia is psychological, I know a good pychiatrist doon ko kayo i-rerefer." May inabot na papel si doc kay ninong, nagpasalamat kami at pumunta na sa doctor na binigay sa amin.
"Mabuti naman at walang nakita sayo, are you feeling well, Rei?" Nag-aalala pa rin si ninong, kumapit ako sa braso niya at masayang tumango.
"Okay lang po ako ninong kaya relax ka lang." Bumuntong hininga lang siya at ngumiti sa akin.
BINABASA MO ANG
Finding Cinderella
RomanceA typical fairytale love story. Cindy believes that that are kindness in every people's heart. Despite the hardships that the universe given her she always choose to be kind. And now she met her prince charming. A maid. A prince. Different status...