CHAPTER 3

57 3 1
                                    

---happy reading mga vievie ko---❤

Mabilis lumipas ang panahon. August na agad hahaha. Wala ng acquaintance party na naganap dahil mag-rereview ang mga college. Marame ng nangyare. Sa loob ng isang buwan sa school, marami na kaming ibat-ibang activities na nagawa. May mga seating arrangements na, May mga cleaners na, at halos close ko na lahat ng mga teachers. Ang babait kasi hahaha.

Maliban kay sir montalvo. Pagkatapos nung tawagan namin nung june, iyon ang huling beses na nagkausap kami hahaha. Pag nasa school, maguusap lang kapag school related. Well alam ko naman yun dahil nga teacher and student lang ang relationship na meron kami. Okay na ko. Sinusubukan kong i-uncrush si sir. Good luck self.

And guess what? May bago na namang member ng squad. Si Nicole Suarez. 18 years old na din. Awit lahat ng tropa ko 18 na ako mag 18 pa lang HAHAHA. Si Nicole, maganda syempre. Transferree sya galing sa laguna. Ang payat niya as in pero sexy pa rin. Maputi din. Kaya marameng nagkakagusto hahaha. Wala akong kaibigang hindi maganda. Lahat sila dyosa.

Nung dumating si Nicole, mas naging solid yung pagsasamahan namin hahaha. Nadagdagan na naman kasi ang mga samahan ng mga babaeng tirador ng mga teachers HAHAHA.

katulad ko, crush ko si sir. Montalvo. Si PM naman crush si sir Carlo. Si Mae, ayun crush si ma'am faith HAHAHA yung teacher sa politics. Hindi naman daw sya lesbian, bisexual lang and buong puso namin siyang tanggap. At si Nicole, crush niya si sir Patrick. Yung teacher sa Filipino. Si jade talagang wala hahaha manga and anime lang sapat na para sakanya. Ang Dami nga nyang bebe sa anime eh HAHAHA parang ako. Marami akong bebe sa wattpad.

Dahil august na, ito yung buwan ng wika. Sobrang excited ko kasi May dress code hahaha lahat ng estudyante ay magsusuot ng mga makaluma at traditional na kasuotan. Which is super duper pinapangarap ko talaga hahaha. Yung mga teachers May mga intermission numbers din hahaha magsasayaw sila ng mga folk dance hahaha.

May mga declamation contest din. May mga slogan and poster making, May mga spoken poetry contest pa. Kaya masasabi kong august ang isa sa pinaka paborito kong month.

Syempre May pa-contest din para sa mga students. "Sayaw noon, kanta ngayon " ang pamagat ng patimpalak. Syempre dahil mahilig akong sumayaw, sumali ako hahah. Syempre nagdala ako ng kakampi. Sumali din si Nicole at Brianna. kaming tatlo ang representative ng humss-11-B. Ibat-ibang student kada section.

Walang araw na hindi kami nag practice sa room ng Humss 11-A. Aside sa gusto naming manalo, gusto rin naming i-enjoy ang pagsasayaw sa harap ng madla.

Mahal ko ang pagsasayaw, tapos mahal ko rin si sir. Char HAHAHA iuuncrush ko na nga pala sya. Hindi ko alam kung single or taken si sir. Pero wala na kong pake. Iuuncrush ko na sya. Mali to. Mali tong nararamdaman ko para sakanya.

Today ang last day ng practice namin. Dahil bukas na gaganapin ang event. Nakahanda na rin yung mga susuotin ko bukas. Kaya excuse kami nila Nicole at Brianna sa lahat ng subject. Andito kami ngayon sa room ng humss-11-A. Break time kasi sa practice kaya naman chill lang muna kaming tatlo dito.

"Sis, namimiss ko na si patrick ko. Bat kasi absent sya ng absent grrr" naiinis na reklamo sakin ni Nicole. Ang Patrick na tinutukoy niya ay si sir Patrick Guerrero, ang teacher namin sa Filipino.

Tinawanan ko lang sya dahil doon. Sasabihin ko sana na namimiss ko rin si sir Montalvo pero nang maalala kong inauncrush ko pala siya ay hindi ko na itinuloy iyon.

"Guys! Galingan naten bukas ah, aawra ako bukas mga sisters HAHAHA" natatawang sabi samin ni Brianna. Ito ang gusto ko sakanya. Kapag nalulungkot ako, andyan siya para pagaanin yung atmosphere.

Ngumiti lang ako don. Nakaramdam ako ng uhaw kaya nagpaalam muna ako kina Nicole at Brianna na bibili lang muna ako ng tubig sa canteen. Naglakad ako papunta sa pinto hanggang sa makarating ako sa canteen. Agad akong pumunta sa counter at bumili ng isang coke mismo. Pagtapos kong bumili, nag-decide akong umupo muna. Dito na lang muna ako habang Hindi pa time. Pampalipas oras lang,ayoko muna umakyat sa room.

Hi Sir, I love you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon