CHAPTER 20

36 1 0
                                    

---happy reading mga vievie ko---❤

First day ng sembreak. Naiiyak ako dahil imbes na wala ng pasok at makakapag date na sana kami ni primo, eh ang nangyare nag-away pa. At talagang sa bawat araw na gigising ako, pasama na Ng pasama ang loob ko kay primo. Hanggang ngayon kasi wala pa rin syang text. As in wala. To the point na napapatanong na ko kung kami pa ba?

Nasa bahay lang ako. May kanya-kanyang lakad ang mga tropa ko. Si Brianna at Calvin, may date sa art island. Si jade at yung boyfriend nya may date and ang unique ng date nila dahil sa national museum. Si Mae, may imemeet daw hahaha. Si Dianne, busy daw kasi may reunion na aattenan. Sina pm at Nicole, otw na dito sa bahay. Busy kasi sila sir Patrick at sir carlo kaya wala silang date.

Actually, pinakiusapan ko na sina sir Carlo at sir Patrick na kausapin nila si primo pero ang sagot lang daw ni primo eh ayaw daw akong makausap o makita. Sa totoo lang ang OA na. Di na ko natutuwa.

Naiiyak na naman ako.

Kagabi, chinika ko na sa gc namin yung nag text saken na unknown number. Lahat sila nagulat at kinabahan. Lalo sila pm at Nicole. Ang alam ko, sinabe na rin nila pm at Nicole yung text saken. Kaya naiinis ako kay primo lalo kase parang walang effect sakanya yung text sakin.

Kasalukuyan akong nag tutupi ng mga damit ko nang biglang May kumatok sa pinto.

" pasok...."

" my gosh gurl. Halika dali! " excited na sigaw ni pm habang sinasara ang pinto.

May dalang box si pm. Pero may gift wrapper. Lah, di ko naman birthday ah. Anong meron?

" Hindi yan galing samin sis. Kararating lang namin then nakita namin yan sa tapat ng pinto. May nakalagay na 'to:claire' eh ikaw lang naman ang Claire dito kaya dinala nalang namen hahaha buksan mo na baka sinusuyo ka na ni bebe primo mo " kinikilig na sabe ni Nicole habang inaalog ang balikat ko.

Natawa naman ako. Pero deep inside, kinakabahan ako. Pero...kung totoo man, sana nga sinusuyo na ko ni primo.

" okay fine. Hahaha videohan niyo ko dali HAHAHA " excited na sabi ko.

Kaya naman agad akong umupo sa sahig ng naka indian sit, samantalang si pm naman ang nag video, si Nicole naman ay nasa gilid kolang at nag chicheer.

Hawak ko na ang box. Magaan lang. Ang ganda ng design. Parang pinaghandaan ah hahaha

" okay 3...2...1...naka video na 'to hahaha " masayang sabi ni pm sabay ititutok ang camera sa mukha ko.

" baliw wag mo ifocus sa mukha ni Claire! Ipakita mo rin yung laman nung mystery box HAHAHA "

Ewan ko pero naeexcite rin ako hahaha I mean wala namang masama kung umasa ako na baka kay primo 'to galing diba?

" okay guys. Ito na bubuksan kona in 3...2...1...chara---"

Hindi na natapos ang sinasabe ko dahil biglang bumaliktad ang sikmura ko sa laman nung box. Maski sina pm at nicole napapunta agad sa cr at sabay sabay kaming sumuka.

Fuck walang puso ang gumawa nito. Tatlong patay na daga ang laman nung box. Nilalangaw pa. Hindi ko alam kung prank ba o may galit saken ang taong nagpadala niyan.

Habang sumusuka ako, umiiyak din ako. Hindi ko alam halo halong emosyon. Inis, galit, kaba at takot. Makalipas ang 30 mins ay medyo nahimasmasan na kame. Naitapon na rin yung box na May mga daga at nalinis na ang kwarto ko.

Pero hindi ko pinatapon yung note na nakalagay sa box. Gagamitin kong ebidensya pati yung video na nakunan ni pm. Kung sino mang tao sa likod nito, impossibleng wala syang malalim na dahilan para gawin iyon sakin.

Hi Sir, I love you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon