---happy reading mga vievie ko---❤❤❤
"Let's talk about your ex-girlfriends haha " kalmadong sabi ko kay primo.
Agad naman syang inasar ni sir carlo. " pota ayus-ayusin mo sagot mo pre haha kung ayaw mo mag world war 3"
Pinakyuhan lang sya ni primo.
" hmm okay hahaha what do you wanna know? " nakangiting sabi ni primo
Agad naman akong umayos ng upo kahit hilo na ko.
" hmm their names and kung bakit kayo nag-hiwalay " seryosong sabi ko
Bumuntong hininga naman si primo bago sumagot
" I already told you before love na I had three ex girlfriends, right? Haha "
" yeah but I want to know more hehe " pa-cute na sabi ko sabay kiss kay primo sa lips ng smack
" damn okay. First, nung grade 9 ako. Si agatha Villanueva, nag break kami dahil hindi niya kaya ang LDR. "
seryosong kwento ni primo at nakinig lang ako dahil Hindi ko rin alam kung epekto ba ito ng alak or gusto kolang talaga malaman ang past relationships niya
" the second one, si Blythe Hermosa. Nung grade 10 ako. Nag-hiwalay kami dahil...nag-cheat sya haha " natatawang sabi ni primo
Napa 'oww' naman kami dahil sa gulat. Sa itsura ni primo may gana pang mag cheat yung blythe?
" the last one, si dennise. Dennise del fuerro. Hindi naman dapat kami maghihiwalay eh haha kaso...namatay sya " malungkot na Sabi ni primo
Masasabi kong base sa facial expression ni primo, yung dennise ang pinakaminahal nya.
" i-it's okay kung di mo na ikwento love. Maiintindihan ko " sabi ko kay primo habang hawak ng mahigpit ang mga kamay nya
" it's okay haha I'm over it love " sabi ni primo sabay kiss sa noo ko
" she died because her sister killed her. "
Seryosong sabi ni primo na talagang ikinagulat naming lahat. Pakiramdam ko nawala lahat ng hilo ko
" pinatay sya ng sarili nyang kapatid pre?" Gulat na tanong ni sir carlo
" y-yeah. Si dennise ang pinakamatagal kong girlfriend sa lahat. Mula grade 10 hanggang first year college. Akala ko sya na yung mapapangasawa ko kasi mahal na mahal namin ang isat isa that time. Kaso...namatay sya sa mismong araw ng third anniversary namin."
Awit. Sakit. Pighati.
Agad kong niyakap si primo. Hindi sya umiyak pero alam kong nasasaktan pa rin sya. Hindi ako nakaramdam ng selos dahil parte sya ng nakaraan ni primo.
After ilang seconds bumalik ako sa pagkakaupo at muling nagsalita si primo.
" her sister killed her. Pero hindi iyon sadya. May sakit sa utak ang kapatid ni dennise. Sobrang nadurog ako noon. Nagalit ako sa kapatid niya kahit pa alam kong may sakit sya sa utak. Nung nalaman ng pamilya ni dennise, pinadala nila sa mental institution yung kapatid ni dennise para ipagamot. Iyon ang huli kong balita sa kanila dahil umalis ako at never ng nagpakita pa sa kanila. " sabi ni primo.
Ramdam ko ang bigat na dala ni primo kaya naman para bawasan ang tension at bigat ng atmoshphere ay agad kong kinuha ang shot glass ko at nilagyan ko ng gin yon
" shot? Hahaha " nakangiting alok ko kay primo
Natawa naman kami lahat nang mabilis na tinungga iyon ni primo
BINABASA MO ANG
Hi Sir, I love you.
Teen FictionClaire Veinnese G. Ramos, a successful and professional teacher in a private school named Arellano University Apolinario Mabini Campus. One sunny day, one of her students asked her. " ma'am, noong estudyante ka pa, nagkagusto ka na po ba sa isan...