Hindi ko na marinig ang ingay sa paligid ko, parang nabingi ako at nakatitig lang kay senyorito nasa kaniya ang buong atensyon ko, ang layo namin, kahit nasa iisang lugar lang kami ay malayo pa rin ang agwat namin sa isa't isa, sa buhay na ginagalawan niya ay ibang iba sa buhay ko ng simple lang.Have courage.
Swerte ako na maayos at mabait ang pakikitungo sa akin ni senyorito, kahit kailan ay hindi niya pinaramdam sa akin ang kaibahan namin sa buhay, pantay lang ang tingin niya sa akin at sa ibang tao, hindi siya nag-mataas kaya deserve niya ang lahat ng magagandang nangyayari sa buhay niya.
"Cindy? Cindy? Uy natulala ka naman." Napalingon ako kay Lina na kumalabit sa akin.
"Ha?" Hindi ko kasi narinig ang sinasabi niya.
"Sabi ko natulala ka naman masyado kay senyorito, sabagay kahit ako man ang pogi eh." Kinikilig niyang sabi at bumalik ang tingin sa harap.
Ganoon din ang ginawa ko, magkakatabi na silang pamilya na nakatayo sa harapan, nawala na din ang mga palakpak dahil hawak ni senyorito ang mikropono at mukhang magsasalita.
"Good evening to all of you." Panimula ni senyorito. "Thank you for coming in my party, thank you for giving us time to celebrate this wonderful time with us. I hope you enjoy the rest of the evening." Maikli niyang sabi at nagpalakpakan na ang mga tao.
Bumaba na din siloa madam para lapitan ang mga bisita nila kaya naalis sila sa paningin namin ni Lina, mabuti na lang at mahirap iwasan ng tingin ngayon si senyorito, ewan ko ba baka siguro dahil naka-ayos siya at nanibago lang ako.
May mga napapansin akong lalaki na dumadamaan sa pwesto namin at nakatingin sa amin ni Lina, pirmi lang akong nakangiti dahil iyon ang bilin sa amin ni manang, narinig kong bumuntong hininga si Lina kaya nilingon ko siya.
"Ako 'tong nag-effort mag-ayos, nag-make-up, nanood pa ako ng tutorial tapos ikaw lang ang napapansin eh liptint lang naman ang nasa mukha mo? Ang unfair ah." Nakanguso niyang sabi.
"Ano bang sinasabi mo?" Nagtataka kong tanong, bigla bigla kasing magsasalita mag-isa.
"Sana maganda din ako." At nagpakawala na naman siya ng buntong hininga.
"Maganda ka din naman ah."
"Oo na lang." At umayos na siya.
Natanaw ko mula sa malayo si senyorito na busy sa pakikipag-usap sa mga bisita at agad din natambunan ng mga tao, nakita ko din ang mga kaibigan niya na sila sir Davi at sila ma'am Cece may mga kasama din sila na ka-partner sila yata ang mga boyfriend/asawa at girlfriend maliban lang kay sir Jake na solo lang.
May mga babae din na bisita na kasing edad lang namin ni Lina pero magkaibang magkaiba kami, nakasuot sila ng magagarang gown at maayos ang mga itsura, halos lahat ng bisita nila madam ay mayayaman aura palang at galaw ay malalaman na agad.
"Mas mahal lang make-up nila kaya maganda silang tignan." Iritang bulong sa akin ni Lina habang nakaktitig sa mga babae.
"Hindi ako panget, mahirap lang." Hindi ko na lang siya pinansin at mahinang natawa.
"Mga retokada eto ngang kaibigan ko natural beauty." Ayaw matigil ni Lina sa kabubulong.
"Pogi ang hinahanap ko bakit puro chakang retokada ang nandito?" Reklamo pa niya ulit buti na lang talaga at mahina lang ang boses niya kapag may nakarinig sa amin ay patay kaming dalawa nito.
BINABASA MO ANG
Finding Cinderella
RomanceA typical fairytale love story. Cindy believes that that are kindness in every people's heart. Despite the hardships that the universe given her she always choose to be kind. And now she met her prince charming. A maid. A prince. Different status...