---happy reading mga vievie ko---❤❤❤
*FIRST WEEK OF JANUARY*
Andito kami ngayon sa AU. first week of January and kababalik lang din ng klase namin. As of now katatapos lang mag-lecture ni sir Ethan samin. Buong araw si sir Ethan ang inatasan ni primo na magbantay and incharge sa Humss-11-B. Ngayon, puro review and recitation na lang ang ginagawa namin bilang paghahanda sa upcoming final exam namin sa February.
" so wala na bang gustong magtanong? Any questions, class? " nakangiting tanong samin ni sir Ethan
Nagkatinginan naman kaming magtotropa na nauwi lang sa palihim na tawanan dahil malamang ' wala po ' ang mga isasagot namin HAHAHA
" wala na po sir hahaha nagets ko na po lahat hehe " confident na sabi ni brianna kay sir habang nag fi-flip hair. Nakita ko namang sumama ang timpla ng mukha ni calvin HAHAHA kaya agad na natauhan si brianna at umupo ulit sabay nilambing si calvin.
Calvin niyo nagseselos HAHAHA
Oo nga pala. Kababalik lang din niyan nila Calvin and brianna from ibang bansa. Sa ibang bansa kase nagpasko at nag newyear yang dalawang yan kaya ayan ganyan kasweet HAHAH
" sir ako may tanong po ako" seryosong tanong ni mae kaya napatingin ako sakanya. Bihira lang kase magsalita yan HAHAHA
" ano yun ? " magalang na sagot ni sir ethan
" ilang items po sir? " Aba...mautak sis ha.
" 50 I think " tipid na sagot ni sir ethan kaya kanya kanyang bulungan na naman mga kaklase ko.
" sir multiple choice po? " tanong ulit ni Mae. Shuta first time ito HAHAHA
Natawa naman si sir ethan bago sumagot kay Mae.
" oo may choices pero hindi lahat. Merong identification at hindi mawawala ang enumeration. "
nakangiting sagot ni sir ethan kay mae. Identification at enumeration? Yawa parang nanghina ako HAHAHA
Speaking of Mae, kababalik lang din niyan galing province nila. In fairness pag balik nya galing probinsya nila mas naging blooming sya. Basta may iba HAHAHA
Kung ano man yung dahilan, nakasuporta lang kaming buong tropa sakanya. Through thick and thin walang iwanan.
Speaking of walang iwanan, hindi pa rin nagsisink-in saken yung nangyare noong January 4. Noong araw na iyon kase, nagpakasal na sina mama at tito anselmo. Actually papa na tawag ko kay tito anselmo.
Sobrang saya. Nararanasan ko na na magkaroon ng buong pamilya. Na magkaroon ng tatay.
Pero hindi pa ko nagpalit ng apelyido. Okay na ko sa Ramos as of now. Napagusapan na rin naman namin nila mama and papa na ako raw bahala kung papalitan koba ang Ramos ng Dominguez HAHAHA
I'm fine with Ramos.
" wala ng magtatanong? " paniniguro ni sir Ethan sabay tingin sa relo nya.
Sabay sabay naman kaming magkakaklase na sumagot ng ' wala na po ' kaya naman nag lakad si sir pabalik sa table niya at nagsalita ito habang inaayos ang mga gamit niya.
" well then. Class dismissed. Ingat kayo sa pag-uwi, see you tomorrow students. "
nakangiting pagpapaalam ni sir Ethan kaya naman nagsipagtayuan na rin at nagpaalam kaming lahat. As usual, pinauna namin yung mga kaklase namin. Lagi kaming nagpapahuling magtotropa dahil kame ang nagaarrange ng mga upuan, nagpapatay ng aircon and nagpapatay ng ilaw.
BINABASA MO ANG
Hi Sir, I love you.
Teen FictionClaire Veinnese G. Ramos, a successful and professional teacher in a private school named Arellano University Apolinario Mabini Campus. One sunny day, one of her students asked her. " ma'am, noong estudyante ka pa, nagkagusto ka na po ba sa isan...